Chapter 3

2530 Words
Humans, but not all, are manipulative. They will make you believe that they are your friends, but when the moment you turn your back to them, they will stab you until there's nothing left to you. SA TOTOO lang ay hindi ko pinapatulan si Chloe dahil alam kong sayang sa oras pero hindi na ako makakapagtimpi pa sa lahat ng kamalditahang ginagawa niya. Kung hindi dahil kay Aria ay natuluyan na siguro si Bellona sa bangungot niya and who knows what will happen next. She's really testing my patience. Maybe, she will learn to respect us if I give her some goddamn lesson. Nang makalabas ako ng kwarto nila Bellona ay agad akong sumugod sa kwarto nila Chloe. Naabutan ko silang nagkekwentuhan ng mga impokrita niyang kaibigan. Ni hindi nga man lang nila napansin na naandito na ako sa loob ng kwarto nila. "Really, Chloe. Iba ka. Paano kung hindi na magising si Bellona? O paano nalang kung may makaalam sa ginawa mo? Hindi ka ba natatakot?" Sabi ng isa. "Don't worry, magigising pa rin naman iyon kahit na ayoko na siyang sikatan pa ng panibagong araw. Nakikipaglaro lang ako sa kanila para malaman nila na kahit mas mataas ang ranking nila sa akin ay superior ako sa kanila." Tatawa pa sana siya nang agad akong sumali sa usapan nila. "Ano kaya kung ako naman ang makipaglaro sayo, Chloe?" Napatigil sila at agad na napatingin sa akin. Laking gulat nila nang makita nila akong nakatayo roon. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Sinong nagbigay ng permiso na pumasok ka dito—" "At sino ring nagbigay sayo ng karapatang paglaruan si Bellona? You're asking me why am I here? Listen carefully because I am going to answer you. I am here to continue the game you set, Chloe. Instead of Bellona, ako mismo ang makikipaglaro sayo." Nginitian ko siya. Sa katunayan niyan, sa mga taong kilala ako, mas natatakot sila sakin kapag ngumingiti ako kaysa seryoso lang ang mukha ko. Alam kasi nila kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi ako ngumingiti dahil masaya ako, ngumingiti ako dahil galit ako. Lumapit ako sa kanya at napansin ko na sa bawat hakbang ko ay siya namang pag atras niya. "Oh? Bakit parang lumalayo ka sa akin, Chloe? Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba superior ka? Rank 8 ka hindi ba? Mayabang ka hindi ba? Pero bakit sa ipinapakita mo sa akin, ay natatakot ka. Nasaan na ang yabang mo?" She dared to do that to my friend, I won't let it slide. "You are messing with the wrong person, Chloe." Nawala ang kahit na anong emosyon na ipinapakita ko. Nakita kong nanginig si Chloe sa takot. That's right, matakot ka sa akin. Above all the students here, I am far superior to everyone. "Let me decide what game we should play next. How about a game where you can't wield your power, Miss?" Itinaas ko ang kamay ko and I snap it. In a blink of an eye, this girl in front of me is now powerless. "Oh my Freyja! What was that?" Alam kong naramdaman nila ang enerhiyang inilabas ko para makuha ang kapangyarihang meron si Chloe. That is what she deserves. "Chloe?" Nilapitan nila si Chloe na tila ba wala sa sarili. That's the reaction I wanted to see. Wala silang magagawa laban sakin. Hindi nila ako kayang talunin kahit na madami pa sila. Lumapit pa ako kay Chloe at tinapik ang balikat niya. Dahil sa pagtapik ko ay tila ba natauhan si Chloe at bumalik sa ulirat niya. Napatingin siya sa paligid at nang magtama ang paningin naming dalawa, nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya. "You're not superior than anyone, Chloe. You are just a nobody. A woman who is weak and has a superiority complex. A woman full of insecurities. Sana marunong kang rumespeto ng mas nakakataas sayo. Bellona is rank 5 and you're lower than her. Kahit anong gawin mo, nasa ilalim ka lang ni Bellona. Next time, if you want to prank someone, do it with me. I'll gladly welcome you in my dreams. For the meantime, enjoy being ordinary and nobody, Chloe. Enjoy being weak and useless—Oh, you are weak and useless to start with. Anong bago? May kapangyarihan ka man o wala, wala ka pa ring silbi." Matapos iyon ay umalis na ako ng kwarto niya na para bang walang nangyari o wala akong ginawa. Bahala na siya sa buhay niya. Mamaya rin naman ay malalaman niyang weak at powerless na siya though, ibabalik ko pa naman sa kanya ang kapangyarihan niya. I just want to teach her a lesson. Nang makabalik ako sa kwarto nila Bellona ay agad niya akong sinalubong. "Hel, anong ginawa mo kay Chloe?" Napairap nalang ako sa hangin. Minsan iniisip ko, parang nakakapagod at ang hirap maging mabait. Lagi ka nalang concern para sa ibang tao. "Gave her a lesson." Nagkibit balikat nalang ako at naupo sa sahig kung saan nakaupo ang mga kasamahan ni Bellona. Nakita kong nilalaro ni Aria ang kanyang mga baraha. "Ano namang lesson iyon?" Muli akong nagkibit balikat at hindi na nagsalita pa. Hindi ko naman obligasyong sumagot sa lahat ng katanungan niya. Alam ko na ang mangyayari kung sakali mang malaman niya kung anong ginawa ko kay Chloe. She will force me to give her power back which is ayoko munang gawin. Chloe deserves it. "Hel, gusto mong hulaan kita?" Tanong ni Aria sakin habang inaayos ang kanyang mga baraha. Naalala kong witch magic ang kanyang kakayahan. Though, hindi ko na kailangang magpahula dahil kontrolado ko naman ang mga pangyayari sa buhay ko, I don't mind. "Sige lang," matipid kong sagot sa kanya. As if naman na may makikita siyang maganda sa hinaharap ko. "Bunot ka ng card." Sinunod ko nalang ang kanyang sinabi. Inilahad nya ang kamay niya at iniabot ko naman ang baraha. "Alam mo Hel, accurate ang lahat ng sinasabi ni Aria." Masayang sambit ni Bellona. Syempre, doon nakafocus ang kapangyarihan niya. "Hel, are you waiting for someone? I mean, may gusto ka bang makita o hinihintay na tao?" Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Don't tell me, tungkol doon ang hula niya sakin? Sa dinami rami nang pwede niyang mabasa tungkol sa akin ay iyon pa. "Oo," walang buhay kong sagot. Natahimik si Aria bago ipakita sa akin ang barahang pinili ko kanina. "Malapit na ang oras na makikita mo ang taong matagal mo nang hinahanap. When you least expect it, doon mo siya makakaharap. Faith is working to let your paths crossed with each other. Ang tanong, kapag ba nakita mo siya, handa ka na ba?" Handa na ako? Is that even a question? If yes, how stupid. You are asking me if I'm ready? Kung alam niyo lang kung gaano ko hinihintay ang araw na magkita kami ng tatay ko. "Excuse me, can you open the door?" Napatigil kami sa aming pag uusap nang may marinig kaming katok mula sa labas. Tumayo si Bellona para pagbuksan ito ng pintuan at laking gulat nila nang makita ang Principal. Nakita kong nakatayo sa labas ng kwarto nila Bellona ang Principal kasama sila Chloe at ang mga impokritang kaibigan niyang hindi ko alam ang pangalan. Ni wala nga atang pangalan ang mga ito, eh. "Chloe told me that you stole her power which causes her to be powerless. Is that true, Hel?" Oh, nagsumbong agad siya? Where's the fun? "Hindi." I can lie all I want; they don't even have evidence to support their accusations. But anyway, I hate long conversations and drama. "Hindi ako aamin until she tells me that she used her power to manipulates Bellona's dream causing her to have nightmares. If she admits it, maybe I can say I did it to her, too." Agad napunta kay Chloe ang atensyon ng Principal. Dumadami na rin ang tao sa labas at nakikichismis sa nangyayari. "Totoo ba iyon, Chloe?" Halatang hindi ito makapaniwala. Hindi siya makapaniwala na ang akala niyang inaapi ay siya palang nang aapi. I can turn any tables; I can turn any situation in my favor kahit na totoo ang inaakusa sa akin. "G-Gusto ko lang naman po sanang i-try. I don't mean any harm. Close naman po kami ni Bellona." Gusto kong pumalakpak sa narinig kong dahilan niya. Close? Saang part sila naging close ni Bellona? "If you wanted to try your power, bakit hindi sa mga kaibigan-kuno mo? Tutal mas close ka naman sa kanila, hindi ba? And I don't remember you being close with Bellona. Paano kung sabihin ko sayong gusto ko lang rin subukan ang pagkuha ng kapangyarihan since close naman din tayo, hindi ba?" Malapit nang ma-hit ni Chloe ang dulo ng pasensya ko. Akala niya ba papatalo ako sa kanya? Madalas man na wala akong pakealam sa mga nangyayari but once you involve me in a situation, I will not back out. "Stop it, you two. Ibig sabihin, inaamin niyo ngang ginawa niyo ang mga iyon? Mygod, I can't believe this. Akala ko ba aware kayo na hindi pwedeng gamitin ang kakayahang mayroon kayo sa kapwa niyo estudyante especially if it will harm them? I am so disappointed." Hindi ako naapektuhan sa kanyang sinabi. Who cares? I don't. Isa pa, I am fully aware that I'm a disappointment since birth. Kaya nga ako walang pamilya ngayon. "I did not, Ma'am. How can I steal someone's power when I don't have the ability, to begin with?" That will be my last shot. Ayoko nang pahabain pa ito. "Both of you...in the detention room now!" "THIS is all your freaking fault, Hel." Napatingin ako kay Chloe na kanina pa ako sinisisi sa pagkakadetention namin. "Kasalanan mong naandito tayong dalawa!" Sana naisip niyang siya ang nauna. Kasalanan niya rin. "Kung hindi ka sana sumbungera, sana wala tayo dito. Now, whose fault is it?" Magsasalita pa sana siya nang biglang pumasok ang Principal dahilan para hindi niya magawang sumabatan na naman ako. "Nakausap na namin ang mga nakasaksi sa pangyayari and everyone is blaming you, Chloe. I will not tolerate such practice. Kapag naulit pa ito, hindi lang detention ang makukuha mo sa akin. And for that you'll be staying here for three hours!" Nanlaki ang mata ni Chloe sa narinig. Buti nga at tatlong oras lamang. Kung ako iyong principal ay panghabang buhay kong ikukulong ang babaeng ito dito. "As for you, Hel. You're not 100 percent innocent. You'll be staying here for one hour." Hindi na ako nagsalita pa. It's no big deal. "What? That's unfair! Pareho lang kaming may ginawang kalokohan at mas mababa ang penalty niya kaysa sa akin?" Wala bang ibang alam ang babaeng ito kung hindi ang umangal sa lahat ng bagay? "No, it's fair. Don't you ever think of using your powers because it's useless here. I'll be back after an hour." Pagkatapos niya pang magbigay ng ilang paalala ay umalis na siya. Kung wala lang siguro ang babaeng nabigyan ng kadaldalan dito ay masaya sana at tahimik ang buhay ko sa loob ng detention room. "KUMUSTA ang detention room, Hel?" Iyon ang salubong sa akin nila Dalia nang makalabas ako ng detention room. Ang bilis naman talagang kumalat ng balita. "Masaya. Wala kang ibang maririnig kung hindi ang boses ni Chloe na walang ibang ginawa kung hindi ang magreklamo." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Natawa naman sila sa sinabi ko. I don't remember telling a joke. "Speaking of her, nasaan na nga ba si Chloe? Hindi ba kayo sabay lumabas?" Pagtatanong naman ni Alvis. Umiling ako bilang sagot. Do I need to say the real reason? Nakakapagod magsalita. "Hindi. Inilibing ko na siya sa loob." Muli ay tumawa sila sa sinabi ko. Hindi ako nagbibiro. Ano bang nakakatawa sa mga sinasabi ko? "You're so mean, Hel. Natututo ka nang magmaldita. Pero seryoso, nasaan na ang bruha?" Napairap ako sa paulit ulit nilang tanong. "Nasa loob pa. She will stay there for 3 hours." Naglakad na ako matapos kong sagutin ang tanong nila. Baka mamaya may itanong na naman sila. Nakakangawit ibukas ang bibig. Habang naglalakad ay hindi nila maiwasang hindi magkwentuhan lalo na tungkol sa nangyari kanina. "Balita ko ay malaki daw ang posibilidad na may ispiya sa loob ng academy kaya ganoon nalang kadali para sa outsiders ang makapasok dito. Nakakatakot. Sana naman ay mahuli na kung sino iyon." Pahayag ni Alvis. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sila. "Who cares." Muli akong naglakad matapos iyong sabihin. Hindi ko nga ba alam. Nakasama ko lang si Chloe saglit ay walang tigil na rin ang bibig ko. "Sobra ka naman, Hel. Parang wala lang sayo ang mga pangyayari ah? Hindi ba kayo natatakot? Pwede tayong mapahamak kapag nagpatuloy ang ganito." Ani Bellona. "Wala namang dapat ipangamba at ikatakot, hindi ba? The students can protect themselves. Kung may mangyari man na masama sa school, that's not our problem anymore. Kaya nga tayo nasa school na ito, hindi ba? To know how we can survive and how can we protect ourselves. Hindi tayo nag aral dito para protektahan ang school. It's the other way around. The school will be the one to protect its students." They want to hear my opinion; I give it to them. Nasa sa kanila na iyon kung mamasain nila ito. Magpapatuloy na sana ako sa aking paglalakad nang makasalubong ko sila Theo at Kreios. Sa hindi malamang dahilan ay awtomatiko kong naikunot ang noo ko nang makita siya. Bakit ba lagi ko silang nakikitang dalawa? Walang araw na hindi nagku-krus ang landas namin, ah? "Yo," bati ni Theo sa amin. Hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman kami close para makipagbatian sa kanya. "Since naandito na rin naman lang kayo, I just want to pass a message from the higher-ups. Pinapasabi ng mga teachers na mag ingat tayong lahat. Be vigilant all the time. Hindi natin masasabi kung secured na ba talaga ang kaligtasan nating lahat dito. As your class representative, obligasyon kong ipaabot ito sa inyo at siguraduhing ligtas ang bawat isa sa inyo. Sana lang ay huwag tayong maging careless." Ani Kreios. Nagpintig ang tainga ko sa narinig mula sa kanya. Ewan, siguro ay sadyang ayoko lang nakakarinig ng mga ganoong salitain. "Huwag mo kaming masyadong isipin. Katulad ng sinabi mo, hindi natin alam kung sino ang kalaban. Who knows, baka isa pala sa amin at kapag nakatalikod na kayo ay bigla nalang namin kayong atakihin. Kaysa masyado kang mag alala para sa kapakanan ng iba, bakit kaya hindi mo nalang isipin ang sarili mong sitwasyon at kaligtasan? Kahit pa ikaw ang class representative, we are not your responsibility. Kami ang may responsibilidad sa kanya kanya naming sarili." Matapos iyon ay naglakad na ako papalayo. Sa susunod, lalayuan ko na si Chloe. Ayoko nang mapalapit sa kanya. Nahahawa ako ng kadaldalan niya. Tss, responsibility my ass. Ayan ang hirap sa iba. Masyado nilang iniisip ang kapwa nila to the point na nakakalimutan nila na pare-pareho lamang kami ng kinalalagyang sitwasyon. Hindi ba nila naisip na kahit anong malasakit nila sa iba ay maaari silang traydurin nito? The more you care for others, the more they will stab you at your back. Ganito sa panahon ngayon. Mahirap magtiwala. Ultimong kaibigan mo, maaari kang traydurin. Trust is something you can't easily give to someone kahit na malapit pa kayo sa isa't isa. In a game of survival, the only person you can trust on is yourself. Don't attach yourself to anyone so easily, in the end they will betray you. Sa huli, iiwan ka lang rin nila kahit gaano pa ang malasakit at pagpapahalaga mo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD