Even a cold-hearted person knows how to protect something or someone that is precious to him.
"TELL ME, may nahuli na ba kayong outsider?"
Shit, bakit ba napakatalas nitong si Kreios? Hindi siya dapat minamaliit. Oh well, what do you expect? Siya ang top ng klase namin.
Bakit ba ako natatakot at kinakabahan? Parang hindi ako ito, ah? Hel wake up!
"W-Wala pa. Hindi namin alam kung saan galing ang kutsilyong iyan. Kanina ko pa rin iyan nakita kaya lang natakot akong hawakan. Baka may naganap na dito bago pa man tayo dumating." Nanatili lamang na nakatingin si Kreios sa amin. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Bellona.
Inayos ko ang sarili ko bago magsalita. Kung ayaw niyang maniwala, wala na akong pakealam. "Hindi namin alam kung bakit may ganyan dito. Kakarating lang din namin at wala pa kaming nakikitang taga labas."
Bumuntong hininga si Kreios bago tumango. Hindi ko pa rin masabi kung pinaniwalaan niya ba kami o hindi.
"Hel, Bellona, buti naman at okay kayong dalawa. Nahuli na daw halos lahat ng intruders pero may kulang." Napatingin kami sa kararating lang na si Dalia at Alvis. "Ang sabi nila, may nawawala pa raw na isa. Hinahalughog na ng lahat ang buong school pero wala pa rin kaming nakikita. Akala ko may makikita kami dito pero mukhang wala rin. Siguro nakatakas na iyon."
"P-Paano nasabing may nawawalang isa? Bilang?" Pagtatanong ni Bellona. Damn it, Bellona. Stop trembling! Just act normal.
"Hindi ko rin alam. Ipinaalam lang iyan sa amin ng mga teachers, eh. Kaya nga daw be vigilant. Baka daw kasi biglang umatake iyong isa." Nagkibit balikat si Alvis matapos niya iyong sabihin. "Anyways, suspended na daw ang klase dahil madami ring mga estudyante ang nasugatan." Paalala pa nito.
Natahimik kami nang makarinig na naman kami ng boses ng babae. "The nerdy is right. Magsibalik na kayo sa mga dorms niyo. Halos lahat ng nasugatan ay nasa lower rank kaya kung ako sayo Hel, magtatago nalang ako sa ilalim ng kama ko para hindi na ako masaktan pa."
Bakit kaya hindi siya ang gumawa? Tutal suggestion niya naman.
"Bakit ba lagi nalang si Hel ang pinagtitripan mo ha, Chloe? Kung makaasta ka naman akala mo sobrang galing mo." Naiinis na bulyaw sa kanya ni Dalia.
"Whatever." Umirap si Chloe. Hindi ko nalang siya pinatulan. Wala namang mararating ang pagtatalo naming dalawa.
"Tama na iyan. Tara na at bumalik sa kani-kanilang kwarto. Mas ligtas kung susundin nalang natin ang sinabi sa atin ng mga teachers." Ani Kreios.
Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng campus para makapunta na kami sa kani-kanilang dorms. Napatigil ako nang may maalala akong dapat kong gawin. Napatingin din naman agad si Bellona sa akin.
"Bellona, do me a favor. Make an excuse for me, kapag nagtanong sila kung nasaan ako. Kailangan ko lang umalis." Naalala kong may iniwan nga pala akong trabaho sa Helheim na kailangan kong balikan agad.
Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon o sagot niya at agad na naglaho. Kaya na niyang gawan ng paraan iyan.
Bellona's Point of View
NATULALA nalang ako nang biglang maglaho si Hel. Mariin akong napapikit ng mata. Anong gusto niyang sabihin ko? Hindi pa naman ako magaling gumawa ng mga excuses.
"Oh, nasaan si Hel?" Agad tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang tanong na iyon. Pwede bang huwag nalang kayong magtanong?
Nilingon ko sila bago ngitian. Bahala na. Sana lang ay kagatin nila ang sasabihin ko.
"Umalis. Gusto ata niyang hanapin iyong nawawala." Hindi ko alam kung makukumbinsi ko ba sila dito o hindi pero sana oo.
"Ha? Hindi ba at parang masyadong delikado iyon?" Ani Alivis. Huwag kayong mag alala kay Hel. Kaya niya ang sarili niya.
"Desperada na ba siya na tumaas ang ranking niya at kahit imposible sa kanya ay gagawin niya?" Nagpintig ang tainga ko sa narinig mula kay Chloe. Kung siya nalang kaya ang mawala?
"Back at you. Kung may desperada man dito, hindi ba't ikaw iyon?" Naiirita na ako sa kanya. Hangga't maaari ay hindi ko siya pinapatulan dahil ayoko ng gulo pero pwede namang hindi nalang siya magsalita hindi ba? Lalo na at hindi naman kailangan ng opinyon niya.
Nauna na akong maglakad sa kanila dahil baka may ihabol pa silang tanong at hindi ko masagot lalo na si Kreios. Alam kong may gusto siyang itanong kanina pero naghahanap lang siya ng magandang timing. Kapag iyon pa naman ang nagtanong ay pangmatalinong level. Baka hindi ko magawang masagot ng maayos at ikapahamak lamang ni Hel. Ito namang si Chloe ay sobrang taas ng tingin sa sarili. Akala mo ay kung sinong magaling. Kung ikukumpara naman siya kay Hel ay wala siyang binatbat.
Believe it or not but Hel is a goddess. She is the ruler of the underworld, the goddess of the dead. Ayaw niya lang talagang ipaglandakan ang katauhan niyang iyon. Para sa kanya wala naman kasing ibang importante sa mundo kung hindi ang makaganti sa kanyang ama na si Loki. Si Loki na iniwan siya at inabandona.
"Anong nangyayari sa labas? Hindi pa rin ba nahuhuli lahat?" Tanong ni Aria, isa sa mga roommates ko.
"Ewan. Ang sabi kasi hindi pa raw. May nawawala raw na isa kaya siguro hindi pa makakakalma ang mga tao." Tumango tango naman siya, Umupo naman ako sa kama ko.
"Grabe na talaga ngayon, 'no? Marami nang nakakagawang makasira ng barrier ng school at makapasok dito kahit walang permiso ng nakakataas." Hindi nalang ako nagsalita pa.
Totoo naman ang sinabi niya, eh. May barrier sa paligid ng school kaya magtataka ka paanong nagagawang makapasok ng mga taga-labas sa academy? I mean, how they can destroy something as strong as the academy's barrier? Hindi kaya...
"Minsan napapaisip tuloy ako. Baka ang mga iyan may kasabwat dito sa loob." Doon nakuha ni Aria ang buong atensyon ko. Nabasa niya ba ang naiisip ko? Pareho kami ng takbo ng utak, eh.
Hindi na ako magtataka pa. Hindi naman talaga imposibleng mangyari iyan eh. Hindi naman kaming lahat dito maganda ang intensyon. Hindi nga namin talagang kilala ang isa't isa pero kung talaga mang may kasabwat ang mga ito sa loob ng school. Anong dahilan nila?
"Who knows? Hindi rin naman natin masasabi." Humiga nalang ako sa kama ko. Ayokong masyadong isipin pa iyon. Mastress lang ako.
Si Hel kaya, ano kayang ginagawa niya ngayon? Malamang ay ipinagpapatuloy na niya ang bagay na naudlot kanina.
Don't get me wrong. Hindi masamang tao si Hel. Mukha lang siyang masama pero mabuti siyang tao. Pero siguro madalas ay naibubunton niya sa ibang tao ang galit at inis niya sa mundo. Isa pa may responsibilidad lamang siyang ginagampanan. Ipinaubaya kasi ni Odin ang pamumuno sa mundo ng mga patay kay Hel. Minsan nakakagawa rin siya ng mga bagay na hindi makatao. She's heartless but not literally. May emosyon at puso naman iyang si Hel, kaya lang ay hindi niya ginagamit.
Unlike her, I am not a goddess. I'm just a simple human being with a special ability kaya ako nakapasok dito sa academy. Marami lang din akong alam tungkol doon dahil naikekwento niya sa akin. May tiwala sa akin si Hel dahil simula pagkabata palang ay magkaibigan na kaming dalawa.
Walang kinikilalang magulang si Hel. Iniwan nga siya ng pamilya niya, hindi ba?
Bunso si Hel sa mga anak ni Loki at nag iisang babae rin. Hindi ko alam kung bakit nga ba iniwan niya si Hel sa murang edad.
I can't judge her; we cannot judge her kung bakit siya ganito dahil wala namang nakakaalam sa kung anong pinagdaanan ni Hel o kung ano man ang nakaraan niya. We only know a little but not everything.
"Oh Bellona, naandito ka na pala? Si Hel? Alam mo ba kung nasaan siya? Wala kasi siya sa kwarto niya, eh. May pabor lang sana ako sa kanya." Dumating bigla si Venice. Isa rin sa mga roommates ko.
Hindi naman lahat ng tao dito sa academy ay bully. May ilan na pala-kaibigan din at mababait.
"Umalis siya kanina. Hindi ko lang rin sigurado kung saan siya pupunta. Hintayin mo nalang siguro. Pabalik na iyon. Bakit? Ano ba iyong kailangan mo sa kanya?" Tanong ko sa kanya.
Umupo si Venice sa kama niya at halatang nahihiyang sabihin sa akin kung ano ang pakay niya kay Hel.
"I want to ask a favor kasi. Hindi ba may kakayahan si Hel na gamiting medium ang isang bagay kung saan nakikita mo ang reflection mo para makita ang isang taong malayo sayo? Gusto ko sanang humingi ng pabor na tulungan niya akong makita kahit saglit lang ang mga magulang ko. Gusto ko lang malaman kung nasa maayos silang kondisyon. Tatanungin ko sana si Hel kung papayag siya." Tumango ako. I see, iyon pala ang kailangan niya. Well, isa nga sa kakayahan ni Hel iyon. Kaya nga kapag gusto ko ring makita ang mga magulang ko ay sa kanya ako lumalapit at tinutulungan niya naman ako ng walang kapalit. Siguro, dahil magkaibigan kaming dalawa.
"Just try to ask her later. Papayag naman siguro iyon—"
"At bakit?" Matipid na sabi niya nang makabalik na siya. Napatingin naman agad sila Venice sa kanya. Akala ko pa naman ay magtatagal pa siya sa mundo niya.
Agad akong lumapit sa kanya. "Anong nangyari?" Pabulong kong tanong. Hindi naman pwedeng bulgaran naming pag usapan iyon dahil maririnig nila Aria at Venice. Wala silang ideya kung ano o sino ba talaga si Hel.
"I settled everything in place. So, what's the matter? Kanina ko pa naririnig ang pangalan ko." Agad lumapit si Venice sa kanya. Dala dala niya pa rin ang nahihiyang ekspresyon niya.
"Ano kasi...Hel, gusto ko sanang magpatulong sayo para makita ang mga magulang ko. Ayon ay kung papayag ka lang naman." Doon kasi kilala si Hel. Ang alam ng lahat ay iyon lamang ang taglay niyang kakayahan. Little did they know na mas higit pa ang kapangyarihan ni Hel doon. Oh, hindi na nila kailangan pang malaman. Ni hindi nga alam ng iba na anak si Hel ng isang god, eh. Walang nakakaalam na anak siya ni Loki, the god of mischief.
"It's fine with me. But can we not do it here? I am not comfortable doing things in front of many people." Agad napangiti si Venice sa narinig at sumunod na kay Hel. Nginitian ko lang naman sila hanggang sa makaalis na sila sa kwarto namin.
Humiga nalang muna ako sa kama ko at nanatiling tulala hanggang sa maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan na lamunin ng dilim ang aking paningin.
"PLEASE...someone..." I keep on calling someone's name, but I got no response.
"Someone, please save me..."
"Please don't kill me. I'm begging you, Hel..."
"Hel, we're friends, remember? Don't do things that you might regret afterward."
"Hel, please..."
"Hel..."
"Bellona!" Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa paligid ko at doon ko nakita sila Venice at si Hel. Anong nangyari? Did I have a nightmare?
"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Aria sa akin. Iniabot niya ang baso ng tubig at pinainom ako. Nakapagkwento lamang ako matapos kong kumalma.
"I had a dream. Akala ko papatayin ako ni Hel. Hindi ko na maalala ang ibang detalye." Pagsasadula ko. Everything is vague. I can't seem to remember my exact dream. Sumasakit din ang ulo ko. Pakiramdam ko ay nahihilo ako.
"That's weird. Sikat pa man ang araw ay binabangungot ka na—"
"No, it's not weird. Someone planned this thing to happen." Sabi ni Hel.
Huh? Hindi ko siya gets. Sino naman kaya—No way.
"Chloe did it. That dream manipulator!" May diin sa boses ni Hel kaya agad akong natakot. Madalang maglabas ng emosyon si Hel and when she does, it will hunt you, it will f*****g creep you out.
Chloe's power is to manipulate your dream. But those things that will happen inside your dream will also happen in reality. Kung sakali mang galawin ni Chloe ang panaginip mo and kill you in your dream, mamamatay ka rin sa realidad.
Tumayo si Hel at agad na naglakad. Dali dali ko siyang hinabol pero nahihilo pa rin ako kaya't hindi ko nagawang pigilan siya.
"Hel, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Malayo na siya at alam kong wala na ring makakapagpatigil sa kanya.
"That girl wants to see hell. Well, I'll give her more than she wants. I'll give her something she never wanted to see."
I am happy that she's concerned about me, but I don't what this to happen. This is bad.