Natapos ang maaksyong araw sa cafe.
Nagliligpit na kami bago magsara ngayong araw. Nagpupunas ako ng counter samantalang nagmomop ng sahig si Caleb. Kakatapos namang mag log out ni Megan sa online portal ng cafe.
Tuwang tuwa si Megan dahil nakarami kami ng benta. Ito na yata ang pinaka mataas na sales ng cafe mula ng magbukas ito.
"Caleb, sigurado ka bang ayaw mong mag full time dito sa cafe?", nakangiting tanong ni Megan
Ngumiti si Caleb habang nagmomop sa sahig, "Hindi na. May mga inaasikaso din kasi ako",
Humilata sa upuan si Megan. Bakas sa mukha nito ang pagod
"Sayang naman, Papa Caleb!
O sya, maraming salamat talaga sa inyong dalawa. Sa uulitin!"
Nagtawanan tuloy kaming tatlo
Pagkalabas naming tatlo ay si Caleb na ang nagbaba ng mga accordion. Pagkasara ay nagpaalam na rin si Megan.
"Ingat kayong dalawa"
Tumango si Caleb. Kumaway naman ako kay Megan, "Ingat sa pagdrive".
Kami na lang dalawa ni Caleb ang natira.
Tulad ng dati ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan. Naglakad na rin ako patungo dito at pumasok. Pumasok na rin sya sa loob at nagsimulang magmaneho.
Tahimik lang kami habang nasa daan. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Meron pa ring kaunting kirot sa aking puso lalo na at naalala ko pa rin ang sinabi nya kanina - na taken na sya.
Sinubukan ko na lang na libangin ang sarili sa pagtingin sa bintana ng sasakyan. Mag gagabi na kaya mas maraming tao ang nagpupuntahan sa mga malls. Pero kahit nakatingin ako sa mga dinaraanan ay lumilipad naman ang aking utak
"Kate?"
Napatingin ako kay Caleb. Ilang beses na pala nya akong tinawag. Nakatingin sya sa daan at nagtanong,
"Gusto mong kumain? Tara, daan muna tayo. Saan mo gusto? My treat."
"Gusto ko na kasing umuwi. Pagod na ko", ani ko
Saglit na tumingin si Caleb at parang nag-aalala,
"O-okay."
Nakarating na rin kami sa bahay. Huminto ang sasakyan sa harap ng aking gate.
"Salamat sa paghatid", sambit ko nang hindi sya tinitignan. Tinanggal ko na din ang seatbelt ko.
"Ingat, Kate"
Hindi na ako tumingin pa sa kanya at lumabas na ng sasakyan. Dumiretso ako sa gate at pumasok. Lumabas pala si Caleb ng sasakyan. Nakatayo sya at at nakatingin pa rin sa akin bago ko isara ang gate.
Nangungusap ang kanyang mga mata na para bang nag aalala bakit ako nagkakaganito.
Habang naghahapunan ay masayang nagkukwento si Tessa tungkol sa Turkish drama na pinanood nya pero walang pumapasok sa isip ko. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kay Tessa at umakyat sa aking kwarto.
Pagkaligo ay nagcheck muna ako ng aking phone. Buong araw ko itong hindi nacheck dahil na rin sobrang busy sa cafe. Pagkauwi kanina sa bahay ay iniwan ko rin ito sa kwarto.
Nagulat ako nang makita ang 5 missed calls at 2 texts mula kay Caleb.
2 missed calls at isang text nung umaga.
Caleb: Masama daw ang pakiramdam mo. Call me if you need anything, okay?
Palagay ko'y abala akong naghahanda ng sarili at nagpunta sa cafe nang tumawag sya at nagtext
Ang tatlong missed calls at isang text naman ay nitong pagkatapos kong umuwi
Caleb: OK ka lang ba Kate?
Hanggang sa tumunog ang aking phone
Caleb calling...
Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot ko ito,
"Hello..." ani ko
"Kate..." , he said huskily. Parang may mga paruparo sa tyan ko nang narinig ko ang boses nya
Ilang segundo kaming tahimik sa linya hanggang sa nagsalita ito ulit
"Galit ka pa ba sa kin?"
Galit ba ako sa kanya? Nagdaramdam siguro. Pero bakit? Dahil ba taken na sya? Eh hindi naman kami kaya bakit ako nasasaktan?
"H-hindi. Bakit?"
"Matutulog ka na ba? Pwede ba kitang makita? Nandito ako sa balcony..."
Naghuhuramentado ang puso ko. Ang sabi ng utak ko ay matulog na lamang ako, pero ang damdamin ko'y gustong lumabas para makita sya
Nanaig ang aking damdamin. Lumabas ako sa aking balcony. Nakita ko si Caleb na ngumiti. Pagod ang kanyang mga mata. I saw him sighed in relief.
Naka Tshirt ako at pajamas samantalang naka Tshirt at shorts naman sya. Pareho naming hawak ang phone sa isang kamay at nakadikit sa tenga.
Ngumiti ako sa kanya.
"Nag-aalala ako sa yo kanina. Galit ka pa rin ba? Sorry na", malambing nitong sambit
I tried keeping it cool dahil wala naman sa lugar ang nararamdaman ko, "H-hindi nga ako galit"
"So bakit sobrang tahimik mo kanina? I've been thinking about you and I wonder if may nagawa ba o nasabi akong hindi mo nagustuhan",
"Napagod lang siguro ako", sabay iwas ng tingin. Para akong napapaso sa tingin nya sa akin
Ilang sandali muling tumahimik ang linya
"Kate, may boyfriend ka na ba?"
"Huh?" nagulat ako sa tanong nya. Bakit nya tinatanong?
Hindi sya kumurap kaya mukhang gusto nyang malaman
"W-wala. Bakit mo naman natanong?"
"Pwede ba kitang ligawan?"
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nagwawala ang puso ko sa tanong ni Caleb. And for a moment, I don't know what to say
Naguguluhan ako. Nilakasan ko ang loob dahil gusto kong marinig mula sa kanya ang sagot. "Di ba taken ka na? Bakit mo ko liligawan?"
Kumunot ang noo ni Caleb na para bang nagtataka sa sinabi ko. Hanggang sa napagtanto nya ang tinutukoy ko,
"Yun bang sinabi ko sa dalaga kanina? Totoo naman na taken na ako. May isang babaeng nakabihag ng puso ko pero hindi pa kami. Kaya liligawan ko na",
Inaabsorb ko pa ang mga sinabi nya when he grinned nang may mapagtanto,
"Yun ba ang dahilan, Kate? Nagseselos ka ba?"
Agad akong pinamulahan, "H-hindi ah!" sabay iwas ng tingin
Sumulyap ako sa kanya at nakatingin pa rin ito sa akin habang nakangiti. Para akong malulusaw sa mga nangungusap nitong mga mata.
Halu halong emosyon ang nararamdaman ko. Ang dami dami ring tanong sa isip ko.
Handa na ba akong umibig ulit? Paano kung infatuated lang pala ako kay Caleb? Paano kung niloloko nya lang ako? Sa gandang lalaki nya ay tiyak marami nang babaeng dumaan at pinaiyak nya. Ibibilang nya ba ako sa mga 'yon?
Sabihin na nga nating sincere sya. Paano kung hindi rin pala kami sa huli? Bakit pa ba kami susugal kung masasaktan lang din kami sa huli?
"P-pero Caleb..."
"Hayaan mong iparamdam ko sa yo ang pagmamahal that you deserve. Handa akong maghintay, Kate..."
Hindi ako makaimik sa sinabi ni Caleb. Kahit sa malayo ay kita ko ang kanyang mga matang nasisinagan ng liwanag ng buwan. I can see sincerity in his eyes.
"Sige na, matulog ka na Kate. Good night"
"Good night, Caleb"
Hinintay ako ni Caleb na makapasok pabalik sa aking kwarto. Sinara ko na ang pinto sa balcony pati na rin ang kurtina. Ilang sandali pa ay pinatay ko na ang ilaw at humiga na para matulog.
Ilang minuto na ang lumipas pero paulit ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Caleb. Hindi yata ako patutulugin nito! Ang lakas ng t***k ng puso ko at nararamdaman ko ang mga paru paro sa aking tyan!
Para tuloy akong teenager nito. Hindi ko maiwasang kiligin lalo na kapag naalala ko ang mga sinabi ni Caleb kanina. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at saka mahinang tumili.
Ngunit sumasagi pa rin sa isip ko paano kung tulad ni Allan ay magsawa rin si Caleb at ipagpalit ako sa iba?