Maaga akong gumising kinabukasan. Kahit wala pang sapat na tulog, ay pinilit kong gumising para makapag-ayos dahil magsisimba pa kami ni Tessa.
I'm wearing a pastel blue midi dress na may maliliit na floral design. Ipinares ko dito ang isang pares ng blue open toed sandals
Naglagay lang ako ng powder at kaunting lip tint. Inilugay ko ang aking mahaba at malambot na buhok at sinuklay. Maalon ang aking buhok na aabot sa aking dibdib.
Nang makuntento na sa aking ayos ay bumaba na ako. Habang bumababa sa baitang ay naririnig ko ang boses ni Tessa. Isa pang hakbang sa baitang ay natagpuan ko sina Tessa at si Caleb na nasa sala at nag uusap. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Caleb.
"Ayan na si Ate Kate!"
"Ate, sasabay sa ating magsimba si Kuya Caleb." dagdag pa ni Tessa
"Good morning, Kate" bati sa akin ni Caleb. Naka pastel blue din sya na button shirt at nakatupi ang sleeves hanggang sa kanyang siko. Ipinares naman nya ito sa grey pants.
Nagmukha tuloy kaming naka couple shirt.
Ngumiti naman ako dito
Umagang umaga ay pakiramdam ko'y magkakasala ulit ako bago magsimba. Hindi ko maiwasang mabighani sa katawan nitong si Caleb na hakab na hakab sa kanyang suot.
Nauna nang lumabas si Tessa samantalang nakasunod naman ako kay Caleb.
Even his butt looks sexy pag nakatalikod
Hay, kung anu ano ang mga napapansin ko!
Bago pa kami makalabas ay lumingon ito sa akin at bumulong,
"You look beautiful",
Pinamulahan naman ako sa kanyang sinabi.
Dinala ni Caleb ang kanyang sasakyan at doon na kami sumakay. Pagkagaling sa simbahan ay dumaan muna kaming tatlo sa malapit na fast food chain para mag almusal.
Nang nakapili na kami ng upuan ay paalis na si Caleb para umorder. Tumayo na rin ako para sundan sya ngunit pinigilan ako nito,
"Dito ka na lang Kate," nakangiting sabi nito habang hawak ang aking kamay.
"Okay",
"Para naman akong third wheel sa inyo Ate", sabay tawa ni Tessa
Napangiti na lang ako at binalewala na lang ang sinabi nito
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na rin kami ni Caleb sa bahay. Hapon na at nanonood ako ng TV nang tumunog ang aking phone,
Caleb: Labas tayo?
Me: Saan tayo pupunta?
Caleb: Secret muna ngayon. Akong bahala (wink)
May pasecret secret pang nalalaman ito.
Caleb: Nandito lang ako sa labas ng gate nyo
Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya isang simpleng blouse at maong jeans na lang ang aking sinuot.
Sumilip ako sa bintana at nakita si Caleb na naghihintay at sakay ng isang mamahaling motorsiklo. He's wearing a white shirt underneath a black leather jacket paired with black pants.
Bumaba na ako at nagpaalam saglit kay Tessa. Pagkalabas ko ng gate ay nakatayo na sa harap ko si Caleb. Inabot nya at kinuha ang aking kamay at inalalayang sumakay. Isinuot nya sa ulo ko ang helmet at isinuot na rin ang kanya.
Kumapit ako sa baywang nya ngunit hinila nya ang mga braso ko para yumakap sa kanya. The warmth of being close to his back comforts me.
Pinaharurot nya ang sasakyan at sa bilis nito ay ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin at nililipad ang laylayan aking mahabang buhok. I tilted my head and leaned on his back.
"Woooo!" sigaw ko sa sobrang saya.
"Kumapit ka nang mahigpit", ani Caleb at mas lalong pinabilis ang takbo
Pareho kaming tumatawa sa saya at excitement.
Magtetrenta anyos na ako pero pakiramdam ko ay isa akong sweet sixteen! The freedom, the rush, the excitement. I was elated!
Nagsimula nang mas lumamig ang hangin at hindi ko namalayang nakarating na kami sa Tagaytay.
Tumigil kami sa isang restaurant na merong deck kung saan makikita ang Taal volcano. Nakatayo ako at nakahawak sa railing habang pinagmamasdan ang ganda ng bulkan. Payapa. Ang gandang tignan ng sunset. Naglalaban ang kahel na sinag ng papalubog na araw, ang madilim na bughaw na langit at meron pang pangilan ngilan na puti at mapusyaw na ulap hudyat na malapit na ring mag gabi. Banayad na asul na tubig naman ang pumapalibot sa isla ng Taal
"Ang ganda", sambit ko
Naramdaman kong ipinatong ni Caleb ang kanyang jacket sa aking balikat at yumakap mula sa aking likod. He snaked his arms around my waist and embraced me tightly. He put his chin on top of my shoulder. Napangiti ako. I felt peace and warmth in his embrace.
"Sana ay nagustuhan mo", aniya
"This is really nice. My heart overflows with joy" nakangiti kong sambit at pinihit ang aking ulo para tignan sya
I saw him staring at me. Now that our faces are very close, I can vividly see his beautiful dark brown eyes. Hindi ko maipaliwanag pero puno ng emosyon ang nakapaloob dito. Hanggang sa napadpad ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi.
Hindi ko namalayan na bahagya na palang nakaawang ang mga labi ko nang siilin ito ni Caleb ng halik.
Dilat na dilat ang aking mga mata sa gulat nang halikan nya ako. Ang kanyang malambot na labi ay nagsimulang gumalaw at tila ba naging hudyat ito para ako'y magpaubaya at unti unting ipinikit ang aking mga mata. Tumugon ako at sinimulan nyang palalimin ang halik.
Nalulunod ako sa sensayong nadarama. I gave a soft moan when he bit my lower lip. We remained in our position during the kiss.
Dito na rin kami sa Tagaytay nagdinner. Umorder kami ng bulalo at inihaw na pusit. Magkatapat kami sa mesa nang umupo ito sa aking tabi at idikit sa kanya. Sabay lahad ng kanyang isang kamay na may hawak ng phone para kunan ang aming selfie
Hindi ko maikakaila ang saya na nararamdaman ko. Para akong naging teenager sa kilig na nadarama kapag may date.
Habang kumakain ay panay ang lagay ni Caleb ng pagkain sa aking plato.
"Kumain ka ng mabuti. H'wag puro trabaho",
Napangiti naman ako dito. Mas sumarap ang dinner dahil kasama ko sya. Kapag sa unang tingin ay maiilang ka dahil mukha syang suplado, pero hindi ko inakala na ganito sya ka-sweet.
Pagkatapos kumain ay umuwi rin na kami. Pareho kaming nakatayo sa harap ng aking gate
"Kate," he said in his husky voice
Kinuha nya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha at inilagay sa likod ng aking tainga
"Hmm?"
"Ayoko pang umuwi sa bahay",
Natawa ako. "Maaga pa ang pasok ko bukas, Caleb."
He sighed and pulled me for a hug. Naramdaman kong hinalikan nito ang aking leeg at isinuksok dito ang kanyang mukha. We stayed in this position for a couple of minutes.
"Thanks, Caleb. Good night"
Tumango ito at hinintay akong makapasok sa bahay bago pumasok sa kanyang bahay.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay nahiga ako sa aking kama at ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Tumagilid ako at kinapa ang aking mga labi.
Biglang uminit ang aking mukha nang maalala ang mga halik nya. Niyakap ko ang aking unan at nakatulog na hindi nawawala ang ngiti sa labi