Lumipas ang isang linggo at naging maayos naman kami ni Caleb. Kahit papaano ay hindi na ako masyadong naiilang kapag nagkikita kami.
Tuwing umaga ay nagbabatian kami. Makikita ko sya pagkatapos nitong magjogging habang ako ay papasok naman sa trabaho.
Madalas na din kaming nagtetext sa isa't isa. Alam nya siguro na focused ako sa trabaho kaya tuwing lunch break sya nagtetext. Madalas ay magtatanong ito kung kumain na ba ako o kaya naman ay ipapaalala na lunch na at magbreak muna ako.
Noong minsan ay nagpadala naman ito ng picture ng niluto nya na may caption, "Adobo failed".
Sinundan pa nito ng isang text,
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Bakit?"
"Nagpadeliver ako ng pizza sa office mo. Saluhan mo na lang ako. Nagpadeliver din ako ng sa akin"
Natawa ako. "Salamat, nakalibre pa ako ng lunch. Anong nangyari sa adobo mo?"
"Susubukan kong retokehen mamaya"
Natawa na lang ulit ako. Ilang sandali ay inabot sa akin ng guard ang pizza. Kinuhanan ko ito ng picture at pinadala kay Caleb na merong caption,
"Palunch ni Mayor. Salamat po, Mayor!"
Habang kinakain ko na ang pizza ay tumunog ulit ang aking phone
"Kung ikaw naman ang first lady, kahit buong menu pa. Walang problema",
Hala. Nagfiflirt ba 'to?
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti na lamang ako at bumalik na rin sa trabaho pagkatapos kumain
Habang nagdidrive pauwi ay hindi ko maiwasan na maexcite makita ulit si Caleb. Madalas kasi say nakikita ko ito sa harap ng bahay nya o kaya naman ay sa balcony tuwing pag-uwi ko.
Dumating ako sa bahay at napansin na nakapatay ang mga ilaw ng bahay nya. Wala din ang kanyang sasakyan.
I heaved out a sigh. Siguro ay may inasikaso. O baka naman nagkayayaan ng mga kaibigan nya.
"Bakit ba ang pakealamera mo, Kate?" saway ko sa sarili
Kumakain kami ngayon ng dinner ni Tessa. Gusto ko sana syang tanungin kung napansin nya si Caleb pero nahiya naman ako. Baka kung anong isipin.
Natapos na kaming kumain at umakyat na rin ako sa aking kwarto. Dating gawi, naligo muna ako at pagkatapos ay nagtuyo ng buhok.
Sumilip ako sa balcony at nakitang wala pa ring tao sa katapat na bahay. Napagdesisyunan kong bumaba muna para magtimpla ng gatas at bumalik sa kwarto. Tumambay muna ako sa aking balcony at doon nagscroll ng aking news feed habang umiinom. Malamig ang hangin sa labas kaya tamang tama ang mainit na gatas. Ilang oras din ang lumipas pero walang Caleb na dumating.
Tinapos ko na ang aking pagbobrowse at bumalik na sa loob para mahiga na at matulog.
Sabado ngayon at maaga pa nang gumising ako. Hindi na rin naman ako inaantok kaya bumangon na ako. Nag-inat at niligpit ang aking kama. Hindi ko maiwasan na tignan ang aking phone kung may text ba sya. Pero wala. I sighed.
Ilang araw na ang lumipas at Sabado na ngayon. Pero hindi pa rin sya umuwi. Hindi nagparamdam sa text. Ilang araw na rin akong nakakaramdam ng pagkairita.
Hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang aking nararamdaman.
Bakit ba kasi ako naiinis eh hindi naman kami magjowa? May sarili akong buhay kaya ano naman sa akin kung hindi sya umuwi? Baka masyado lang akong na-aattached dito kay Caleb.
Manipis na sando lang ang suot ko nang bumaba. Wala ring suot na bra. Ganito lang naman ako sa bahay lalo na at kaming dalawa lang naman ni Tessa. Wala naman akong inaasahang bisita.
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kasalukuyan kong iniinom ang isang basong tubig at nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tessa,
"Good morning Kuya Caleb! Aga mo ah",
Nagkabuhulbuhol ang pintig ng puso ko. Sa taranta ay muntik pa akong mabilaukan at tumulo pa ang tubig sa aking dibdib. Bakat na bakat tuloy ito sa nipis ng aking sando.
Paglingon ko ay napasinghap pa ako nang makita si Caleb!
Dumapo ang tingin nito sa aking nakabakat na dibdib. Nawala ang ngiti nito at dumilim ang kanyang mukha. Nakita ko ring umigting ang panga nito at gumalaw ang kanyang adam's apple
Sa sobrang hiya ay pinagkrus ko ang aking mga braso para takpan ang aking dibdib. Agad akong nagtatakbo paakyat sa kwarto.
Hiyang hiya ako at ayoko nang bumaba! Dumapa ako sa aking kama at isinubsob ang aking mukha sa unan.
Pakiramdam ko ay nakita na ni Caleb ang kaluluwa ko!
Nang medyo nakabawi ay nagpalit na ako ng mas matinong pambahay.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto.
"Ate Kate, bumaba ka na. Hinihintay ka ni Kuya Caleb sa baba",
Lumakas ulit ang pintig ng puso ko nang marinig ang pangalan ni Caleb.
Pero sa sobrang hiya ako ay ayoko munang bumaba ng sandaling iyon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa kanya
"Sabihin mo muna masama ang pakiramdam ko",