Agad akong pumunta sa kusina para ihanda ang aking lulutuin. Bago umuwi ay nagpatulong ako kay Tessa sa pagluluto ng roast chicken. Ngayon ay lulutuin ko ang aking carbonara. Para makapag thank you na rin kay Caleb
"Inspired ah", ani Megan na nakakaloko pa ang ngiti habang pinapanood ako sa kitchen counter
"Talaga namang ito ang lulutuin ko para sa atin ngayon", ani ko
"Mas ganado lang ngayon dahil dito kakain si Kuya Caleb", ani Tessa at sabay pa sila ni Megan na nagtawanan
Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mangiti. Natatawa ba ako o kinikilig?
Nang malapit nang matapos itong niluluto ko ay tinulungan na ako ng dalawa sa paghahain sa mesa.
Tumunog ang doorbell at si Megan pa ang nagprisenta na pagbuksan si Caleb
"Nandito na si Papa Caleb!"
"Hi, Kate", nakangiting bati sa akin
He's wearing a blue button shirt and jeans. Itinupi pa ang long sleeves nito hanggang sa kanyang siko.
"Tamang tama ang dating mo. Umupo na kayo at kainan na", nakangiti kong sabi
Ang balak ko sana ay tabihan si Megan pero inunahan naman ako ni Tessa. Katabi ko tuloy si Caleb. Katapat ko si Megan, habang magkatapat naman sina Caleb at Tessa.
Ang lakas ng t***k ng puso ko nang umupo na ako sa tabi ni Caleb. Para tuloy akong teenager na kinikilig kapag malapit sa crush.
Wait, eh di inamin ko nang crush ko ang aking kapitbahay. I must admit, crush ko nga sya. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?
Lalo na ngayon at kitang kita ko ang features nya. Nanuot pa sa ilong ko ang bango nya. Ang bango bango nya talaga. Hindi matapang, kundi banayad lang at masarap sa pang amoy.
Pakiramdam ko ay nabusog na yata ako sa paghanga dito sa katabi ko.
Samantalang ang dalawa kong kaibigan ay nangingiti na sa harapan ko
Laki kong gulat nang nilagyan ni Caleb ng pagkain ang aking plato
"S-salamat"
"Kakilig naman Papa Caleb! Ikaw na talaga!" ani Megan
Kahit nahihiya ako sa inaasta ng kaibigan ay hindi ko na rin mapigilang matawa. Tumawa din sina Caleb at Tessa sa sinabi ni Megan
Nagkwentuhan lang kaming apat. Syempre ang mga tanong ay puro tungkol kay Caleb. Nalaman na rin ni Megan na kakalipat lang nito noong Sabado
"So, anong trabaho mo Caleb?", tanong ni Megan
"Wala akong trabaho ngayon", ani Caleb
"Eh saan mo kinukuha ang mga panggastos mo Kuya?" tanong naman ni Tessa
"May ipon ako", nakangiting sagot ni Caleb
"Mahilig ka bang gumimick?" tanong pa rin ni Megan
"Kapag nagkakayayaan ang mga kaibigan",
"Cool! Para naman maturuan mo itong si Kate mag enjoy. Ang KJ kaya nyan" sabay tawa ni Megan
Nagkatinginan kami ni Caleb at hindi ko maintindihan kung ano ang nakapaloob sa kanyang mga mata
Natapos ang aming dinner at umuwi na rin sina Caleb at Megan. Pagkatapos naming magligpit at maghugas ng mga plato ay pumunta na rin kami ni Tessa sa kanya kanyang kwarto.
Pagkaligo ay nagtuyo muna ako ng buhok. Tumunog ang aking phone sa bedside table. Kinuha ko ito at nakita ang text ni Caleb,
"Thanks for the dinner, Kate. Good night"
Napangiti ako.
"Thank you din. Good night, Caleb"
Pinatay ko ang ilaw sa kwarto at humiga na rin. Ilang sandali pa ay nakatulog na ako. Pakiramdam ko ay ang daming nangyari ngayong araw.