Naging maayos ang takbo ng buong maghapon sa trabaho. Natapos ko ang mga critical at urgent items sa aking to-do list.
Sinundo ako ni Megan at nagkayayaan muna kaming tumambay sa kanyang cafe bago nya ako ihatid pauwi. Tamang tama at hindi ko dala ang sasakyan kaya makakalibre pa ako ng pamasahe.
Dumating kami sa kanyang cafe ng mga 5:30PM. 30 minutes na lang at isasara na rin nya ito. May mga ilan pa ring mga customer na kumakain.
"Hot chocolate", sabay abot sa akin ni Megan.
"Thanks Bes" ani ko
Hot chocolate sa akin habang Capuccino naman kay Megan. Nagpalipas na lang kami ng oras at nagkwentuhan habang iniinom ang aming drinks.
Niyaya ko na si Megan na magdinner sa bahay. Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na kami sa sasakyan at sabay na pumasok sa gate. Tumambad sa paningin ko si Tessa, na parang kinikilig na naman at ngiting ngiti habang nakatingin sa may dako ng aking kotse.
"Nandyan na pala kayo, Ate Kate!"
Tatanungin ko sana si Tessa, nang biglang lumabas mula sa ilalim ng kotse si Caleb!
"Ate! Ginawa ni Kuya Caleb ang sasakyan mo!", may halong kilig na sabi ni Tessa
May chineck pa si Caleb sa hood ng sasakyan bago ito pumasok sa driver seat at ini-start ang sasakyan.
Lumabas ito at humarap sa amin ni Megan at ngumiti
"May kaunting nalalaman lang sa sasakyan kaya tinry kong ayusin", sabay abot ng isang kamay sa kanyang batok na para bang nahihiya sya.
Naestatwa na naman ako sa hotness ng kapitbahay ko. He's topless at kitang kita ang mala adonis nitong katawan. His sexy shoulders, ang mga muscle nito sa braso, perfectly sculpted chest, hard abs, pati V line nito ay kita na. Isama mo pa ang pawis na nakakadagdag sa appeal nya
"OMG. May hindi ka yata kinukwento sa akin Bes", titig na titig si Megan.
Agad kong pinandilatan itong katabi ko at sumagot kay Caleb"
"S-salamat. Hindi ka na dapat nag abala pa. Pero, salamat!"
"Uh, dito ka na kaya mag dinner", dagdag ko
"Great!" sabi naman nitong si Megan at pumalakpak pa.
"Nga pala, this is Megan, best friend ko. Megan, si Caleb, bago kong kapitbahay"
"Bes! Kung lumipat na kaya ako dito bukas para naman makita ko araw araw si Papa Caleb!" at nagtatalon pa ang magaling kong kaibigan
Natawa si Caleb sa sinabi ni Megan, "Hi Megan!"
At tumingin sa akin, "Thanks Kate. Sige, maglilinis muna ako ng katawan. See you later"
Nabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko sa baritonong boses nya at isama pa ang pagtama ng aming mga mata. May kung ano sa puso ko na naeexcite dahil magdidinner sya dito mamaya.