Lunes na at nagmamadali akong umalis para pumasok sa opisina. Pinihit ko ang susi para i-start ang sasakyan pero ayaw gumana! Ilang beses ko pa itong inistart pero ayaw umandar. Kakastress!
Habang nasa loob ako ng sasakyan ay kinatok ako ni Tessa at ngiting ngiti. Nakakunot ang aking noo nang lumabas at nagtataka bakit ngiting ngiti ito, ngunit nagulat na naman ako nang makita ang aking hot na kapitbahay.
"Ate Kate, si Kuya Caleb po. Kuya Caleb si Ate Kate", malaki pa rin ang ngiti ni Tessa.
"Good morning! Nice to meet you Kate", sabay lahad ni Caleb ng kanyang kamay.
Muntikan na akong malusaw nang ngumiti ito sa akin. Naestatwa ako at kung hindi pa nagsalita si Tessa ay baka hindi ako bumalik sa huwisyo.
"Ate Kate, nag aalok si Kuya Caleb na ihatid ka sa office, napansin nya kasi na sira ang sasakyan mo. Ang bait mo naman Kuya Caleb!", ani Tessa at pumalakpak pa.
Naiwang nakalahad ang kamay ni Ellis kaya naman ay inabot ko ito. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang hawak at bahagya pang pumisil sa aking kamay.
"Kate, OK lang ba kung ihatid kita?"
Naguguluhan ako. Hindi ko naman sya kilala at nakakahiya din. Pero malapit na rin akong malate. Tinignan ko si Tessa at asar na asar ako na parang kinikilig pa ito. Bumalik ang tingin ko kay Caleb
"O-ok naman. S-salamat",
Ano ba yan Kate! At nag stutter ka pa!
Isinakay nya ako sa kanyang sasakyan. He's a gentleman. Pinagbuksan nya ako ng pinto hanggang sa makapasok ako. Pumasok na rin sya sa loob at nagsimulang magmaneho. He seems harmless naman. Mukha lang suplado sa umpisa
"Ako nga pala yung bago nyong kapitbahay."
"O-oo. Napansin ko nga na kakalipat mo nung Sabado"
Nanatiling tahimik kaming dalawa hanggang sa nakarating na ako sa office.
"Salamat sa paghatid, Caleb. I owe you coffee some time!"
"No problem. Sunduin na kita, mamaya. Sira ang kotse mo. Anong oras ang labas mo?"
"H-h'wag na Caleb! Kaya ko nang umuwi mag-isa."
Ayoko ring maka abala. Napansin yata nito na stressed ako sa alok nya kaya hindi na rin ito nagpumilit.
Tumango ito, "Okay"
Paalis na ako nang magsalita ulit ito, "Uh, sandali Kate! Pwede ko bang makuha ang number mo?"
Nakita siguro nya ang nagtataka kong expresyon
"U-uh, gusto ko lang naman na makipagkilala lalo na at magkapitbahay tayo",
Mukha naman syang matino. At sa gwapo nito, tatanggi pa ba ako? Chos.
"Pahiram ng phone mo", at tinype ko ang aking number
Tinawagan nya ang number ko, "Pakisave na lang ang number ko Kate. Salamat"
Tumango ako at sinave ang number nya. Wala naman sigurong masama na makipag kaibigan sa bago kong kapitbahay, di ba?
"Alis na ako,"
Ngumiti ito sa akin at hinintay akong makapasok sa building bago umalis.