CHAPTER 14

1458 Words
Kakalabas ko sa building namin nang makita ko si Caleb na naghihintay. Nasa labas sya ng sasakyan at nakasandal sa likod nito. Ngumiti ito nang makita ako Simula nang umakyat ito ng ligaw ay palagi na nya akong hatid sundo sa trabaho. Noong una ay tumanggi ako, sinabi ko sa kanya na hindi naman nya kailangang gawin 'yon dahil kaya ko naman magdrive mag-isa. Ngunit mapilit ito, bonding time na rin daw namin kaya pumayag na rin ako. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay may inabot ito na paperbag mula sa likod. Binigay nya ito sa akin at nagsimula nang magmaneho "Magmeryenda ka muna", Mainit pa ang paperbag nang kinuha ko ito. Tinignan ko ang loob at nakita ang mga empanada "Uy, empanada! Thank you!" Ngumiti lamang ito habang nakatingin sa daan. Ilang araw na kasi akong nagcacrave sa chicken empanada simula nang mapanood ko kung paano lutuin sa youtube. Kaya naman agad na namasa ang bibig ko nang makita ko ang mga ito. Kinain ko na ang isa nang kumuha ulit ako at isinubo sa kanya. Kumagat sya habang nakatingin pa rin sa daan. Ibinalik ko sa akin at kumagat din. Sinubuan ko ulit sya para sa huling kagat nang kunin nito ang aking kamay at isubo sa kanya ang aking hintuturo. His playful tongue licked and sucked my finger. Nanlaki ang aking mata sa kanyang ginawa at agad uminit ang aking pisngi. Agad kong binawi ang aking kamay at hinampas nya sa balikat, "Ang flirt mo!" He grinned at me habang saglit na tumingin sa akin. Ngumuso ako at tumingin sa bintana "Galit ka ba? Sorry na", malambing nitong sambit Hindi ako kumibo. Naiinitan ako sa ginawa nya! Nang makarating na kami sa bahay ay sya na rin ang nagtanggal ng aking seatbelt. Nanlaki ulit ang aking mata at maduduling na yata ako sa sobrang dikit ng aming mga mukha. Dumadampi sa aking balat ang kanyang hininga "Masarap ba yung empanada?" "O-oo naman. Bakit?-" Hindi pa ako nakakabawi ay hinila nito ang aking batok para siilin ako ng halik. Naiwang nakaawang ang aking mga labi kaya sinamantala nitong ipasok ang kanyang dila at galugarin ang bawat sulok ng aking bibig. Napapikit ako at tumugon sa kanyang mga halik. His kisses became more aggressive. Our tongues fought while we kissed. He sucked my lower lip which made me moan I was still gasping for air when he left my lips. Our stares did not leave each other. Parehong mabigat ang paghinga, "Masarap nga," he said sexily and licked his lips Napatingin ako sa ginawa nya nang sinunggaban nya ulit ako ng mariing halik. Hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili. Nadadala ako sa init na pinapadama nya. Ginaya ko ang galaw ng kanyang labi at dila at para itong nagliyab sa mas malalalim na halik. His kisses went down to my neck, nibbled and licked it. Napadpad ang isa kong kamay sa kanyang buhok at sinabunot ito. Habang pinapaligaya ang aking leeg ay naramdaman kong isinilid nya ang isang kamay sa loob ng aking palda. His hand gently massaged my thigh "Ah," I released a soft moan. He groaned. Naramdaman kong nakaabot na ang kanyang kamay sa aking pwet at pinisil ito "C-Caleb", "Hmm?" habang abala pa rin itong hinahalikan ang aking leeg "N-not now". Natauhan ako na nasa kotse pa kami at baka may makahalata sa ginagawa namin! He groaned and bit my collar. Isinuksok nito ang kanyang mukha sa aking leeg. Pareho kaming mabigat ang paghinga at nagpapakalma. He looked at me at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha at nilagay sa likod ng aking tainga. He cupped my face at pinagdikit ang aming mga noo, "Forgive me if I can't control myself. You're driving me crazy, Kate", Ilang sandali kaming nagpakalma bago lumabas ng sasakyan. Bago ako pumasok sa gate ay hinuli nito ang aking pulsuhan. Lumingon ako sa kanya "Isang kiss na lang. Pang good night kiss" Bahagya akong natawa. Lumapit ito at pinagdikit ang aming mga labi. Sabay niyakap ako ng mahigpit. "I'll dream of you tonight, Kate" Nag init ang aking mga pisngi habang nakayakap pa rin sya. Pareho kaming tahimik na magkayakap nang makuha ang aking atensyon ng isang humarurot na sasakyan. Sinundan ko ito ng tingin habang ito'y papalayo. Yumuko si Caleb at hinarap ang aking mukha "Ano yun, Kate?" Umiling ako kay Caleb. "Wala naman." Sa pagdaan ng mga araw mas unti unti naming nakikilala ang isa't isa. Nagpaalam si Caleb na mawawala muna sya ng isang linggo dahil may aasikasuhin. Dalawang araw na mula nang umalis ito. Sa bawat pagdaan ng araw ay hindi ko maiwasang bilangin ang natitira pang mga araw bago sya bumalik. Nagtetext naman ito o kaya naman ay tumatawag kaya kahit paano ay naiibsan ang pagka miss ko sa kanya. Nasa opisina ako ngayon at habang nakatutok ako sa laptop ay biglang nag ring ang aking phone. Nagulat ako nang makitang si Caleb ang tumatawag. Hindi naman sya tumatawag o nagtetext kung hindi breaktime kaya nagtataka ako "Hello," sagot ko "Baby", aniya First time kong marinig sa kanyang tinawag akong Baby. "Kamusta? Napatawag ka?" "I miss you", Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanyang sinabi. Tumikhim ako, "Magfocus ka na lang muna dyan sa inaasikaso mo. Ilang araw na lang naman", "Hindi mo ba ako na-mimiss?" Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking kilig, "Babalik na 'ko sa trabaho", "Sabihin mo munang, 'I love you'", 'I love you agad'? Hindi ko pa naman sya sinasagot "Caleb, sige na. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho" Ilang sandaling tahimik sa linya "Caleb, may sasabihin ka pa ba? Ibaba ko na ito, ha" dagdag ko "I love you Kate." aniya Ang lakas ng pintig ng puso ko sa sinabi nya "Okay lang kung hindi mo pa masabi yan. Maghihintay ako", dagdag pa nito His words brought warmth embrace to my heart "C-Caleb, mag-ingat ka at sana bumalik ka na kaagad", hindi ko na napigilan pang sabihin Naramdaman kong nakangiti sya nang sumagot, "Yes Baby, gagawa ako ng paraan para makabalik na kaagad sa 'yo". Nang makalawa ay dumaan muna ako kay Megan sa kanyang cafe. Pareho kaming nasa counter at habang nagkukwento si Megan ay nakatulala naman ako sa iced macchiato sa aking harap. Walang pumapasok sa isip ko. "Bes, wag mong masyadong isipin yun. Mahal ka nun", sabay hagikgik nito Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi. Kasalukuyan kaming nag aasaran nang may pumasok na babae sa cafe. Matangkad at maganda ang hubog ng katawan. Naka red fitted dress ito na aabot sa tuhod at may slit sa kaliwang hita kaya naman kitang kita ang maganda nitong hubog pati na ang seksing legs. Malaporselana rin sa puti ang kutis nito. Mahaba ang kanyang buhok na maalon din katulad ng akin. Kulay brown naman ang kanya samantalang itim ang akin. Nakamake up ito at lalong naenhance ang kanyang ganda. Kung titignan ko'y may ibang lahi ang babae. Natigil kami ni Megan sa asaran nang lumapit ito sa counter. Tumingin ito sa aming dalawa Pagkaraan ay tumingin naman ito sa mga nakadisplay na cakes. "Hi Ma'am! Ano pong order nila?" sambit ko "What's your best seller cake?" "We have chocolate fudge and mocha cakes, Ma'am", sambit naman ni Megan "Okay. Can I have a slice of chocolate cake and a cup of espresso" "For dine-in Ma'am or to-go po?" tanong ko "Dine in" Inulit ko ang order nya at sinabing kami na lang ang maghahatid sa kanyang upuan. Inihanda ko ang cake at kubyertos at nilagay sa tray. Naihanda na rin ni Megan ang kape kaya dinala ko na sa customer. Nararamdaman ko ang paninitig nito sa akin nang ibaba ko ang tray sa mesa. Nakakailang tuloy at hindi ko rin alam kung bakit sya tumititig. Inayos ko ang laman ng tray at nagpaalam, "Please enjoy your order Ma'am" Habang nasa counter ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin at umiiwas ng tingin. Pinagkibit balikat ko na lang at itinuon ang pansin sa iba pang customer na umoorder. Nang matapos na ay tumayo ang babae at inabot ang bayad. "Thank you Ma'am". Ngumiti ito at tumingim sa aming dalawa ng aking katabi "Ang sarap ng cake. Mukhang mapapadalas ako dito. Nice to meet you both. I'm Selena and you are?" "Thank you Ma'am and it's nice that you like our cake! My name is Megan and this is my friend, Kate", sambit ni Megan "Thank you, Ma'am. Si Megan ang owner of this cafe" sambit ko "I see. Again, it's nice to meet you. By the way, just call me Selena next time" "Thanks Selena! Hopefully maipatikim ko naman sa 'yo ang ibang cakes na ginagawa dito sa shop", sambit ni Megan. Ngumiti si Selena at nagpaalam para umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD