CHAPTER 15

1453 Words
"Aba, good mood si Ate Kate ah. Bakit kaya?" tanong ni Tessa Nagpahid ako ng mayonnaise sa aking tinapay at pinalamanan ng scrambled egg na luto nito. Ipinatong ko ang isa pang tinapay at kumagat sa sandwich "Mmm, sarap mo talaga gumawa ng scrambled eggs, Tessa" "Naku, Ate Kate, nambola ka pa. Kanina pa abot tainga ang ngito mo ah. Excited na sya kay Kuya Caleb", sabay tawa nito. Kumpara sa mga nakaraang araw ay mas masigla ako ngayon. Bukas kasi ay babalik na si Caleb kaya hindi ko maitanggi ang saya na nararamdaman ko. Sa opisina naman ay abala kami ng mga teammates ko para sa paghahanda sa nalalapit na audit. Inaayos namin ang mga presentation deck at higit sa lahat ay ang mga impormasyon, dokumentsayon ng mga proseso at compliance. Late na akong naglunch dahil sa dami ng mga ginagawa. Pinagpatuloy ko ang mga ginagawa nang nagring ang telepono sa aking mesa. Base sa caller ID ay galing ito sa lobby. I picked up the phone, "Hello", "Ma'am Kate, may naghahanap po sa inyo sa baba." ani ng receptionist. "Sino daw po?" tanong ko. Wala naman akong inaasahan na bisita "Si Mr. Allan dela Cruz po" Si Allan? Anong ginagawa nya dito? Pagkatapos ng ilang sandali ay sumagot ako, "Sige. Pababa na ako" Lumabas ako ng department namin at tumungo sa elevator para makababa. Habang nasa loob ay iniisip ko ano ang pakay ni Allan. Ilang buwan na ang lumipas simula nang huli kaming magkita kasama sina Megan at ang kanyang bagong fiancee sa cafe. Marahil ay kasal na sila ngayon. Bagamat labis akong nasaktan nang makipaghiwalay sya at nang malaman na may iba na, hindi ko maitatanggi na may parte sa akin na gusto pa rin syang makausap upang magkaroon na rin kami ng closure. Bago naging magkarelasyon ay isa sya sa malapit kong kaibigan. Marahil ay dahil sa pagkakapareho at pagkakasundo namin sa mga bagay ay kaya umusbong ito sa pag-iibigan. Nang makababa ay nakita ko sya sa lobby na nakaupo at naghihintay. Pagkakita nito sa akin ay tumayo ito agad, "H-hi Kate. Pumunta ako para sana makausap ka", Walang expresyon ang aking mukha nang sumagot ako, "Hindi ako pwedeng magtagal. Sabihin mo na ngayon kung ano ang pakay mo," "I-I know you're still mad at me for what happened. Pero, pwede ba tayong magusap sa tapat na coffee shop?" "Hindi rin naman tayo magtatagal" dagdag pa nito Tumingin ako sa aking relos na nasa aking pulsuhan. May sampung minuto pa bago matapos ang aking break. Pareho kaming lumabas ng building at tumawid sa katapat na coffee shop. Nang makarating ay pinagbuksan nya ako ng pinto papasok Naupo ako sa isang pwesto na malapit lang sa pinto. Nasa gilid namin ay salamin na dingding. "A-anong order mo?" aniya "Meron lang akong limang minuto Allan. Diretsahin mo na ako" Bumuntong hininga ito at tumango "Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kasalanan ko sa 'yo Kate." "Mali talaga ang ginawa ko pero napamahal talaga ako kay Jaclyn. Hindi ko rin alam na mapapamahal ako sa kanya nang makita ko sya. Gulung gulo ako lalo na't alam kong ikakasal na tayo pero sya ang tinitibok ng puso ko" Hindi ko maintindihan ngunit wala akong nararamdaman sa sinabi nya. Dapat ay magalit ako dahil pinamukha talaga nyang mahal nya ang babaeng iyon pero wala. Wala akong naramdaman. Pero at least, sinabi na nya sa akin ang kanyang dahilan. At least nanggaling na mismo sa bibig nya ang dahilan. "Hindi ko alam kung kaya na ba kitang patawarin ngayon. Pero siguro ay darating din ang panahon na 'yon." "Naiintindihan ko Kate" sabay inabot ang aking mga kamay "Sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo ako at kung sakaling dumating ang panahon na 'yon, sana ay bumalik tayo bilang magkaibigan" Binawi ko ang aking mga kamay at tinignan sya, "Aalis na ako, Allan" Tumayo na ako at sabay din syang tumayo. Tumalikod na ako para umalis nang hulihin nito ang aking pulsuhan. Nakakunot noo ko syang tinignan at laking gulat nang yakapin nya ako. Nang makabawi ay kumalas na rin ako sa kanyang yakap. "Sige na, Allan. Alis na ako" at tuluyan na ngang umalis. Gabi na nang umalis ako sa opisina. Overtime kami ng mga teammates para sa nalalapit na audit. Marahil ay magoovertime na namin kami sa mga susunod na araw. Kakarating ko sa bahay nang napansin na bukas ang ilaw ng katapat na bahay! Kahit pagod ay biglang sumigla ang aking pakiramdam. Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Tessa na nasa kusina. Naramdaman nito ang aking pagdating kaya lumingon, "Ate Kate! Nandito ka na pala! Halika kumain ka na muna", at naghain na ito sa mesa. "Ate Kate, dumaan pala dito si Kuya Caleb. Inabot nya yung bouquet ng roses, para sa yo daw" sabat ngumuso ito sa direksyon ng center table Napansin ko ito at napangiti. Kinuha ko ang aking phone at nagtext kay Caleb, "Thank you sa mga bulaklak. Hindi mo sinabi na ngayon ka pala uuwi?" Nakangiti pa rin ako nang matapos ang text. At saka nagpunta sa hapag kainan para kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tignan ang aking phone. Sanay kasi ako ng sumasagot kaagad ito sa text pero ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring sagot. Tinapos ko na lamang ang aking kinakain at naghugas ng pinagkainan. Pinaakyat ko na si Tessa. Nang matapos ay umakyat na rin ako para maligo. Nagtutuyo ako ng buhok nang mapansin na bukas ang ilaw sa kwarto ni Caleb. Binalikan ko ang aking phone ngunit walang ni isang text mula sa kanya. Bumuntong hininga na lang ako. Baka napagod sya siguro at nagpapahinga Ilang saglit ay tumatawag si Megan, "Megan," "Nakapag usap na ba kayo ni Papa Caleb? Kwentuhan mo naman ako ng kilig moments nyo, Bes!" at humagikgik pa ito "Hindi pa kami nag uusap", sagot ko "Huh? Dumaan sya sa cafe kaninang hapon at binigyan ako ng pasalubong. May dala pa nga syang roses para sa 'yo. Sabi nya isusurprise ka nya sa office mo", "Hindi kayo nagkita?" dagdag pa nito "H-hindi. Hindi kami nagkita", may halong lungkot sa aking tinig. "Mmm, baka naman siguro napagod lang 'yon Bes. Bukas siguro pupuntahan ka nya sa bahay mo", pampalubag loob sa akin ni Megan Tipid akong ngumiti. Natapos ang aming tawag ni Megan nang may mapagtanto. Hindi ko maiwasang malungkot. Bakit hindi sya dumaan sa opisina? Sumilip ako sa balcony at nakita ko syang nakatayo sa loob ng kwarto. Ilang sandali pa ay pinatay na rin nito ang ilaw. Bumuntong hininga na lang ako at humiga na rin para matulog. Kinabukasan, habang bumababa sa hagdan ay naririnig ko na ang masayang boses ni Tessa sa baba. Habang pababa ay lumalakas ang boses na aking naririnig. Bumilis ang t***k ng aking puso nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Nakikipagbiruan ito kay Tessa. Ilan pang hakbang ay nakita ko na sina Tessa at si Caleb. "Gising na pala si Ate Kate!", nakangiting sabi ni Tessa Napadpad ang mga mata ko kay Caleb na nakaupo sa sala. Balak ko sanang ngumiti pero naudlot nang makita ko ang seryoso nitong mukha. Agad din nitong iniwas ang tingin sa akin. "Tessa, una na ako." sabay nito ay tumayo na ito. Gulat ang mukha ni Tessa at parang nagtataka bakit binalewala ako ni Caleb. Tumingin pa ito nang salitan sa amin ni Caleb. Parang kinurot ang puso ko sa inasta ni Caleb. Kahapon hindi sya dumaan sa opisina. Hindi rin sya sumagot sa aking text. Ngayon naman hindi nya ako pinansin! Nakalabas na ng pinto si Caleb at naglalakad na patungo sa gate. Nilakasan ko ang aking loob at mabilis syang sinundan, "C-Caleb!" tawag ko sa kanya Huminto naman ito at lumingon sa akin. Pormal at walang ekspresyon ang kanyang mukha "K-kamusta? Gusto mong mag almusal muna?" alok ko Umiwas ito ng tingin, "Hindi na. Alis na ako" sabay talikod sa akin "C-Caleb!" tawag ko ulit. Tumigil ito pero hindi ako nilingon "May problema ba?" dagdag ko "Sabi ni Megan dadaanan mo daw ako sa opisina kahapon. Bakit hindi ka pumunta?" "Pumunta ako." sagot nya Kumunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan, "Huh? Bakit hindi tayo nagkita?" "Abala ka kasi sa lalaking kasama mo sa coffee shop" malamig nitong tugon Bigla kong napagtanto ang dahilan ng panlalamig ni Caleb. "C-Caleb, yung nakita mo kahapon, mali ang pagkaka-intindi mo", sagot ko Lumingon ito at ngayon ay madilim na ang mukha. Kita ko sa mga mata nya ang sakit, "Anong mali sa pagkakaintindi ko Kate? Kayo lang dalawa. Hawak hawak nya ang kamay mo. At magkayakap pa kayo ng lalaking 'yon!" Magpapaliwanag pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang tumalikod na ulit ito at tuluyan nang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD