CHAPTER 2

576 Words
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa mga narinig ko "A-anong you can't do this anymore? Anong nangyari, Allan?!" "Look, Kate. Things are not working for us." "May nagawa ba ako o nasabi na hindi mo nagustuhan? Hindi ko maintindihan bakit ka nakikipaghiwalay, Allan!" "Wala kang kasalanan, Kate. Naramdaman ko na lang na mas gusto kong mag-isa. Gusto ko munang buuin ang sarili ko." "Hindi ko maintindihan Allan. Ano ba ang problema, baka naman pwede pa nating ayusin?" Nanatiling tahimik si Allan "May iba ka na ba?" "Let's stop this Kate" "Anong nangyari, bakit tayo nagkaganito? Ikakasal na tayo sa ilang buwan, Allan!" lumandas na sa aking pisngi ang matagal ko nang pinigilang luha. Napapatingin na rin sa amin ang ibang tao sa restaurant. Hindi kumibo si Allan. Pagkatapos ng ilang sandali, sinikap kong i-compose ang sarili ko. "Kalimutan mo na ako. At kakalimutan na rin kita at ang dalawang taon nating pinagsamahan. Ayoko na rin kitang makita sa social media at sana ay hindi na tayo magtagpo. At kung may magtanong, pakisabi na rin na ako ang nakipaghiwalay." dagdag ko sabay tayo para iwan sya "Kate, wait! Ihahatid na kita" "Wag na. Kaya ko ang sarili ko" Dali dali akong umalis at pumara ng taxi. Pati ang driver ay napatingin sa akin sa sobra kong pag iyak hanggang sa nakauwi ako ng bahay at nakarating sa aking kwarto. Nilunod ko ang sarili sa kama at doon ibinuhos ang sama ng loob Sa loob ng isang buwan, pinilit kong kalimutan ang nangyari. Pinag usapan na namin ni Allan ang mga plano sa kasal, ngunit di ko akalain na mag iiba ang ihip ng hangin. Sinikap kong mag focus na lamang sa trabaho habang si Megan ay palagi akong pinapasyal sa mall o ibang lugar para maibsan ang aking nadarama. "Kate, ano ka ba? Mag-ayos ka naman!" Nasa kwarto ko ngayon si Kate at tinutulungan akong pumili ng isusuot. Niyaya nya kasi ako na samahan sya sa kanyang cafe ngayong araw at gusto nya akong isama para malibang naman ako. "Bahala ka na sa kin, Bes", sabay kindat ko sa kanya. Aaminin ko, isang buwan na pero parang ngayon pa lang din nag sisink in na wala na kami ni Allan. Sa sobrang pagtutok ko sa trabaho, di ko namalayan na napapabayaan ko na din ang sarili ko Maayos naman ang naging araw namin ni Megan. Tumulong ako sa kaha pati na rin sa pagserve ng order kapag may kumakain sa loob. Marami din kasi ang deliveries at wala si Harry, yung tao ni Megan. Habang si Megan naman ay nasa kusina at nagbabake. Dumating ang hapon at may pumasok na client. Agad naman syang sinalubong ni Megan. Maganda syang babae, naka make up, matangkad, mahaba ang buhok, at maganda ang katawan. Nalaman namin na magpapakasal na sya sa isang buwan at magpapagawa sya ng cake. Isinama na rin ako ni Megan sa usapan habang pinaguusapan namin ang motif ng cake. Di ko maiwasan na makaramdam ng inggit sa babaeng ito. Kung hindi siguro kami naghiwalay ni Allan ay baka ikakasal na rin ako sa mga susunod na buwan. Abala ako sa mga iniisip nang biglang matigilan si Megan. "Oh, he's here! Come here babe, we're looking at the cake designs. Ladies, my husband to be", nakangiting sabi ng babae. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Allan. At ang huli naman ay namutla nang makita kaming dalawa ni Megan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD