CHAPTER 1

619 Words
Dumadagundong na lakas ng tugtog ang sumalubong sa akin habang hila hila ni Megan ang aking kamay. Byernes ngayon at kakapasok namin sa isang bar para magwalwal. "Wala tayong gagawin ngayon kundi ang mag enjoy. I'm so excited!" sabay ang nakakalokong tawa ni Megan. Nakita ko na ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. First time kong magwalwal sa isang bar na ganito kaya hindi ko alam kung mag eenjoy ba talaga ako dito. Ang huling bar na pinuntahan ko ay sa KL pa ngunit iba dito - doon ay tahimik at walang sayawan, puro inumin lamang. Kakilala ni Megan ang GM ng bar at dinala kami sa VIP area. "Kate, dito mo na ibuhos lahat. Kalimutan mo na ang kumag na 'yon. Bawal ang KJ!", ani Megan habang hindi pa rin nawawala ang malaki nitong ngiti. Hindi ako kumibo. Bagkus ay naalala ko pa rin ang sakit at masama pa rin ang aking loob. Gusto ko lang ngayon ay makalimot. "Oh heto, para sa pag-move on ng best friend ko, cheers!", ani Megan at sabay na nga kaming uminom ng isang tequila shot. Sunud sunod kong tinungga ang mga inumin at kasabay ng masayang tugtog at ingay ng mga tao, unti unti ring nagbalik ang mga alaala. 27 ako nang una akong magkaboyfriend. Sinikap ko na magfocus sa pag-aaral para makakuha ng mataas na marka at makapagtapos ng pag-aaral. And I did. I graduated with degree of Business Management. Masaya ako dahil kahit paano ay nasuklian ko ang pagsisikap ng aking mga magulang mapagtapos lang ako. Kaya naman ay lalo akong nagsikap nang nagkatrabaho ako sa isang malaking kompanya. Doon ko nakilala si Megan. Officemates kami hanggang sa maging mag best friends. Ilang taon ang lumipas at nagtayo sya ng sarili nyang cafe. Hanggang sa nakilala ko ang una kong boyfriend, si Allan. Engineer sya at stable din ang job. Responsable. May itsura. Pakiramdam ko ay nasa tamang timing ang lahat dahil na-accomplish ko ang mga gusto kong maabot, at kung magka boyfriend ako, ay nasa tamang edad na ako. Naging maayos naman kami ni Allan. Kilala sya ng parents ko at ni Megan. We set time para magkita o magdate kami. Kapag naka out of town ang isa sa amin dahil sa busimess trip, we make sure na we set time para makapag usap pa din kami via video chat. Ngunit biglang lumamig si Allan habang ako ay nasa isang business trip. Ni hindi sya nagtext o tumawag man lang. I was trying to reach out to him pero walang sagot. Naguguluhan ako at naiinis na wala syang paramdam na hindi ko naman alam kung bakit! Pagkauwi ko sa Pilipinas ay sinikap kong magkausap kami ni Allan. Ilang beses ko syang tinawagan at tinext ngunit wala pa ring sagot mula sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit. Gulung gulo ang isip ko at nasasaktan sa kanyang cold treatment. Hanggang sa isang text ang natanggap ko mula sa kanya, "Let's talk tonight. Susunduin kita sa bahay nyo" Hindi ko maintindihan ngunit sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hanggang sa sinundo na nya ako sa bahay. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho sya. Parang ibang tao ang kasama ko ngayon. Sinubukan kong magsalita para basagin ang katahimikan, "Kamusta, hon? May problema ba?" Saglit syang tumingin sa akin "Pasensya na kung hindi ako nakasagot sa mga text at tawag mo. I just needed some time to clear my mind. May gusto pala akong sabihin sa 'yo. Mamaya na pagkatapos nating kumain" Pilit kong pinakalma ang sarili ko hanggang sa natapos kaming kumain sa isang restaurant. "Kate, sorry. I can't do this anymore." "Huh? Anong ibig mong sabihin, Allan?" "You deserve someone better. Sorry, but I really can't do this anymore"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD