CHAPTER 3

518 Words
Nanikip ang aking dibdib at pumait ang nadarama nang makita ko si Allan. Sya at ang bago pala nyang fiancee. "Uh, nice to meet you both", ani Allan na hindi makatingin nang diretso sa akin. "Great! Mas maganda makita mo na rin babe yung cake motif" Babe? Babe talaga huh! Hindi kami sumagot ni Megan kay Allan. Nakita kong tumingin sa akin si Megan at tumikhim, " I'm very sorry Ma'am, but I realized I can't make your cake. Let me refer you na lang sa friend ko who also makes cakes for events" "Huh? I thought you can make the cake? Why all of a sudden?", ani ng babae habang tahimik si Allan "I'm really sorry Ma'am. Naalala ko kasi na may prior commitment na pala ako sa ibang client. We are still in the early stage of discussion pa naman." "Here's the business card of my friend", abot ni Megan. "I'll also endorse to her the initial designs we are looking at para may idea na rin sya before you meet", dagdag pa nito. Hindi na nagprotesta ang babae at umalis na rin sila ni Allan sa shop. "Okay ka lang ba Bes? Sorry di ko akalain na mangyayari ito", ani Megan "Okay lang ako, Bes. Ako dapat ang mag apologize dahil pati business mo affected dahil sa personal situation ko." "Ano ka ba? Ayoko ngang ipaggawa ng cake ang kumag na yun", sabay tawa mula kay Megan. At heto kami ngayon. Umiinom dito sa bar. Alam kong gusto akong tulungan ni Megan na makalimot kaya nya ako niyaya dito pagkatapos namin sa cafe. Sunud sunod naming tinungga ang mga alak na nakahain. Pareho na rin kaming lasing ni Megan pero ayaw nitong magpaawat "Bes, tara! Magsayaw tayo! Wooo!"ani Megan "Teka, kaya mo pa ba magdrive? Pano tayo uuwi?" "Nagpasundo ako kay Kuya. Wag mo na isipin yun, Kate. Mag enjoy muna tayo!" "Dito na muna ako" "KJ, Bes? Bahala ka" At tuluyan ko nang nakita si Megan na nakihalo sa mga nagsasayaw. Ako naman ay walang ginawa kundi ang uminom. Ang sakit pala kapag nakita mong ikakasal na sa iba yung lalaking dapat ikakasal sa yo. Hindi ba nya alam ang 3-month rule?! Isang buwan mula nang maghiwalay kami, may iba na sya, at ikakasal pa sila! Hindi ako sobrang ganda pero ganoon ba ako kapanget? Hindi ako perfect pero malaki ba ang diperensya ko sa sarili at nagawa akong ipagpalit sa iba?! Lumalandas ang luha sa aking pisngi habang tinutungga ko ang alak mag-isa. Samantalang si Megan ay enjoy sa kakasayaw Sa kalapit kong table ay napansin ko ang isang lalaki na nakatingin sa direksyon ko. Mukha syang may halong foreign na lahi. Mga nangungusap nyang mata, matangos na ilong, maninipis na labi. Gwapo sya, isama pa ang matikas nitong katawan. May mga kasama syang ibang lalaki na tumatawa at nag uusap habang nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila sa lakas ng tugtog dito sa bar. Iniwas ko ang aking tingin at nagpakalunod sa alak. Ngunit hindi nakaalis sa aking pansin ang mga matang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD