Sixteen "Good job!" natigilan ako sa paglalakad at sinulyapan si Abe na malawak ang ngisi sa labi. Parang proud na proud ito sa akin. "Good job mo mukha mo, baka masapak din kita!" inirapan ko ito at mabilis na nagmartsa patungo sa resthouse nito. "Heay, anong kasalanan ko? Bakit parang ako pa ang may nagawang kasalan sa 'yo?" takang tanong nito sa akin. Nakangiwi pa lalo't masama ang naging tingin ko rito. "Wala, bwisit ka!" inirapan ko ito. Saka tumalikod. "Tignan mo 'tong babaeng ito, wala naman pala akong kasalanan, bakit naging bwisit ako?" natatawang tanong nito na parang hindi naman affected sa nakikita nitong inis na expression ko. "Pakiramdam ko kasi may malaking issue sa pagitan n'yo ni Luis, ginawa n'ya 'yon para inisin tayo. Sino si Beatrice?" natigilan ito at sumeryo