One
Chapter One
"Ano na namang ginagawa mo rito? Hihingi ka na naman ng pera sa Daddy mo? Aba naman anong tingin n'yo sa kanya? Bangko? ATM machine? Ha?" bulyaw ni Donya Zafrea sa akin pagbungad ko pa lang ng dati naming mansion. The audacity of this b***h to say that word to me. Bahagya akong tumawa at pabagsak na naupo sa couch. Everything in this place from furniture, to painting and stuff changed since my mom and I left.
"Do I look like a beggar to you, old lady?" nakangising tanong ko, sabay dekwatro. Aliw na aliw na makita ang inis na expression sa pagmumukha ng ginang na kung umasta ay akala mo naman ay legal na asawa ng daddy ko.
"You, brat!" mariing ani nito, na ikinatawa ko.
"Am I, b***h?" tanong ko rito na sinabayan nang bahagyang bungisngis.
"Napakabastos mo talaga----"
"Wala nang mas babastos sa ginawa mo noon, b***h! Remember?" sabi ko na iwinagayway pa ang kamay na waring dinidismis na ang usapan.
"By the way, where is the old man?" tumayo na ako at akmang papanhik ng hagdan nang magsalita ito.
"Wala s'ya," mabilis na humabol ito at ng nasa kalagitnaan na ako ay humarang na ito."Wala ang asawa ko rito!" tinakpan ko pa ang bibig ko nang matawa ako sa sinabi nito.
"b***h, hanggat buhay pa ang Mom ko s'ya pa rin ang may karapatan na tawaging asawa ang Daddy ko! Not you!" sabay tingin dito mula ulo hanggang paa."Not like a low-class b***h from Magdalena's Ligaya!" tukoy ko sa pinaggalingan nitong club. Hindi lingid sa aking kaalaman iyon dahil sa tuwing nagtatalo ang Mom and Dad ko naririnig ko ang pangalan ng club na iyon sa aking ina.
"Quinn!" tinig iyon ng aking ama mula sa ituktok ng hagdan. Hinawi ko si Donya Zafrea at mabilis na tinakbo paakyat at hagdan. Inihanda ang malawak na ngiti. Na-miss ko ito. Matagal na rin simula nang makita ko ito. Wari kasing na kontento ako na sa phone ko lang ito nakakausap.
"Old man!" magiliw na sinalubong ako ng aking ama ng yakap."Sabi ni Tita Zafrea, wala ka raw!" malambing na sabi ko rito. Saka sinulyapan si Donya Zafrea na nangasim ang mukha nang bangitin ko ang pangalan nito na puno nang lambing. b***h, kapag nakatalikod ang aking ama, Tita Zafrea, kapag naman nakaharap si Dad. Playing like an innocent child who dearly love him and acting like I am giving respect to his b***h. That's how I played this f*****g game.
"You said that?" takang tanong ni Dad sa partner nito.
"Ah, yes! Akala ko kasi ikaw 'yong umalis kanina!" mabilis nitong paliwanag. Oh! 'Di ba? Plastikada rin ito sa harap ng ama ko. Napangisi ako nang magtama ang tingin namin at pasimpleng inilabas ang dila at dinilaan ito. Tiyak na nagwewelga na ang babae hindi lang maipakita.
Inakbayan ako ni Dad at iginiya patungo sa library/office nito.
"Ayaw mo ba talaga ng bodyguards, Quinn?" worried na sabi nito habang papasok kami sa loob ng silid.
"Hindi ko kailangan 'yan, Dad! Nakabuti rin talaga na low profile ako, at 'di ako nadadamay sa gulo ng business world!"
"And I am thankful na palihim kitang na enrol sa isang self-defense class noon. You can protect yourself well!" sabi nito. Naupo ako sa couch na natatanging lugar sa bahay na ito na hindi nagbago. Ayaw kasi ni Dad na baguhin ang work place nito rito sa bahay. Same design pa rin ang ginamit sa couch kahit pa nakailang palit na ng upuan. Madalas kong tambayan kapag tinatamad akong gumawa ng assignment at palihim na ipinapasagot sa Daddy ko. Dito kami lagi, dahil takot si Dad kay Mom kapag nalaman nitong kinukunsinti ni Dad ang katamaran ko.
"Ano bang meron, Dad, at pinapunta mo ako rito?" sabi ko sa ama ko na ngayon ay may kinakalkal sa drawer ng table nito. Mabagal ang kilos ng matanda na sinusundan ko ng tingin. Inilabas ang isang folder at iniabot sa akin.
"Wala pa si Zoey, kaya sa'yo ko muna ipapaliwanag." Zoey is my step-sister. Legally adopted ni Dad at maayos naman ang ugnayan naming dalawa---noon. Mas matanda ako ng isang taon rito. At nagkakasundo sa ilang bagay pero dahil sa nangyari noon nagbago ito. Anak ito ni Tita Zafrea.
"What is that?" curious na tanong ko rito. Lumapit ang ama at iniabot sa akin ang folder.
"What is this?" muli kong tanong habang binubuksan ang folder. Natigilan ako ng mabasa iyon.
"Heay! Old man, alam kong matanda ka na! But last will and testament? Seriously? Matagal pa ang buhay nang masasamang damo na tulad mo!" natawa ito sa sinabi ko. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako.
"Anak, hindi na rin bumabata ang Daddy mo. Kailangan ko na n'gang mag-retire…"
"OA, 57 ka pa lang!" maktol ko rito. Hindi naiwasang manulis ang nguso sa waring ipinupunto ng aking ama.
"Silly girl!" natatawang sabi nito. Inilapag ko sa center table ang folder at yumakap sa ama.
Alam mong tamad akong magbasa! Ipaliwanag mo na lang sa akin!" natawa ito at bahagyang ginulo ang buhok ko. Sanay na ganoon ang tugon ko dahil tamad naman talaga akong magbasa.
"Kayong dalawa ni Zoey ang maghahati sa yaman na meron ako!"
"Okay!" Tugon ko rito. Hindi ako madamot at wala sa akin kung adopted lang s'ya. She’s, my sister. Period.
"Is it really okay with you?" naninigurong tanong nito sa akin.
"Yes! Okay, ‘wag lang kay Tita Zafrea, daddy! Malaking insulto na kay Mom nang inuwi mo rito si Tita at oras na naging unfair ka na naman sa kanya pati ako magagalit na rin sa 'yo!" lumarawan sa mukha nito ang lungkot. Alam ko naman, kahit hind nito sabihin, mahal at nangungulila ito kay mommy. Pero iyon ang consequences nang ginawa nitong panloloko sa mommy ko.
"I understand!" tugon nito na napabuntonghininga pa.
"So, ‘yon lang ba?" tanong ko sa aking ama na si Don Quito Symone.
"Nope, meron pa!" mabilis nitong tugon sa akin.
"What is it?" Tanong ko rito.
"Hija---"
"D--ad?" mahinhing tinig ang sabay na nagpalingon sa amin. Agad akong napangiti nang makita ang kapatid na halatang kadarating lang.
"Come here, Zoey!" tumayo ako at excited na yumakap rito. Tiyak naman akong hindi ako iiwasan nito dahil nasa paligid lang si Dad. Hindi alam ng ama namin na nagkalamat ang maayos naming relasyon nito. Matagal na.
Galit ito sa akin. Kasalanan ko ang nangyari 9 years ago. Kasalanang ayaw nitong malaman ng pamilya namin kaya tikom ang parehong bibig namin. I miss her. Pero ang hirap n'yang i-reach. Bahagya ako nitong itinulak at excited na lumapit kay Dad at yumakap dito.
"Ano bang meron, Dad?" tanong nito at naupo sa pwesto ko kanina. Kaya nagpasya akong maupo sa couch. Katapat ng mga ito.
"Mabuti at narito ka na, ipapaliwanag ko sa inyo ang laman ng last will and testament ko."
"What? Bata ka pa---"
"Parehong-pareho talaga kayo nitong si Quinn!" natatawang sabi nito. Bumaling ang tingin ni Zoey sa akin pero sumeryoso ang expression ng mukha nito. Galit pa rin s’ya. Hindi ko rin naman s’ya mapipilit na mapatawad ako dahil aminado ako na ang laki ng kasalanan ko rito.
"May gagawin pa kasi ako, Dad. Ano ba ‘yang ipapaliwanag mo sa amin?" kuha ko ng atensyon nito.
"Well, gaya nang sabi ko paghahatian n'yo ang lahat ng ari-arian ko!"
"Dad? Unfair kay Quinn ‘yan! S'ya ang tunay na anak dapat sa kanya mo i-wan ang yaman mo!"
"Zoey! Kapatid kita, ayos lang sa akin!" sabi ko rito.
"Oo nga naman, Zoey! Ayos lang sa kapatid mo yun!"
"Ano po ba ang tungkol dito, Dad?" sabi ko dahil pansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni Zoey.
"Kailangan n'yong magpakasal sa lalong madaling panahon sa mga lalaking napili ninyo!"
"Nagpapatawa ka ba, Dad?" seryosong sabi ko rito."Wala akong jowa!" napasimangot na sabi ko rito.
"Hija, kapag hindi kayo nagpakasal bago ang kaarawan ninyo ipamimigay ko ang lahat sa mga foundation na napili ko. At kapag isa lang naman ang naka gawa nang gusto ko ang kabuuan ng yaman ay sa kanya mapupunta!"
"Dad/Dhie!" sabay naming reklamo ni Zoey sa ama naming.
"I'm sick!" pareho ring naitikom namin ang bibig nang marinig ang sinabi nito. Tumayo ito at may kinuhang brown envelope at inilapag sa center table. Mas mabilis iyong dinampot ni Zoey at dali-daling binuksan.
"N--ooo!" naiiyak nitong sabi. Tumayo ako at umupo sa tabi ng mga ito at nakisilip.
"He's s-ick!" ‘di makapaniwalang sabi ko."Dad?"
"I'm sick, gusto ko bago ako mawala nasa maayos na buhay na kayong dalawa!" Cancer stage 3. Kaya ba parang pumayat ito? Bakit hindi nito agad sinabi sa amin?
"’Wag na kayong umiyak mga anak! Mas lalong nalulungkot si Daddy ‘pag ganyan!" tumayo ako lumipat ng pwesto. Yumakap ako rito at ‘di na napigil ang mapahagulgo nang iyak.
"Daddy!" yumakap na rin si Zoey rito.
"Hihintayin ko ang desisyon ninyo! Ayokong sa abogado ko pa ninyo malaman kaya minadali ko na ang pagsasa-ayos!" banayad na hinaplos nito ang buhok ko. Ganoon rin ang buhok ni Zoey. Para kaming mga batang paslit na umiiyak sa bisig ng aming ama. Nang sabihin nitong oras na ng pagpapahinga nito sabay kaming lumabas ni Zoey. Tulala pero hindi na umiiyak ngunit parehong mugto ang mata.
Hinila nito ang kamay ko patungo sa silid ko rito sa mansion.
"Z-oey!"
"Ngayon kailangan ko ng maningil sa'yo!" sabi nito na seryosong-seryoso ang expression ng mukha. Mariin kong nakagat ang ibabang parte ng labi. Mabilis ding tumahip ang dibdib dahil sa kabang idinulot ng seryosong tinig ng aking kapatid.