Seventeen "Much better kung mapalapit ng husto si Quinn sa'yo, hindi tayo magkakaproblema kung mangyari iyon." Kagigising ko lang at iyon ang natanggap kong text mula sa kasintahang si Zoey. Nahilamos ko ang mukha sa sobrang frustration. Wala naman sa plano nito iyon. Ang usapan lang, pakakasalan ko si Quinn, magkakaroon kami ng anak. That's it! Not this, mas lalong mahihirapan si Quinn. Mas lalo akong mahihirapan. "'Wag mo akong bibiguin, I love you." Iyon ang kasunod na text na natanggap ko. Masyado kong mahal si Zoey kaya naman parang kusang kumilos ang katawan ko upang hanapin si Quinn. Inabutan ko s'yang nasa kusina. Pupungas-pungas pa ako. "Q-uinn?" paos at antok pa ang boses ko at bahagyang pupungas-pungas na lumapit dito. Lumapit dito at ipinulupot ang braso sa manipis nitong