Chapter 1

1164 Words
Chapter 1    Jemisha's P. O. V.   Matapos kong masaksihan ang tunay na nangyare sa Mama ko ay binasa ko ang mga papeles na naka-ipit sa loob ng photo album. Wala akong nagawa kundi mapaluha. Hindi ko akalain na pumayag si Lola sa ganito.   Walang kalaban-laban si Mama habang nire-rape siya ng tatlong hayop na lalake. Ilang taon na ang lumipas pero ngayon lang ako namulat sa ganito. Paanong nagawa nila kay Mama 'to? Para akong dinudurog habang napapanood ko ang paunti-unting pagkamatay ni Mama habang pinaglalaruan ang kaluluwa niya.   Namatay si Mama... Sa kamay ng tatlong hindi ko kilalang mga lalake. Pero nang mabasa ko ang nakapaloob sa papeles ay nawalan ako ng muwang sa aking lola.    Pumayag si Lola makipag-areglo sa tatlong artista na pumatay kay Mama. Kapalit ang habambuhay na financial kay Lola at sa akin. Pinagpalit niya ang buhay ni Mama sa pera? Hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Mama sa ginawang desisyon ni Lola.   "T-T*ngina..."    Napahawak ako sa dibdib ko habang nililigpit ang mga ebidensiya. Sinarado ng korte ang kaso ni Mama dahil sa desisyon ni Lola. Hindi ko alam kung pwede ko pa bigyan ng hustisya si Mama.   Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ang CD mula sa DVD. Binalik ko ang lahat sa kahon at saka tumakbo sa kwarto ko para ilagay ang mga ito sa drower.   "Hindi ako papayag. Kailangan kong malaman kung nasaan ang mga hayop na 'yon!" sigaw ko at nagtungo sa computer ko.   Hinanap ko sa social media ang mga artista na ngayon ay nasa 30's na. Binasa ko ang lahat ng artikulo tungkol sa kanila.    Rico Fernando, artista na may tatlong anak. Hiwalay sa asawa. Tinignan ko pa ang mga pangalan ng kaniyang mga anak. Nagulat ako nang makita roon ang tarantadong host na si Yajh.    "A-Ang malanding 'yon," bulong ko at napaawang ang labi ko.   Isang linggo niya akong tine-text araw-araw pero bigla na lang siyang naging cold at hindi na sumasagot sa mga tawag at text ko. Hindi ko akalain na tarantado rin pala ang ama niya.   Naghanap pa ako ng maraming impormasyon tungkol sa kanila hanggang sa tuluyan na akong makatulog.   ************   Naririnig ko ang boses ni Mama. Sumisigaw siya at nanghihingi ng tulong. Agad akong tumayo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko sa silid na katulog ng napanood ko sa video.    Pakiramdaman ko ay totoo ang nangyayare na ito at sobrang naaawa ako kay Mama. Mabilis ko siyang nilapitan. Hinila ko ang buhok ng isang binata at tinulak ito. Hinampas ko ng malakas ang isang lalake sa kaniyang likuran.   "TAMA NA!" sigaw ko.   Narinig ko ang mala-demonyong tawa ng mga lalake na para bang hindi sila nasasaktan sa mga ginagawa ko.    "Tulungan mo ako!" sigaw ni Mama habang nakatitig sa mga mata ko.   Napahawak ako sa ulo ko at napasigaw ng malakas. Wala akong nagawa kundi ang lumuha. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang mga kahoy sa gilid ng silid. Kinuha ko ito at hindi ko napansin na may pako iyon sa dulo.    Hindi ako nagdalawang isip na paghahampasin ang mga lalake ng hawak kong kahoy. Naramdaman ko ang malamig na dugo nila na tumatalsik sa katawan ko.   "TULONG!" sigaw ni Mama.   "MGA HAYOP KAYO!" sigaw ko at hindi tumigil sa paghampas sa kanila.   Napagtanto kong hindi na makilala ang mukha ng isang binata dahil puro na lang ito dugo. Ang dalawa ay nakalupasay na sa sahig habang umaagos ang kanilang dugo. Napabitaw ako sa hawak ko habang nanginginig ang mga kamay kong puno ng dugo.   Napaatras ako nang makita ang dugo nilang nagkalat sa sahig na dumaloy na sa paanan ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa likod ko. Hinarap ko siya.   Niyakap niya ako bigla at nagulat ako nang bigla siyang sumigaw na halos mabingi ako.   "PATAYIN MO SILA!"    **********   "JEM!" napabangon ako sa sigaw sa tenga ko.    Nakita ko ang kaklase ko na kaibigan ko rin. Nakaupo siya sa maliit na upuan habang katabi ako. Napagtanto kong may nakatusok na dextrose sa kamay ko.   "Soheila..." tawag ko sa pangalan niya.   "Anong nangyare sa 'yo? Nakita na lang kitang nakahandusay sa tapat ng computer mo. Nataranta ako kaya I called the ambulance! Hindi ka pwede mawala!" aniya.   This is my first time seeing her crying because she is known as a cold hearted person. Sobrang maldita niya at prangka na nagustuhan ko sa kaniya.   Hinawakan ko ang pisngi niya at pilit na ngumiti. Napansin ko naman ang paligid na napakatahimik. Naalala kong burol dapat ni Lola. Napabangon ako at napakapa sa sentido kong basa ng pawis.   Naalala ko ang panaginip ko at napatulala ako sa pader. Hindi ko maintindihan kung bakit binangungot ako ng ganoon.   "May nararamdaman ka pa ba? I will call a doctor if you---"   "Bakit kaya..." bulong ko.   Hinawakan ni Soheila ang noo ko.   "Don't f*cking die," aniya.   Umiling ako sa kaniya.   "Nagdadamdam lang ako--"   "Oo, you're not eating. Alam mo bang mamamatay ka sa ginagawa mo?" aniya.   "Oo na, stop nagging!" irita kong sabi.   "I bought some fruits. By the way, sorry for your lost. Super bait ni Lola sa akin as your friend kaya nalulungkot ako sa pagkawala niya bigla."   Niyakap niya ako at inalalayan tumayo. Hindi ko masabi na baka peke lang ang pagiging mabait ni Lola. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ipinagpalit ang buhay ni Mama sa pera lang.   "I still remember. Noong may reaction paper tayo. Hindi ba ipinagluto pa niya tayo ng spaghetti, so that we can focus."   Tumingin ako kay Soheila. Ngumiti ako ng tipid. Hindi ko pwede sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko tungkol kay Mama. Mayaman ang pamilya niya pero mahirap na, takot ako.   "Kaya nga, sobrang nakakalungkot. Bumaba na tayo, may nag-aasikaso ba?" tanong ko.   "Dumating ang Tita mo. Anak ng kapatid ng Lola mo, 'yong kinukwento mong mapera kasi nakapangasawa ng amerikano. She chose chapel na place, huwag raw dito sa bahay niyo. Actually, nauna akong pumunta sa morge and I saw them there but wala ka. Narinig ko ang mga usapan nila. Nabanggit ang name mo pero hindi ko masyado naintindihan yung sinabi. Hinanap kita at nadatnan kitang walang malay," aniya.   "How long am I sleeping?"   "Ten hours? I don't know," aniya.   Napaawang ang labi ko. Ang dami kong na-missed dahil sa natulog ako ng matagal.   "Maybe magbihis ka na para pumunta sa chapel. I have a driver naman. Pwede tayo magpahatid doon."    Napakunot ang noo ko. Nabanggit niya kasi ang kapatid niya last week.   "Akala ko ba kay Magnus mapupunta ang personal driver?" tanong ko.   "Yeah, but unfortunately hindi naman siya nag-fo-focus sa pag-aaral niya kaya sa akin binigay ni Dad dahil academic achiever ako," mataray niyang sabi.   Tumango ako. Nagtungo siya sa closet ko at saka kumuha ng damit. Hindi na ako maliligo. Mabigat ang pakiramdam ko at baka mapasma lang ako.   Hinanap ko ang cellphone ko. Napakadaming nagbibigay ng mensaheng condolence sa akin. Hindi ko na muna sila in-entertain at nagtungo na kami ni Soheila sa chapel.   *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD