My Mom's love-2

1566 Words
Napataas ang isang kilay ni Adriela dahil sa wakas ay narito na siya sa hospital. Humanda ang doctor na ‘yon at talagang manghihiram ito ng mukha sa aso. Pumasok na siya sa loob at hinanap ang pakay niya. "Hoy, Doctor Mathias Montenegro, kabit ng mommy ko, lumabas ka riyan!" Malakas ng sigaw ng dalagita sa Ophthalmology department kung saan ay naka-duty daw ang Mathias na 'yon. Sana lang ay totoo ang sinabi ni Adeline sa kanya dahil kung hindi ay pagbubuholin niya ang kaibigan at ang lalaking iyon! "Guard, guard?" Naalarma ang dalagita nang may tumawag ng gwardya at agad siyang dinampot kaya nagpupumiglas siya. "Bitawan mo ako, ano ba?!" Mariin niyang kinagat ang kamay ng gwardya dahilan para mabitawan siya nito. Ngunit agad siyang nahuli sa kamay ng isang nurse at pinapalabas siya ng ospital hanggang sa may mariing nagsalita sa likod niya. "Take her to my office." Matigas na boses ng lalaki. Agad niyang nilingon ngunit nakatalikod na ito. "Let me go!" Singhal niya sa nurse at nagmaktol siyang sumunod sa lalaki. "Sit there!" Utos nito sa kanya nang hindi lumilingon. "Hoy, huwag mo nga ako mautus-utusan, kalaguyo ka ng mommy ko! Di ka ba nahihiya na doctor ka pa naman tas maninira ka ng pamilya--" Hindi pa natapos ang kanyang sasabihin nang itulak siya nito bigla dahilan nang pagka-upo niya sa sofa. "Who the f**k are you?" Mariin ang kanyang boses at madilim ang kanyang mukha. Ngunit kabaliktaran sa dalagita sapagkat hindi nito akalain na ito pala si Dr. Mathias, buong akala niya ay kasing edad lang siya ng daddy at mommy nito. Kahit salubong ang kanyang kilay ay hindi matatawaran ang kagwapohan ng lalaki. Hanggang sa biglang lumapit sa kanya at tiningnan ang ID niyang nakasabit sa kanyang leeg. "Adriela Fuentebella? You're Gwyn's daughter?" Pumalatak ang dalagita. "Sinasabi ko na nga ba, ikaw nga ang kinahuhumalingan ng mommy ko. Alam naman ng lahat na isa kami sa pinakamayaman sa Pilipinas at ikaw ay ginagamit lang ang appeal para makahuthut ng pera sa mommy ko. Kaya sabihin mo, magkano ka ba?" Matapang na saad ng dalagita ngunit hindi nagustuhan ng binata ang tabas ng bibig ng dalagita at biglang umigting ang panga nito at hindi maipinta ang mukhang nakatitig sa estudyanteng pinahiya siya. "You'll pay for it, spoiled brat!" “Arayyy, ano ba! isusumbong kita kay Mommy sinasaktan mo ako!” Pagsusumigaw ng dalagita dahil bigla na lang siyang hinatak ng binata. Dahil nagpupumiglas siya kaya binuhat niya ni Mathias at pinalo pa nito ang matambok niyang puwet. Sa likod sila dumaan kung saan wala masyadong at binaba na siya sa lupa. “Hindi ka lang pala mukhang pera, ano? manyakis ka rin!” Turan ni Adriela. Hindi alintana ng doctor ang sinasabi niya. Dahilan nang mas lalong kumulo ang dugo niya. Sasampalin niya sana ito ngunit mabilis na nahawakan ang pulsohan niya at saka siya puwersahan na sinakay sa kotse. Tapos sumakay rin ang doctor at mabilis na tumakbo ang sasakyan. Lahat yata ng mura at panlalait ay lumabas sa bibig niya ngunit tahimik lang ang doctor. Maging ang driver ay walang pakialam hanggang sa siya na lamang ang napagod at tumahimik na lamang siya. Hindi nagtagal ay narito na sila sa mansyon ng mga magulang niya. Paglabas ng binata ay sumunod siya at nagmartsa siya papasok sa gate. “What happened?” Bungad agad ng mommy niya nang makapasok siya. Magsasalita sana siya pero lumagpas sa kanya ang tingin ng mommy niya. “Ano na naman ‘tong ginawa mo, Adriela?” banaag ang inis sa boses ng mommy niya ngunit mahinhin pa rin. Sinundan niya ang tingin nito pero nakalapit na pala sa mommy niya at agad na nagyakapan ang dalawa. Napairap lamang siya. “Is she your daughter?” “Yeah, darling. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa anak ko.” “Mom? wala akong ginawa! Siya, ang lalake na ‘yan ang may ginawa!” pagtatanggol niya sa sarile pero mas lalo lang nag-aalala ang mukha ng mommy niya. “That’s fine with me, darling.” Sagot ni Mathias at mas lalo siyang nangalaite. Winaksi niya ang kamay ni Mathias sa baywang ng mommy niya. Pinaglayo niya ang dalawa. “Hoy, ikaw! bigyan mo naman ng kahihiyan ang daddy ko! umalis ka na!” sigaw niya kay Dr. Mathias na kunot lang ang noo sa kanya. “I’ll call you, later.” “Alright, darling. Drive safely.” “Mommy?!” iritado niyang saad ngunit ngumiti lang ang mommy niya. Kumaway pa ito kay Mathias bago siya balingan. “Hindi nakakatuwa ang ginawa mo. Pasalamat ka at mabait at maunawain si Mathias. Pero may hangganan ang pagpapasensya sa ‘yo ng tao!” “Mom, ginawa ko lang ang tama—“ “Tama ba ‘yong pinahiya mo siya sa harap ng maraming tao? hindi lang sa mga katrabaho niya kundi maging sa mga pasyente. Hindi kita pinalaki na maging bastos, Adriela!” ***** Sa kabiguan ay dito sa bar dumiretso ang dalaga. Pangalawang order na niya ‘to sa bartender nang tumabi sa kanya si Dina. “Ba’t ngayon ka lang?” bulyaw niya agad sa kaibigan. “Naghanap pa ako ng tiyempo para makatakas. Napakahigpit ng mga tauhan ni dad!” inis nitong turan. Binigyan ito agad ng Moscato d’Asti na isa mga paborito nilang inumin at dahil known na sila dito sa bar kaya kabisado na ang mga ini-inom nila. “Tinik talaga sa lalamunan ko ang doctor na ‘yon.” Sumimsim muna si Dina ng wine bago nagsalita. “Eh, kasi naman. Ang ganda-ganda pa rin ni tita. Parang magkapatid lang kayo, eh. Nakasalubong ko si tita kahapon nag-jogging siya sobrang hot niya, sista! Dinaig ka pa nga, eh!” “Puwede ba Dina huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo at baka masapok pa kita, diyan!” Umirap lamang si Dina. Kung bakit kasi hindi niya matawagan si Adelina ‘yon talaga ang bestfriend niya hindi katulad ng babaeng ‘to pinagsasabong pa yata sila ng mommy niya. Nagpakalasing siya, sumasayaw, sumasabay sa kanta habang hawak ng kamay niya ang champagne at nakataas ang isa niyang kamay habang gumigiling siya. Hindi niya kilala ang grupo ng kalalakihan basta sumasayaw lang siya nang mapang-akit. Nang may makita siyang pogi ay basta niya na lang hinatak at hinalikan niya sa labi. Sabay na hawak sa abs nito at pumaibaba ang kanyang kamay ngunit maagap ang lalake na pinigilan ang kamay niya. “You’re drunk, babe!” turan ng lalake. Malamlam ang mga mata ni Adriela ngunit napangiti siya nang makilala si Edwin, ang boyfriend niya. Tinulak niya ito kaya napaupo si Edwin sa couch at agad siyang kumandog. “Open your mouth, babe?” mapang-akit niyang saad. Sinunod siya ng boyfriend niya at binuhos niya sa bibig nito ang wine kaya naghiyawan ang mga tao kabilang na ang kaibigan niya. Nilunok ni Edwin at biglang pabuya kaya hinalikan niya ito sa labi. Naramdaman niyang hinampas siya sa puwet ni Edwin at mas lalo pa itong nangigil. “Best, si tito!” ang malakas na boses ni Dina kaya napakalas siya sa nobyo niya. Mabilis na pumulupot ang amerikana ng ama niya sa kanyang likod. Tumayo siya at hinarap ang ama. “Good evening, sir.” Magalang na pagbati ni Edwin. Tumango lang si Don Victor kay Edwin. “What are you doing here, dad?” naglaho bigla ang pagiging wild niya. “Let’s go home, honey.” Malambing pa rin ang tinig ng ama niya. Umakbay ito sa kanya at kinawit niya rin ang kamay sa baywang ng daddy niya. Lulan sila sa sasakyan at hindi maiwasan na pagmasdan ng dalagita ang ama niyang nakatingin lamang sa labas ng bintana. Ginagap niya ang kamay nitong medyo kulobot na tanda ng nagkaka-edad na ang ama niya. 64 years old na ang daddy niya at sa susunod na taon ay magreretiro na ito bilang chairman ng company nila. Ang gusto ng dad niya siya ang papalit sa puwesto nito pero malabo ‘yon mangyari hindi naman in-line ang kurso niya sa posisyon na karapat-dapat sa company. “Señorita Adriela nandito na po tayo sa condo ninyo.” Untag ng driver. “Dad ‘wag po masyado magpa-stress, ah?” habilin niya sa ama pero ngumiti lang ito sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Huwag ka nang magpupunta sa mga bar anak para hindi na ma stress si daddy.” Banat nito sa kanya. “I can’t promise, dad. Alam mo naman ang mga kaibigan ko na lang ang takbuhan ko kapag ganitong pasaway si Mommy. Pero kaya ko naman po ang sarile ko. Sa weekend uuwi ako, dad. Bye na, mwah!” niyakap niya ito at hinalikan sa pisnge. “I love you, anak.” “I love you too, dad.” Matamis siyang ngumiti sa ama niya bago siya tuluyang lumabas ng kotse at umalis na rin ang sasakyan. Dumiretso siya sa condo niya. Nasa elevator siya nang tumawag si Dina at sinusumbatan siya nito dahil basta niya na lang itong iniwan sa bar. Pinatay niya ang phone dahil ayaw niyang marinig ang mga panutsada nito. Pagkapasok niya sa unit ay humiga na siya sa sofa at sa sobrang pagod at talagang tinamaan rin siya ng ininom nila ni Dina. Kanina pa siya inaantok sa sasakyan pero nag-akto siya ng normal dahil ayaw niyang mag-aalala ang ama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD