NAGISING na lamang si Adriela dahil sa mabango at nakakatakam na pagkain. Dito na pala siya nakatulog sa sofa at may kumot siya.
“Good morning, mabuti naman at gising na ang napakaganda kong alaga!” Ang masayang bungad ng yaya niya. Napahilot siya sa sentido dahil ang sakit ng ulo niya parang mabibiak.
“Anak ginawan kita ng soup. Sige na para kumalma ang hang-over mo.” Puno ng pag-alala ang Ginang.
“Thanks, Yaya.” Walang buhay niyang pasasalamat. Mabuti na lang talaga at kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ng Yaya niya. Naalagaan siya nito anumang oras lalo na kapag ganitong galing siya ng lakwatsa.
Bumangon siya at dumiretso sa bathroom. Ginawa niya ang routine tuwing umaga at dahil sabado ngayon dapat ay natutulog lang siya or kaya nasa mall nagsho-shopping or ‘di kaya nasa beach kasama ang mga kaibigan niya. Sa susunod na linggo ay graduation na nila may pasok pa rin naman sila pero wala na masyadong ganap sa school. Nagpapraktis lang sila sa pagpaso pero hindi na niya kailangan umattend basic na lamang ‘yon sa kanya.
“Hello, Adel?” bungad siya sa phone habang naglalagay ng sunblock sa mukha. Magjo-jogging siya kaya need ng protection.
“Later pupunta ako ng hospital susugurin ko uli ang doctor na ‘yon. Hindi ko siya tatantanan hanggat hindi niya nilulubayan ang Nanay ko! look, Adel hindi ko hahayaan na may dumapong piste sa tahanan namin at tiyak aanayin niya ang pagsasama ng parents ko!” napalakas na ang boses niya paano ay pinipigilan siya ni Adelina. Magsasalita pa sana siya pero napahiya siya kaya pala ayaw ni Adel na magtungo siya sa hospital ay wala daw duty si Dr. Mathias kapag weekend wala daw mga doctor.
“That’s impossible, Adel! paano pala ang mga pasyenteng naka-confine?” tanong niya sa kaibigan. Napakagat siya sa ibabang labi dahil may punto si Adeline. Depende naman pala sa doctor katulad ni Mathias sa doctor siya sa mga mata compared sa ibang case na hawak ng ibang mga doctor.
“So ibig mong sabihin walang pasyente na naco-confine sa hospital dahil may sakit sa mata?” tanong niya pang muli pero nainis lamang sa kanya ang kaibigan at binabaan siya ng phone.
Malalim siyang napabuntong hininga. Masuwerte ngayon si Mathias dahil weekend pero may lunes pa naman. Sa weekdays ay araw-arawin niyang ipapahiya si Mathias tingnan lang natin kung hindi ‘yon magtatago sa saya ng Nanay niya!
Lumabas siya ng kuwarto dala ang paborito niyang libro at earphone. Pumuwesto siya sa sofa at nagbasa ng libro. Pagkatapos nanood siya ng movie.
Pagsapit ng tanghale tinawag na siya ng yaya niya para sa lunch at sabay silang kumain.
Pagkatapos pumasok siya muli sa kuwarto at naghanda. Siniguro niyang pantay ang kilay niya bago siya lumabas. Pinasadahan siya ng tingin ng Yaya niya at makikita sa mga mata ang pagkadisgusto sa suot niya. Hindi naman siya pinagsabihan dahil hindi naman siya nakikinig isa pa ganitong style ang trending at bilang isang anak mayaman nakasunod siya sa uso.
“Aalis ka ba, hija?” tanong ng yaya niya. Tumango lang siya habang nagsusuot ng rubber shoes.
“May lakad ako, Yaya. Sa mansyon din ako uuwi kaya puwede po kayong umuwi sa pamilya n’yo at sa linggo na kayo ng hapon bumalik.” Sagot niya. Nagpasalamat ang Yaya niya hindi na siya nagsalita at dinampot ang phone at susi ng kotse niya.
Lumabas na siya ng unit at nagtungo sa parking lot at pumasok sa sasakyan niya at agad niyang pinatakbo.
Nasa kahabaan siya ng edsa nang mag-text ang mommy niya. May dinner daw sila mamaya kasama si Mathias gusto ng mommy niya na mag-sorry siya sa doctor na ‘yon. Binasa niya lang ang message pero hindi niya nireplayan at sa halip inikotan niya ito ng mata. Huwag lang talaga siyang pilitin ng mommy niya at baka masegonduhan ang pamamahiya niya sa kalaguyo nito.
Mahaba na ang isang oras na pagmamaneho niya bago nakarating sa BGC Ngayon ang laro sa basketball ng boyfriend niya kaya kailangan ay present siya hindi lang bilang girlfriend nito kundi cheerleader pa.
Pinark niya ang kotse at kinuha ang bag at lumabas na. Tinawagan niya agad si Adeline dahil nangako itong manonood rin ng basketball.
Kumaway si Adel sa kanya at tumakbo pa ito palapit sa kanya. Nagyakapan agad silang magkaibigan kapag ganitong magkasama sila ay walang pagsidlan ang saya nila sa isa’t isa. Isa pa mas mahirap ang buhay ni Adel kaysa sa kanya sobrang bigat ng pinagdadanan nito kaya kailangan nilang lumabas para magsaya.
“We’re late, Adriela. Kanian pa yata nagsimula ang laro.” Saad ni Adeline.
“I think so, Adel.” Malungkot niyang tugon. Tiningnan niya agad ang score at ang layo ng agwat ng kalaban ng boyfriend niya. Naki-singit na lamang sila dahil gusto niya dito sa pinakamalapit sa team ng boyfriend niya para madali siyang makita.
“Best, look at Edwin. Mukhang hinahanap ka niya!” kinikilig siyang hinampas ni Adeline at napangiti siya. Tatayo na sana siya para tawagin ang nobyo ngunit iba ang nangyari.
Napamaang na lamang si Adriela nang may nilapitan si Edwin na isang babae sa gilid at hinalikan ng boyfriend niya ang babae. Naghiyawan ang mga barkada ng babae at ngumiti pa ang boyfriend niya.
“OMG!” bulalas ni Adeline na hindi rin makapaniwala sa nakita. Tumayo siya at lalapitan niya sana ang babae para sabunutan pero inawat siya ng kaibigan.
“Huwag kang mag-eskandalo rito, best. Maraming camera mapapahiya tayo—”
“At ako pa talaga ang mahihiya, Adelina? nakita mo naman ‘diba niloko niya ako!” malakas na boses ni Adriela pero dahil maingay rin kaya hindi sila masydo narinig kahit nga si Edwin ay hindi siya nakita.
Mabilis siyang hinila ni Adelina palabas ng court at nang makarating sa sasakyan ay doon na lamang umiyak si Adriela. Niyakap niya ito at ramdam niya ang sakit sa dibdib ng kaibigan.
“He cheated on me, Adel.”
“I know, I know, best.” Pagpapatahan niya sa kaibigan. Pero mas lalo lang umiyak ang dalaga. Hinayaan siya ng kaibigan niyang ilabas ang hinanakit.
“Adel? what if kaya niya ako niloko kasi hindi ako pumapayag sa pre-marital s*x? maybe—”
“No, no, no.” Mabilis siyang hinawakan sa mukha ng kaibigan niya.
“Hindi basehan ang pagtatalik para masabi niyang mahal ka niya. Kung mahal ka niya talaga kaya niyang maghintay at rumespeto.”
“E, bakit ikaw? ‘diba may nangyayari na sa inyo ng Ninong mo?” balik niyang tanong. Umiling si Adeline.
“Not yet best. He loves me that much that’s why I’m still a virgin and I hope na ganoon rin si Edwin sa ‘yo. Pero kung hindi puwes, hindi siya kawalan.” Mariing turan ng kaibigan niya.
Dahil wala siya sa sarile kaya minabuti ni Adeline na ito na lang ang magmaneho.
“Sa mansion tayo, Adel.”
“Okay.”
Nagpasalamat na lamang siya at si Adeline ang kasama niya dahil kung si Dina tiyak pagtatawanan lamang siya. Iwan niya ba kung paano niya naging kaibigan ang isang ‘yon ayaw niya naman sa babaeng ‘yon pero ito ang lapit nang lapit.
Nakatulog siya sa sasakyan dahil na rin inabutan sila ng alas singko ng hapon rush hour kaya sobrang trapik. Malayo rin ang Paranaque sa Taguig kaya gabi na sila nang makauwi.
“Dito ka na lang matulog, best. Tabi tayo sa kama wala naman ang mommy.” Saad niya kay Adelina nang makapasok sa mansyon.
“Susunduin daw ako ni Ninong manonood kami ng sine.”
Napatingin siya sa kaibigan na kagat pa ang ibabang labi. “Mabuti ka pa, in-love ka. Ako naman broken hearted.”
“Hindi naman araw-araw in-love ka, best. Maraming pagkakataon na umiiyak ako si Ninong lang talaga ang nagpapakalma sa akin. Sige na, nandiyan na siya sa labas hindi ko na papasukin. Bye, best!”
Wala na siyang nagawa nang halikan siya sa pisnge ni Adeline. Gusto niya sanang sumama manood ng sine pero makakadisturbo lang siya sa date ng dalawa.
“Good evening, señorita. Pinapasabi po ng mommy ninyo na may dinner daw kayo around 7:30—”
“Anong oras na ba?” putol niya sa sasabihin ng kasambahay.
“7 na po.”
“So, sa tingin mo makakarating pa ako sa loob lang ng 30 minutes?” irita niyang tanong.
“Hindi na po.” Nakayukong tugon ng maid.
“Stupid!” turan niya sabay ikot ng mata. Nagulat pa siya dahil naroon pala ang ama niya. Kababa lang nito kaya narinig ang sinabi niya. Inutusan ang kasambahay na maghain na para sabay silang kumain.
“My princess ‘wag naman ganoon anak. Palagi ko sinasabi sa ‘yo na itrato mo na parang pamilya ang mga kasambahay natin. Malaki ang parte nila sa buhay natin.” Mahinahon na pagpapaintindi sa kanya ng ama.
Pagod siyang naupo at hinilot ang sentido. Tumabi sa kanya ang ama niya at dinantay niya ang ulo sa balikat ng ama niya.
“I’m sorry, dad. Mainit lang talaga ang ulo ko ngayon kasi nagsabay-sabay ang mga problema ko.” Napaiyak na naman siya.
“Anak kung iiniisip mo ay ang mommy mo hayaan na lang natin siya. Ganoon talaga matanda na ako anak hindi ko na maibigay ang mga pangangailangan niya.”
“No, dad. Hindi ko hahayaan na masira tayo ng ibang tao. Alam kong pera lang ang habol ng lalaking ‘yon. Bago pa niya maubos ang yaman natin uunahan ko na siya.” Mariiin niyang sagot.
“I don’t think so, anak. Kilala rin ang mga Montenegro—”
“Dad please? huwag n’yo nang ipaglaban pa ang kalokohan ni mommy. Alam kong mahal na mahal mo siya pero hindi maganda ang kinukunsinte ninyo ang mali niya dahil lang sa pagmamahal. Nabubulag lang si mommy kaya naghahanap siya ng kalinga sa iba. Ako ang bahala daddy pinapangako ko sa ‘yong mawawala rin sa landas natin ang doctor na ‘yon.”
Napabuntong hininga na lamang ang ama niya. Tinawag sila ng kasambahay kaya tumayo na sila at kumain.
Pagkatapos ay umakyat na sa itaas ang ama niya at magpapahinga na ito at may pasok pa sa office bukas.
Pumasok na rin siya sa kuwarto niya at naligo at nag-ayos. Wala siyang choice kundi tawagan si Dina at nagpatulong siya sa problema niya sa boyfriend niya. Hindi niya na lang sinabi pa kay Adeline dahil tiyak hindi nito gusto ang naisip niyang paraan para makaganti sa boyfriend niya.
Suot niya ang night gown niya na kulay red at push up bra kaya mas lalong umalsa ang mayayaman niyang dibdib. Naglagay siya ng make-up pero light lang at lip shiner pinili niya gusto niyang ipakita kay Edwin ang sinayang nito.
Pagkatapos ay tinawag niya ang maid at nagpakuha siya ng picture habang nakahiga sa kama. Mapang-akit ang kanyang hitsura lalo na ang kanyang dibdib tapos pinost niya sa social media.
Dahil naka-private lang siya kaunti lang ang naglikes mga kaibigan at pinsan niya lang. Naiinip lamang siya dahil hindi pa ni-like ng nobyo niya. Sa halip ay isang larawan ang natanggap niya. May kahalikan si Edwin na bagong babae at walang iba kundi su Trexie ang kaaway niya pa talaga mula pagkabata. Pinsan buo niya si Trexie sa side ng mommy niya.
Halos sabunutan niya ang sarile sa kakahintay kay Edwin tapos may kalandian na naman pala. Bumaba siya dala ang susi nagmamadali siya ni hindi na niya kinuha ang bag at hindi na rin siya nakapagpalit ng suot niya.
“Adriela, anak?”
Napahinto siya sa paglalakad nang makasalubong ang mommy niya sa main door. Nadagdagan pa ang init ng ulo niya nang makita ang lalake nito. Magkaholding hands pa talaga ang dalawa at may hawak na flowers ang mommy niya.
“Where are you going, anak?”
“Talagang pinapapasok niyo pa ang lalaking ‘yan sa pamamahay natin? mommy naman buhay pa si daddy, oh! respeto naman para kayong walang delikadesa sa sarile ninyo!” pasigaw niyang turan.
“Don’t—”
“Shut up!!!” malakas niyang sinigawan si Mathias dahil sisingit sana ito. Sinaway na lamang ito ng mommy niya.
“Anak saan ka ba pupunta gabi na at ganyan pa ang ayos mo?”
“Alam mo mommy dahil sa panloloko mo kay dad sa akin napunta ang karma na dapat sinarili mo lang. Niloloko ako ni Edwin at iyon ay dahil sa ‘yo at sa kalaguyo mo na ‘yan!”
Napaiyak na siya sa galit. Magsasalita pa sana ang mommy niya pero nilagpasan niya na ito. Nagtungo siya sa garahe at pumasok sa sasakyan saka binuhay ang makina.
Nakalabas na siya ng gate at medyo malayo-layo na rin ang nilakbay niya ngunit sadyang minalas talaga siya sa araw na ‘to dahil flat ang gulong. Nagsusumigaw siya sa loob ng kotse at pinupokpok niya ang manibela. Umiyak siya nang umiyak.
Maya-maya lang ay kumalma siya. Lumabas siya ng kotse at sinuri ang gulong. Saka naman may humintong sasakyan sa gilid niya at mula doon ay lumabas ang taong kinasusuklaman niya sa lahat, si Dr. Mathias.
“Need help, young lady?”
“f**k you!” sigaw niya pero ngumisi lang ang walang hiya.
Sumandal lang si Dr. Mathias sa kotse niya habang naka-cross arms na pinagmamasdan ang anak ng Girlfriend niya.
Gwyndolyn is her childhood crush pinursige ni Gwyn ang pagmomodel sa New York samantalang siya college pa lang that time. Matanda sa kanya si Gwyn ng 6 years pero hindi iyon naging hadlang sa kanilang dalawa. Ang kaso lang nawalan sila ng communication sa mahabang panahon at nang muli silang magkita nagulat siya dahil may asawa na pala si Gwyn at mas lalo siyang nagulat nang makilala niya ang kaisa-isa nitong anak na si Adriela. She’s young, beautiful and wild.
Natagpuan na lamang ni Dr. Mathias ang sarile na nakatingin sa mapuputing legs ng dalaga at nang lumakas pa ang hampas ng hangin ay tumaas ang night gown nito kung kaya’t tumambad sa kanya ang panty nitong itim at ang puwet nitong malaki at bilog.
“f**k!” napamura na lang sa sarile si Mathias at pumasok sa kotse niya.
“Hey, you, open this f*****g door!” Ang bossy na turan ng dalaga. Hindi siya sanay na tratohin ng ganito pero dahil anak nga ito ni Gwyn kaya kailangan siya ang mag-adjust.
Binuksan niya ang pinto at pumasok si Adriela tas padaskol na sinara ang pinto.
“What now—”
“You like my mom?” tanong ng dalaga. Nagulat man sa naging tanong ni Adriela pero tumango pa rin siya.
“I do.” Sagot niya.
“Alright, then. I need your hell with my boyfriend. We’re going to that f*****g bar and you have to pretend that you are my lover for tonight. Do you understand?”
“Wait a minute—”
“Oo lang o hindi ang dami mong satsat! paano kita magugustuhan para sa mom ko kung masyado kang maarte!” napaikot pa ang mata ng dalaga.
“Okay, got it.” Sagot ni Mathias at saka binuhay ang makina.
Hindi nagtagal ay nakarating nga sila sa bar sa sinasabi ng dalaga. Nagulat pa si Mathias nang hawakan niya ito sa kamay.
“Alam kong naiilang ka pero kailangan mong galingan. Huwag mo akong ipapahiya kay Edwin kailangan makaganti ako sa gagong ‘yon.”
Nagpasalamat na lamang si Adriela dahil mukhang marunong sumunod si Mathias. Nakapasok sila sa bar at nag-order agad si Mathias ng liquor. Kanina pa siya palinga-linga kung saan na ba si Edwin. Ang sabi ni Dina ay on the way na daw si Edwin senetup nila kanina habang nasa loob siya ng sasakyan ka-chat niya na si Edwin.
Mamaya-maya lang ay dumating na ang grupo ni Edwin at natanaw na nga niya ang boyfriend niyang papasok.
“Hoy ikaw, dito ka umupo para paharap ako kay Edwin at Madali niya akong makita!” turan niya agad kay Mathias na sumunod naman sa kanya.
Inayos niya ang buhok at pinush pa niya ang dibdib niya. Tas binuksan pa niya ang dalawang butones sa gitna ng dibdib niya. Wala naman pakialam si Mathias sa kanya dahil nagseselpon ito tiyak kausap ang mommy niya. Kinuha niya ang isang bote ng alak at tinungga pampalakas ng loob. Tapos nilapag at nang malapit na talaga si Edwin ay mabilis siyang kumandong kay Dr. Mathias na sobrang nagulat at mas nagulat pa dahil siniil niya ito ng halik sa labi.
Namilog ang mata ni Mathias sa ginawa niya. Ang isa nitong kamay ay kinuha niya at dinala sa dibdib niya tas pinisil niya gamit ang palad ni Mathias.
Mariin ang halik niya sa doctor hindi niya namalayan na magkadikit na pala ang kanilang mga katawan. Nagulat lang si Adriela dahil tinugon ni Mathias ang halik niya at nagpaligsahan sila ng dila. Nabitawan ni Mathias ang phone nito at agad na humawak sa baywang niya pababa sa matambok niyang puwet habang ang isang kamay ay niroromansa na ang kanyang dibdib.
“Babe, Adriela?”
Narinig nila parehas ang malakas na boses ni Edwin pero hindi sila naghihiwalay ni Mathias at hindi niya rin napigilan sapagkat ang sarap humalik ni Mathias at nag-iinit ang katawan niya. Kakaiba ang hatid ng mga halik at haplos ng doctor para bang napukaw ang kamunduhan niya na kahit minsan hindi nagawa ng nobyo niya sa ilang beses silang naghahalikan ni Edwin. Ngunit kay Mathias ay kakaiba ang hatid sa buo niyang pagkatao. Para bang kumunoy na napakahirap umahon.
“Tangina, Adriela!” muling sigaw ni Edwin at saka sila pinaghiwalay. Habol ang hininga niya na napatingin sa nobyo niya.
“Fuc—”
“Huwag kang magmalinis dahil nakita kitang may kahalikan na iba. Sa basketball court at pati si Trexie pinatos mo!” malakas niyang sigaw kay Edwin. Napatingin ito kay Mathias na nakatingin lang kay Adriela. Inayos ni Mathias ang damit niya dahil nakikita ang mayaman niyang dibdib.
“So gumaganti ka—”
“What do you think?” galit na pinutol niya ang sasabihin ng nobyo. Umiling-iling si Edwin tas sinuntok pa nang malakas ang kabilang lamesa saka ito umalis.
Sinundan niya ng tingin ang likod ng papalayong nobyo. Pagtingin niya kay Mathias ay nakatitig ito sa kanya.
“How old are you?”
“18.” Maikli niyang sagot.
“How did an eighteen-year-old girl become such a good kisser?" halos pabulong na sambit ni Mathias sapat na upang marinig niya. Bigla siyang nabalik sa tamang huwesyo at agad na lumayo kay Mathias ngunit hindi nakalitas sa paningin niya ang pasimpleng paghawak ni Mathias sa alaga nito at sunod-sunod itong napalunok.
“Nakaganti kana sa boyfriend mo. Ihahatid na kita sa inyo dahil nag-aalala na ang mommy mo.” Kasing lamig ng aircon sa bar na ito ang boses ng doctor at nauna itong tumayo kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.