TAHIMIK nilang nilalakbay ang express way at dahil pasado alas onse na nang gabi kaya dire-diretso ang takbo ng sasakyan. Ka-chat niya si Edwin na sobrang nagmamakaawa sa kanya na patawarin niya. Pinagseselos lamang umano siya nito dahil nga hindi feel ni Edwin na mahal siya. Lahat ng barkada ni Edwin ay open sa lahat ng bagay kabilang na ang pre-marital s*x kaya tampulan ng tukso si Edwin dahil hindi maka-score sa kanya. Napatingin siya sa labas ng bintana. Ang mukha ng nobyo niya ang nakikita niya. Mahal niya si Edwin ito ang first boyfriend niya na pinaglaban pa niya sa daddy niya dahil ayaw ng ama niya na makipag-relasyon siya dahil nga 18 years old pa lang siya at 19 years old naman si Edwin. Nangako siya sa ama niya na hanggang holding hands at kiss lang sila ni Edwin dahil ayaw