MAYA'T MAYA nakatingin si Dr. Mathias kay Adriela na nakatanaw lang sa labas ng bintana habang si Mathias naman ang nagmamaneho. Mabagal lamang ang patakbo nila dahil malapit lang naman ang baryo nila aling Lita. Hininto niya ang sasakyan sa puno ng malaking kahoy at saka kinabig ang dalaga. Napaigtad pa ito sa gulat kaya alam niyang naglalakbay talaga ang isip ng dalaga. “Hey, baby, what’s the matter?” mahinahon niyang wika. May mga butil ng luha sa kanyang mga mata at pinahid iyon ni Mathias. “Where have you been kanina? naamoy ko ang hininga mo uminom ka. Care to share, sweety?” Segunda pa ni Mathias. “I was with Carlos earlier. I… can’t tell you, I’m sorry.” Muling lumandas ang kanyang luha. “Don’t bother about it, baby. I understand.” Muli rin pinahiran ‘yon ni Mathias at n