BUMABA sila sa plaza ng Makiling Province dito pala ang venue ng kasal. Simple lang ang kasal kahit ang mga upuan ay silya lamang kaunting decoration lang. “Tama nga ang sinabi nila simple lang ang magiging governor natin hindi kurakot katulad ng—” “Yang bibig mo, Alma!” siniko nang bahagya ni Nanay Lita si Alma. Nakikinig lamang si Adriela sa mga ito sa sinabing iyon ni Alma ay alam agad ni Adriela na papasok pala sa pulitika ang mga ikinasal at ginamit pa talaga nila ang kasalan para sabihing simple lamang sila. “Aling Lita, daanan pala ‘to. Dapat do’n tayo sa likod nakakahiya sa mga—” “Adriela?” Sabay silang napalingon sa boses sa kanilang likod. Bumaba ito mula sa sasakyan at sobrang guwapo rin nito bagay sa kanya ang suot niyang tuxedo lalaking-lalaki. “Carlos?” “What ar