ISIPIN mo muna nang sampung beses bago mo gawin ‘to best! Naiireta na ang dalagita sa paulit-ulit na boses ng kaibigan niya. Nandito sila sa tapat ng hospital nakasuot lang siya ng sibilyan dahil makikilala siya ng mga guard lalo na ang mga nurse. Byernes ngayon at noong lunes pa niya pinaghandaan ito kaya hindi siya maaring pigilan ni Adelina. “Habang tumatagal palala nang palala ang kabaliwan ng mommy ko, Adel. Kaya please lang ‘wag ka nang dumagdag pa sa stress ko. Ikaw ‘tong kaibigan ko na dapat nakasupport sa gagawin ko pero—” “Kaibigan mo ako pero hindi na ito tama. Maraming paraan a—” “At kailan mo masasabing tama? kapag nabuntis na Nanay ko? hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon Adelina kaya pasenysa ka kung matigas itong kaibigan mo!” Mariin ang boses ni Adriela at iniwan