HINDI maipinta ang mukha ng dalagita nang makapasok na siya sa apartment ni Mathias. “Wala ka bang maid?” marte ang kanyang boses paano ay napaka-kalat ng paligid. Ang medyas niya basta na lang hinagis kung saan tapos ang sapatos walang permanenting lagayan. “Umupo ka diyan at magluluto ako. Tinext ko na si Gwyn na narito ka sa akin para hindi siya mag-aalala.” Sagot ni Mathias. “Kahit hindi mo ipaalam wala naman siyang pakialam. Umuwi man ako o hindi kahit inuumaga ako sa bar wala—” “I do care!” putol ni Mathias sa sasabihin niya. Napatingin siya sa doktor nakatingin na ito sa kanya pero dahil matalas ang isip ni Mathias kaya agad nitong pinaliwanag. “Ako ang huli mong kasama. Maraming CCTV sa hospital kanina kaya kung ano man ang mangyari sa ‘yo sa daan ako ang mananagot.” “Wh