Magdamag kong iniisip-isip kung ano bang gagawin ko kay Elvin, higit sa mga sinabi ni Rocco na batid niya kung gaano ka-seryoso ang kanyang intensyon sa akin. Me, getting married? I still can't imagine myself wearing a beautiful white gown and will stand in front of the altar pero mukang mahihirapan at masusubukan talaga ako. Nagpagulong-gulong ako sa kama habang nag-iisip pa rin kung ano ba mas maganda at tamang gawin nang inis na lang akong napabangon sa kawalan ko ng maisip! Nahagod ko ang buhok ko mula anit hanggang dulo nito. My situation now is getting more and more complicated and stressful. Tumayo na lang ako at nag-tungo sa kusina para mag-timpla ng kape, magpupuyat na lang ako sa paggawa ng trabaho tutal ay hindi na rin lang naman ako makakatulog nito. Gumawa na lang ako ng