"Rocco, may I ask you something?" "Hmm? What is it?" Gusto ko malaman sa kanya kung ano bang palagay niya sa pakikipag-relasyon habang kasalukuyan kaming pareho nakahiga sa aking kama na walang mga saplot. Nakaunan ako sa kanyang braso habang nakayakap sa matipuno niyang katawan, siya naman ay nilalaro ang buhok ko at nahagyang minamasahe ang anit ko. "Nabanggit mo sa akin kanina sa interview na asawa na lang ang kulang sa iyo, babae na lang. Are you planning to get married and have kids?" tanong ko. Ngumiti siya habang nasa itaas ng kisame ang tingin at sumagot. "Oo naman. Plano ko mag-asawa at magka-anak pero hindi pa sa ngayon dahil marami pa akong dapat na unahin, mabilis namang pasukin ang pagaasawa." "Now I know why you always want to use condoms, I thought we're both thinking