Nagbukas-sara na lamang ang bibig ko at hindi maapuhap ang sasabihin nang bigla manumbalik ang ngiti sa kanyang mukha. "Nevermind Remy, it's too early for that." Napagtanto niya rin na ikinahinga ko naman ng maluwag. Ayaw ko ng ganoong usapin, parang hindi ko ma-imahe ang sarili na haharap sa bandana and to be honest 'di ko gusto ang ideya ng pagpapakasal dahil na rin siguro sa kinalakihan ko. My parents have been married for decades but you can't see or feel the love between them, they are so cold, tipong nagsasama lang dahil may mga anak sila? Mag-asawa lang silang nagsasama dahil may anak sila pero wala kang makikita sa kanila ni katiting na pagmamahal para sa isa't isa. Kaya siguro lumaki akong ganito, matigas ang loob, bihira magkaroon ng malasakit sa iba at tanging mahalaga lang