THIRD PERSON'S POV: Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Elvin habang pinapanuod sa baba ang kapatid at si Remy na kitang-kita ang saya sa mukha. Nakita niya rin kung paano nagbigayan ng numero ang dalawa, hindi man malinaw sa pandinig niya ang pinaguusapan nila pero kutob niyang magkakikita ang mga ito. Mapait na lang siyang natawa sabay inom ng matapang na alak mula sa baso habang nanatili lang na nakatingin sa baba. They think he's naive not to notice the closure between them. Noong gabi pa lang ng party alam niya nang tinaamaan ang best friend niyang si Remy sa Kuya niyang kadarating lang. Para sa kanya kay hirap no'n isipin gayong siya ang parati nandiyan para sa kaibigan ngunit sa kapatid niya pala ito magkakagusto. Hindi siya t*nga para hindi malaman kung anong kahulugan ng p