Part 7

1221 Words
“ARE you out of your mind?! Ayokong may ibang tao sa bahay ko lalo na ang isang gaya niya na hindi ko kilala!” manghang bulalas ni Kieran kay Adrian na hindi gaya niya ay relax na relax pa rin. Tiningnan siya ng kaibigan niya at gusto niyang mapamura sa nakita niya sa mga mata nito. He hates Adrian when he’s looking at him like that. As if he was a child he was tolerating. Before, he used to be the mature one. He used to be the one tolerating him and Neil. He used to be the one taking care of them. Ngunit gaya ng lahat sa buhay niya ay bumaligtad din iyon matapos ang nangyaring iyon limang taon na ang nakararaan. “Kieran, this is the only way I could think of para matapos na ang isyung ito. Ayaw mo naman siyang basta paalisin. Bear with it for a week. Besides, kailangan nang linisin ang bahay na ito Kieran. Limang taon na itong ganito at masakit na sa ilong ang alikabok. Kaya lalo ka yatang nagiging aburido dahil ang dilim at dumi dito.” Napatiim bagang siya at napahigpit ang pagkakahawak niya sa tungkod niya. “I don’t want her here. I don’t want to change anything here,” ulit niya. Tumigas ang anyo ni Adrian. “I said bear with it. This is also for your own good, you have to let go. Kahit paunti-unti lang. At ang paglilinis sa bahay na ito ang magandang simula roon. For once, listen to me.” Hindi na siya nakasagot. Isa si Adrian sa dalawang taong tanging niyang pinagkakatiwalaan sa kasalukuyan. At kapag ganoon na ang tonong ginagamit nito ay hindi na siya makapagreklamo. Humarap na ito sa babaeng nakatayo pa rin at nahihintakutang nakamasid sa kanilang dalawa. “Anong pangalan mo?” tanong ni Adrian. Nakita niya ang panginginig ng mga labi nito bago ito sumagot. “Belle.” “Belle. Mananatili ka rito hanggang sa bumalik ako sa susunod na linggo. Himbis na dalhin kita sa presinto para ipakulong ka ay tatayo kang tagalinis ng bahay na ito hanggang dumating ako. Nagkakaintindihan ba tayo?” Sunod-sunod na tumango ang babae. Napaismid siya. Wala siyang tiwala rito. “Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira para makuha ko ang mga gamit mo at makausap ko ang pamilya mo,” patuloy ni Adrian. Napatitig siya sa babae nang biglang umilap ang mga mata nito at mamutla. “W-wala akong pamilya. Ako lang mag-isa sa buhay at kakarating ko lang kaninang umaga sa San Bartolome,” sagot nito. Naningkit ang mga mata niya. She was obviously lying. Nagkatinginan sila ni Adrian. Alam niya na pareho sila ng iniisip. I told you pare. She’s suspicious. Ibinalik nila sa babae ang tingin. “Kung ganoon nasaan ang mga gamit mo? At bakit dito ka sa San Bartolome nagpunta?” patuloy ni Adrian sa kaparehong tono. Subalit alam niya na naghihinala na rin ito at ayaw lang ipahalata sa babae. Lalong umilap ang mga mata nito. “Nanakawan ako noong nasa istasyon ako ng bus sa maynila. Mabuti na lang at hawak ko ang ticket ko kaya nakasakay pa rin ako rito. N-nabalitaan ko kasi na may mga kamag-anak ako rito kaya ako nagdesisyong magpunta rito. Pero pagdating ko kanina nalaman ko na matagal na palang wala sa lugar na ito ang mga kamag-anak ko. Mag-isa na lang ako,” mabilis na sagot nito. He didn’t believe any of the shits she said. Pero sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang tumango-tango si Adrian. “Sobrang malas mo naman pala. Well, isipin mo na lang na at least may matutuluyan ka ng isang linggo,” pinal na sagot nito. Manghang napatingin siya sa kaibigan niya. Akmang magpoprotesta siya pero tinapunan siya nito ng tingin na para bang sinasabing mamaya na sila mag-usap. “Bakit hindi mo siya samahan sa silid na pwede niyang okupahin Kieran? At kung may mga luma kang damit na pwede mong ipagamit sa kaniya.” He gritted his teeth and looked at the woman again. Hindi pa rin ito makatingin sa kanila. “Ikaw na ang sumama sa kaniya. You know this house as well as I do, Adrian. Bahala ka na sa kaniya,” suko niya. “Okay. Sumunod ka sa akin Belle,” sabi ng kaibigan niya at nagpatiuna na sa direksyon ng kusina kung saan may isang bakanteng silid na ginagamit noon ng katulong niya. Pasimpleng sumulyap sa kaniya ang babae bago sumunod kay Adrian. Napailing siya. Hindi niya alam kung ano ang plano nito at hinayaan nitong manatili roon ang babaeng iyon. Isa lang ang sigurado niya. He will not make her stay in his house easy for her. Not after what she did to the rose garden – the most important thing for him that is left in this world, the only beautiful thing his wife left behind.   SUMASAKIT na ang ulo ni Belle sa labis na pagkakagulo ng iba’t ibang isipin sa utak niya. Kaya matapos siyang samahan ni Adrian sa loob ng isang silid na malapit sa kusina na kasing alikabok din ng buong bahay na iyon ay hinang hinang napaupo siya sa munting kama roon. Nanlalambot ang mga tuhod niya. Akala niya ay hindi siya makakalusot sa pagsisinungaling na ginawa niya. Mabuti na lang at kahit papaano ay napaniwala niya ang mga ito. O kahit si Adrian lang dahil nakita niya ang paraan ng pagtingin sa kaniya ni Kieran na kulang na lang ay sakalin siya. Subalit kailangan niyang magsinungaling. Dahil paano kung makita ni Adrian ang mga ate niya at malaman nitong pinaghahanap sila ng batas? Lalo na at nasabi ni Kieran na mga babaeng mandurugas daw ang hinahabol ni Adrian ngayon. Paano kung kilala rin nito ang mga ate niya? Kahit naman ganoon ang mga kapatid niya ay ayaw naman niyang mahuli ang mga ito. Napahinga siya ng malalim. “Isang linggo akong mananatili rito kasama ang lalaking iyon. Diyos ko, makakalabas pa ba ako ng buhay dito?” nausal niya. Habang tumatagal kasi ay mas lalo siyang napapaniwalang may kakayahan itong pumatay ng tao. Lalo na kapag nakikita niya ang malamig na mga mata nito. Sayang ang ganda pa naman ng mga mata niya. Natigilan siya at marahas na napailing. Ano bang iniisip niya? Mapanganib ang Kieran na iyon. Himbis na iniisip niya kung gaano kaganda ang mga mata nito ay dapat iniisip niya kung paano siya makakatakas sa lugar na iyon. Naalala niya ang sinabi ni Adrian na i-o-on daw nito ang kuryente sa mga bakod ng lupaing iyon. Oo nga at may napansin siyang tila mga wires sa bakod bago siya pumasok roon, pero imposible namang talagang may kuryente iyon. Baka tinatakot lang siya nito para hindi siya tumakas.   Pero paano kung totoo? Nag-init ang mga mata niya at nasubsob ang mukha sa mga palad at pabagsak na humiga sa kama. Hindi na niya inalintana ang alikabok niyon. Ano ba namang gulo itong napasok niya? Dapat talaga hindi siya sumusunod sa mga kapatid niya. Siya ang pinakalohikal mag-isip sa kanilang tatlo pero nagpadala siya sa ideya ng mga ito. Nahiling na lang niya na sana ay magsurvive siya ng isang linggo roon. Kung hindi, paalam na sa bagong buhay na pangarap niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD