Part 6

1204 Words
Makalipas ang hindi na niya namalayang oras ay nakarinig siya ng paparating na tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Napaderetso siya ng upo nang tumayo ang lalaki at paika-ikang naglakad patungo sa kabilang bahagi ng bahay kung saan naroon ang malaking pinto palabas. “Ito na ang sundo mo,” sabi pa nito na nagpakabog ng husto sa dibdib niya.  Gusto niyang tumakas. Tama, tatakas na lang siya. Mabilis siyang tumayo at patakbong lumapit sa salaming pinto kung saan siya idinaan ng lalaki kanina. “Naka-lock iyan,” nang-uuyam na sabi nito. Napalingon siya rito at napansin niya na ni hindi man lang siya nito nilingon. Nanlaki ang mga mata niya. Paano nito nagagawa iyon? Paano nito nalalaman ang mga ginagawa niya nang hindi man lang siya tinitingnan? Ganoon ba kalakas ang pakiramdam nito? Hindi kaya engkanto ang lalaking ito? Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras para isipin iyon. Muli niyang hinarap ang pinto at sinubukan iyong buksan ngunit gaya ng sinabi nito ay nakalock iyon. “Ang tagal mo,” kausap nito sa bagong dating. Napasandal na lamang siya sa pinto at pigil ang paghingang napatitig na lamang sa nakatalikod na lalaki at inabangan ang pulis na tinawag nito para hulihin siya. “May biglaan kaming operasyong kailangang gawin noong isang araw. Hindi namin nahuli. Ang dudulas. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong makaalis. Ano ba iyong itinawag mo sa akin?” sagot ng kausap nito. Noon lang siya nilingon ng lalaki. Nakita niya ang pagkislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Na para bang natutuwa itong makita siyang natatakot ng ganoon. Diyos ko, anong gagawin ko? “There. A tresspasser,” turo pa nito sa kaniya. Noon lamang tuluyang nakapasok ang lalaking kausap nito. Napaawang ang mga labi niya hindi sa takot kundi sa pagkamangha nang makita niya ito. Kumpara sa lalaking may-ari ng bahay na iyon ay hindi naman nakakatakot ang bagong dating. Katunayan ay napakaguwapo pa nito at maaliwalas ang mukha kahit mukhang pagod. Napatingin ito sa kaniya at kumunot ang noo bago tumingin sa lalaki. “She’s a woman Kieran. Mukhang naligaw lang naman siya rito. Just let her go.” Napahinga siya ng maluwag. Mabait naman pala ito. “Oo nga. Naligaw lang talaga ako. Ayaw niya lang maniwala sa akin. Ayaw ako paalisin,” sagot niya na nakakita ng pag-asa. “Don’t be ridiculous by believing her Adrian. Alam mong alam ng lahat ng tao sa bayang ito na private property ang lugar na ito. Malabong naligaw lang siya rito. She might be a thief for all we know,” ismid ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya ngunit hindi nakapagsalita. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya pero hindi ba at iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya naroon? Dahil gusto ng mga ate niyang inspeksyunin niya ang lugar na iyon bago sila gumawa ng hakbang upang mapagkaperahan ito? Kung tutuusin ay pagnanakaw na rin iyon. “Kieran, she’s just a normal woman,” sabi pa rin ng tinawag nitong Adrian. Naningkit ang mga mata ng lalaking Kieran ang pangalan. “Alam mo na sa panahon ngayon hindi lang lalaki ang mapanganib. Hindi ba at mga babaeng mandurugas din ang hinuhuli mo ngayon?” Kumabog ang dibdib niya nang matigilan si Adrian at muli siyang tingnan. Nang pasadahan siya nito ng nagdududang tingin ay unti-unti nang bumabagsak ang pag-asa niya. “You’re right,” sagot nito. Tuluyan nang nalaglag na ang mga balikat niya. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang iba pang naisip kung hindi gawin ang secret weapon na noon pa man ay itinuro na sa kaniya ng mga magulang at kapatid niya. Bagay na dapat gawin kapag wala na talagang takas. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at lumuhod. Pagkatapos ay umiyak siya ng malakas. “Patawarin niyo ho ako. Kararating ko lang talaga dito sa bayan na ito. Nacurious lang ako kung ano ang itsura ng loob ng bakod na iyon. Wala ho akong ibang intensyon. Gagawin ko ho ang lahat huwag lang ninyo akong ipakulong. Ayoko hong makulong maawa na ho kayo,” tungayaw niya. Alam niya kung mga ate niya ang nasa sitwasyon niya ay magagawang umarte ng husto ng mga ito. Ngunit sa mga oras na iyon ay totoo ang mga luha niya. Gusto niyang magkaroon ng bagong buhay. Ayaw niyang makulong siya bago pa mangyari iyon. Umismid si Kieran. “If you think tears can make me change my mind then you are wrong woman,” walang katiting na awang sabi nito. Alam naman niya na wala siyang mapapala dito. Kaya kay Adrian siya humarap at nagpatuloy sa pag-iyak. “Sir, maawa na kayo. Wala naman talaga akong balak na masama,” paawa niya rito. Ngumiwi ito at bumuntong hininga. Pagkatapos ay tumingin ito kay Kieran. “Hindi naman kailangang dumating pa sa ganoong punto ito pare. Why don’t you just forgive her?” Tumingin siya kay Kieran na dumilim ang mukha. “She ruined the garden,” sabi nito na para bang sapat ng dahilan iyon para hindi siya nito mapatawad. Muli ay bumuntong hininga si Adrian. “Then let her pay for it na hindi na kailangang makarating sa pagpapakulong sa kaniya. Come on Kieran, it will be troublesome for you too. Kapag dinala ko siya sa istasyon kailangan mo ring sumama para magbigay ng testimonya. Gusto mo ba iyon?” Hindi nakasagot si Kieran. Sumasakit na ang mga tuhod ni Belle sa pagkakaluhod niya kaya sana ay makapagdesisyon na kaagad ang mga ito. Huwag lang sana sobrang hirap at lalong huwag sana siyang pagbayarin ng pera dahil wala siya niyon. “I don’t know what to do with her,” galit na sabi nito. “I know,” sagot ni Adrian. Pareho silang napatingin dito. “Let her stay here to clean the whole house. God knows this place needs cleaning.” “No! Walang gagalaw ng kahit na ano sa bahay na ito. Baka nakawan pa niya ako,” mariing tanggi nito. Hindi na siya nakatiis na marahas na tumayo. “Hindi kita nanakawan!” inis nang sagot niya rito. Nangangako siyang kapag nakalabas sya sa lugar na iyon ay hinding hindi na siya babalik pa roon. Kahit magalit pa ang mga ate niya ay hindi siya makikiisa sa mga balak ng mga ito. Napakasama ng lalaking ito! Matalim siyang tiningnan nito. “I don’t believe you.” Gigil na sasagot pa sana siya pero naunahan na siya ni Adrian. “Fine. Then she will stay here until the house is cleaned. Kapag umalis siya bago ako bumalik ulit sa bahay na ito sa susunod na linggo sisiguruhin ko na makukulong siya. I will also turn on the electricity of the livewires around this property para hindi siya makakalabas. Na hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ginagawa Kieran. Sinasayang mo ang hightech security na ginawa natin sa paligid ng property mo.  Ayos na ba?” “Hindi!” nahihintakutang bulalas niya. “Hell no!” galit na sagot ni Kieran. Nagtama ang mga mata nila at sa pagkakataong iyon niya mas lalong napatunayan – walang mabuting idudulot sa buhay niya ang lalaking ito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD