CHAPTER 26 SEDUCING THE COLD BODYGUARD Inisa-isa kong tiningnan ang mga photos na kasama ni daddy at ang babae na nakita ko sa airport na kasama niya. Kuha ang mga photos na ito sa Singapore at ngayon ko lang nalaman na pumunta rin pala si dad sa Dubai at Japan na hindi pinapaaalam sa akin at kasama ulit ang babae niya. Meron sa restaurant kung saan sila kumakain. Meron sa mall o di kaya sa isang parking area. Ang saya nila ha, nakikita ko ang ngiti sa mga labi ni daddy sa mga litrato na naroon. Pero bakit nasasaktan ako? Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang- ilihim sa akin. Mapapatawad ko naman siguro at maintindihan na may iba na ang daddy ko. Bakit kailangan niya pang itago? Iyan lang naman ang pinagtataka ko. Akala ko ba walang lihiman sa isa't-isa pero bakit ngayon mer