CHAPTER 27 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Jackson-” kumukurap pa ang mata ko dahil sa hindi pa rin makapaniwala na nasa harap ko na ang taong laman ng isip ko nitong nakaraan na araw. “Hi Miss Madden. Nice meeting you… . again.” Aniya at walang pasabing hinalikan niya ako sa labi. Mabuti na lang at hinawakan niya ako sa bewang at nakakapit ako sa kanyang mga braso kundi natumba na sana ako sa semento. No. Kami pa lang dalawa. Pagkatapos niya akong halikan ay titig na titig ako sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala na narito s'ya sa harapan ko at magkasama kami ngayon. Laman lang siya ng isipan ko tapos nandito na siya. Kung pwede lang sampalin ay ginawa ko na pero sapat na ang halik para malaman ko na hindi ako nanaginip. “Pa-paano? Paano ka nakapagpaalam kay daddy?” Naguguluhan kong