CHAPTER 41 SEDUCING THE COLD BODYGUARD (WARNING: bahala na, may SPG ito haha) Nangingilid ang luha ko habang tumatakbo pa rin palabas ng resto bar. At ng maramdaman ko na sumusunod siya ay agad akong nagtago sa gilid ng sasakyan na hindi ko alam kung kanino. “Jazzy!" Narinig ko ang tawag niya. Mabuti na lang at walang tao sa labas at malaya akong makapag tago na walang makakapag-turo sa kanya kung saan ako lalo at madilim dito sa area ko. Naiwan ko sa lamesa sa loob ng resto bar ang phone ko kaya kung tatawag siya ay hindi niya ako mahanap kasi ang kaibigan ko ang sasagot. For sure nakita naman siguro ni Jonnaliz ang nangyari kung bakit ako tumakbo. Hanggang tumigil na rin siya kakasigaw, baka bumalik sa loob? Hindi pa rin ako gumagalaw sa tinataguan ko. Maya ay sumilip ako sa buong