CHAPTER 40 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Ano iyon?" Binalik ko ang tingin kay Jackson na nagtataka sa kilos ko. “Wa-wala naman, akala ko kasi kakilala ko ang nakita ko sa parking area pero nakaalis na." Sambit ko at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa loob. Agad naman kaming giniya ng bantay doon at sumunod sa kaibigan namin na sobrang excited. “Wala pa raw ang kaibigan ko kaya hintayin na muna natin at pwede na kayong umorder ng food kung gusto niyo guys.” wika ni Sabrin at agad naman kaming naghanap ng upuan, kasama ko si Jackson habang magkahawak kamay kaming dalawa, hindi na ako inaasar ng mga kaibigan ko, marahil nasanay na sila at alam nila kung ano ang naging papel ko sa ngayon kay Jackson. “Tama nga ang sinabi mo na maganda rito. Kung magustuhan ko ang ulam nila ay baka