Kahit pagod ang katawang lupa ko, ang isipan ko naman ay tila walang planong magpahinga. Isang oras na akong nagpabaling-baling sa higaan ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Hindi mawala sa isipan ko si Alejandro. Ayaw ko mang aminin ay nag-aalala ako sa kanya. Tiyak akong may iniinda itong sakit kanina. Nagsinungaling ba ito nung tinanong ko siya kung okay lang ba siya?
I sighed and pulled myself up. Sumandal ako sa headrest at tumingala. Nakokonsensiya ako dahil binato ko ito ng tray at tumama iyon sa kanyang tuhod. Kasalanan ko kaya kaya tila papilay-pilay itong naglakad kanina at kailangan pa nito ng dalawang alalay?
I wish I have means to ask him. I wish I knew how to reach him. Pero…bakit ko naman daw yun gagawin? Sandali nga. Hindi ko naman gustong saktan ito. Siya itong bigla na lang lilitaw at magdedemand ng spend time with him daw kuno! Hello Ser! Hindi na ako madaling mauto ngayon! Tsaka hindi ko naman akalain na malaki ang impact ng pagbato kong iyon sa kanya. At isa pa, between the two of us, siya itong may kasalanan sa akin! Kung nasaktan man ito sa ginawa kong pagbato sa kanya, deserve niya yun! Wala pa yun sa kalingkingan ng sakit na ipinadama niya sa akin noon!
Hay naku, Bea. Lumubay ka. Mayaman yun. Kaya niyang magpagamot ulit. Maraming doctor yun. Ikaw, mahirap ka, hindi mo afford magkasakit. Kaya matulog ka at ipahinga mo yang puso at isipan mo!
Inis na humiga ulit ako nagtalukbong ng kumot kahit init na init ako. Makatulog na nga lang para kahit man lang eye boogers magkaroon ako.
Parang mabibiyak ang ulo ko nang tumunog ang alarm clock ko. Putcha, wala pa atang tatlong oras ang naitulog ko. Wala na si Faye sa tabi ko. Bakit kaya maaga nagising ang batang yun?
Nag-inat ako at humikab. Pwede bang matulog nang buong araw at wag na lang pumasok sa opisina?
“Ano ang mantra natin, Bea?” Ani ko sa repleksiyon sa salamin. “Bawal mag-inarte! Bawal ang tatamad-tamad! Kilos, kilos, kilos!” Kinumpas ko ang mga kamay sa hangin. Baka sakali mawala ang lutang kong isipan.
I stepped out of my bedroom drowsily only to be surprised to see them eating their breakfast. Kumunot ang noo ko. “Ang aga nyo atang nagising at kumakain na kayo ng agahan?” I kissed Faye on the top of her head.
Nadine looked at lola and then glanced at the wall clock. “Seven-thirty na kaya ate. Kami nga ang nagtataka kung bakit natutulog ka pa. You usually get up at six in the morning. Gusto ka nga sana naming gisingin kaso baka wala kang planong pumasok sa trabaho ngayong araw.”
“Huh?” Nanlaki ang mga mata ko nang sumulyap sa orasan. Seven-thirty??????
“Pero kakatunog lang ng alarm clock ko.”
“Pinaglaruan ni Faye yun kagabi.” Anas ni lola na umiiling-iling.
“Nakalimutan mo rin siguro i-reset, ate.” Tumawa si Nadine at pinisil ang pisngi ng bata. “Lagot ka kay Mommy.”
I glared at Nadine pagkatapos ay yumuko para abutin ang mukha ng anak ko. Bakas sa mga mata nito ang pag-alala. Ngumiti ako. “Hindi galit si Mommy, baby. Okay lang yun.” I kissed her cheek and she leaned forward to kiss mine. Now all my worries are gone. My baby can simply put me in a happy mood.
Iniwan ko muna sila sandali para kunin ang cellphone sa kwarto. Kagat-kagat ang kuko sa hintuturo habang binuksan ko ang messages ko. Baka kasi mahaba na ang litaniya ni Dette sa akin.
Isang text ang na-receive ko sa kanya.
Dette: You can come to the office any time you want. Sleep longer if you must. The convention yesterday was a success, kaya keri lang kung late ka nang papasok. Although I’m planning to treat you all to lunch. Do you think you’ll be here before twelve noon?
Ngumisi ako as I hit reply button.
Me: I’ll be there before nine. Kakagising ko lang din talaga. Nagloko ang alarm clock ko. See you, boss!
I decided to brush my teeth first and join them for breakfast. Mamaya na lang ako maliligo since hindi ko naman pala kailangang magmadali sa pagpasok sa opisina.
“Beverly, tingin mo makajahingi ka ng bakasyon sa boss mo sa susunod na buwan?” Tanong ni lola habang pinaglalagay ako ng sinangag sa aking plato.
“Eh? Bakit la?” Napatigil ako sa paghigop ng aking kape.
“Anibersaryo ng kamatayan ng lolo mo. Ilang taon na ring hindi ko nadadalaw ang puntod niya.” Simple nitong tugon pero hindi ito makatingin sa akin.
Marahan kong nilapag ang tasa at sumandig sa upuan. “Gusto n’yo bang bumalik sa isla, la?” Gusto kong malaman ang totoong saloobin at damdamin niya. Nakokonsensiya ako na baka dahil sa kagustuhan kong dito na lamang sa Davao manirahan ay nakapagdulot ito ng kalungkutan sa kanya.
“Hindi sa gusto ko, Beverly. Gusto ko lang manatili doon ng kahit isang buwan lang. Nag-aalala ako sa bahay na iniwan natin doon. Alam ko namang inaalagaan at binabantayan iyon nila Tansing pero iba pa rin kapag tayo ang nandun.”
“Namimiss nyo ba ang isla, la?”
She sighed. “Namimiss ko ang lahat sa isla, apo. Pero kaya kong tiiisin na mawalay sa kinalakhan kong lugar kesa naman sa mawalay sa inyo. Isang buwan lang ang hihilingin ko sa’yo, Beverly. Pangako, babalik tayo dito pagkatapos ng isang buwan. Pumayag ka na, ha?” Ngumiti ito sa akin pero bakas ang pagsusumamo sa mga mata nito.
“Kakausapin ko po ang boss ko, la.” I smiled to reassure her pero mukhang malabong mapagbigyan ako ni Dette gayong puno ang schedule namin sa susunod na buwan.
Pero susubukan ko pa ring kausapin si Dette. At kung sakaling payagan ako nito, ang isang malaking katanungan na siyang nakakabahala sa akin, kaya ko na bang umapak ulit sa isla?
Kakatapos ko lang magbihis at nag-lalagay na ako ng kolorete sa mukha ko nang marinig ko ang kanta ni Lady Gaga na Bad Romance. Wala sigurong pasok ang pinsan ko kaya bet niyang mag sound trip ngayon. Nang dumaan ako kanina ay naglilinis ito sa sala. Si lola naman ay sinama si Faye at tumungo sa talipapa para mamalengke.
Lumabas na ako sa silid ko at handa nang lumabas nang sinalubong ako ng kanta ni Lady Gaga na Alejandro.
“Don’t call my name, don’t call my name, Alejandro.” Sintunadong sumabay sa pag-awit si Nadine at ginawa pang microphone ang feather duster.
“Patayin mo nga yan.” Tukoy ko sa stereo.
Ngumuso lamang ito sa akin. “Bakit ba inis na inis ka sa partikular na kanta na yan, ate? Inaano ka ba ni Alejandro?” humagikhik ito.
“Sinaktan at iniwan!” Sagot ko at umirap dito.
“Weeeehhhh? Wala ka namang jowa na Alejandro ang pangalan.” Natigil ito at tila nag-iisip. “Ang kilala ko lang na Alejandro na naging parte ng buhay mo ay yung si Alejandro Salvatore na inalagaan mo noon. Pero hindi mo naman naging jowa yun, ate. Hindi ka trip nun. Tsaka may asawa na siya, yun ang alam ko ha.”
He’s not married! Gusto kong ipagsigawan iyon sa kanya pero para saan pa? Hindi ko naman kayang patunayan kung nagsasabi si Ale ng totoo sa akin o hindi. At isa pa, wala na nga akong pakialam sa kanya! Kahit pa sampung beses na siyang ikinasal sa kung sino-sinong babae diyan, ubos na ang pake ko sa kanya.
I’ve moved on. Period.
Pinili ko na lamang ang tumahimik. “Hinaan mo kaya ang volume ng component. Hindi ka naman siguro bingi, noh.” Pinasadahan ko ng isang beses ang sarili ko bago ako nagpaalam sa kanya. “Mauuna na ako. Ikaw na muna bahala sa bahay at kay Faye, Nadine. Kung may problema—”
“—tatawagan ka. Yes ate, I know the drill.” She grinned.
I snarled at her. “Diyan ka na nga.”
“Ingat.”
Tumango lang ako saka ako tuluyang lumabas ng bahay.
***********
“Thank you sa pa-lunch.” Ani ko nang makaupo. Nandito kami sa maliit na board room ng agency. Dito sa room na ito kami nagme-meeting at nagbi-brainstorming para sa mga project ng clients namin. Kapag feel naming mag-order ng pagkain kesa lumabas ay dito rin kami kumakain.
Kakadating lang ng inorder ni Dette from Pizza Hut. Ang mga staff ay tuwang-tuwa sa pa-blow out ni Dette. Nga naman, makakatipid nga naman, di ba.
“Thank you, Ma’am Dette.” Pakurong sambit ng ibang staff namin. Sa agency na ito, sampu lahat ang trabahante ni Bernadette kasama na si kuya Alfred, ang guard namin.
Umupo si Dette sa kabisera ng mahabang mesa. “Welcome. At hindi lang yan. I have another surprise for all of you.” May kinalkal ito sa kanyang bag na nasa kanyang tagiliran at pagkatapos ay nilatag niya ang mga iyon sa mesa.
Napaangat ang kilay ko nang makitang mga sobre iyon. She distributed the envelops to everyone.
“Ano ‘to?” Magaan na tanong ko.
Dette grinned at me. “Malaki ang binayad sa atin ng SGC, Bea. Nagustuhan ni Mr. Salvatore ang pag-organize natin sa event na iyon.”
“Wow! Malayo pa ang pasko pero may pa-bonus na si Ma’am!” Bulalas ng pinakabata sa amin, si Alyana.
“Salamat, Ma’am. May ilang buwang pankunsumo na ang baby ko.” Si Gina, ang tanging may asawa sa aming lahat, bukod kay Dette na hiwalay sa asawa.
“Paano mo nasabi na nagustuhan ni Ale—este ni Mr. Salvatore ang serbisyo natin? I mean, paano mo nasabi na nagustuhan niya.”
“Sinabi niya.” Her eyes twinkled.
Kinuha ko ang sobre at hindi na tinignan kung magkano ang nasa loob niyon. Kumuha ako ng slice of Hawaiian pizza at nilagay sa paper plate ko. I reached for the packet of ketchup and squeezed them all on top of my pizza.
“Talaga? Nagkita kayo?” I darted my gaze on the table. Ang pagningning ng mga mata ni Dette ay isang katibayan na nabighani din ito sa kakisigan ni Ale.
“He came to me. Sa akin niya mismo sinabi.”
“Nagpunta siya dito? Mga anong oras?” Gusto kong pilpilin ang bibig ko pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. I’m just curious, okay? I took a big bite of pizza. I wanted to focus my energy to the food. I’d better stop asking and just eat instead.
“Ikaw Bea ha, siguro type mo yun? Sabagay, hindi kita masisisi. Kay gwapo nga naman at kay kisig. Halos malagutan ako ng hininga nang dumaan ito sa harap ko. Ang sarap niya sigurong yakapin!” Tila nangisay sa kilig si Mona.
“Parang may something nga sa kanila kagahapon. Yung kahit di sila nag-uusap pero ramdam mo yung tension sa pagitan nila? Kahit nasa malayo lang tayo, naramdaman natin yun, noh?” Si Lea.
“s****l tension, te?” Nagtilihan sila Karen at Janis.
“More of nag-aaway. May lover’s quarrel kayo?” Sumingit sa usapan si Daniela, ang pinakatamhik sa aming lahat.
“Tumigil nga kayo. Alam nyong may asawa na yun si Mr. Salvatore, irereto nyo pa kay Bea na may—”
“Tama na nga yan. Lumalamig ang pagkain.” Si Dette na pinagtaasan kami ng kilay.
Nagkibit balikat ako. Ayokong suplahin kung anuman ang tingin nila sa amin ni Alejandro. Baka kapag nagsalita ako ay sabihin pa nilang I’m being defensive.
“He came around eight o’clock in the morning. Hindi rin naman ito nagtagal.” Sa gitna ng aming pagkain ay nagsalita ulit si Dette. “Which reminds me…” She glanced at her wristwatch. “Oh, my ghad! He’ll be here any minute! Ang sabi niya pala ay babalik siya ng ganitong oras!”
Sapo ko ang bibig kong punong puno ng pagkain. Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya.
She hastily shoved her food into her mouth and spoke inaudible words.
“Pupunta siya dito?” Gusto ko lang naman klaruhin.
Dette nodded at me. Sabay-sabay ang paglagok niya sa kanyang soft drinks. She burped. “Oo. Bilisan nyo ang pagkain at dito kami mag-uusap ni Mr. Salvatore. May proposal daw siya. Ipapaliwanag ng legal team niya sa akin. Stay with me, Bea. I need you to take down notes for me, okay?”
I swallowed. “Okay.”
Kung nakaya niyang pumunta dito, ibig sabihin ay hindi naman pala masama ang lagay nito kagabi? Hindi ko naman pala ito napuruhan. Wala naman palang dapat ipag-alala. Napuyat pa ako, leche na yan.
Dahil sa sinabi ni Dette ay minabuti naming hindi na lamang tapusin ang pagkain. Gina placed the food in the pantry, and we decided to eat them as snacks later.
Nasa kanya-kanyang table na kami nang bumukas ang main door. When Alejandro stepped in, in his navy-blue business suit and sporting his cold demeanor, made us all speechless. Nakadagdag pa sa kanyang malakas na s*x appeal ang black sunglasses na suot nito.
A collective gasp of astonishment was what I heard from my co-workers. I couldn’t blame them. I have seen how perfect his face up-close and I still couldn’t fathom how someone as beautiful as him exists in this world. Alejandro is indeed a force to be reckoned with. He is that strong, powerful and perfect. He cannot be ignored.
And he used to be mine……
I pushed back the thoughts that would hurt me again. It’s all water under the bridge now.
Dette stepped out of her office just in time. She walked towards Alejandro and his team.
“Mr. Salvatore.” Her voice was surprisingly warm. She came close to him and stretched her arm. Alejandro did the same and they shook hands. Nanatili ang mga mata ko sa kanilang mga kamay.
“Please come in. We can discuss the matters in the board room.” Malambing ang boses na sabi ni Dette. Bumuntong-hininga ako. C’mon Bea, kung lalandiin ni Dette si Alejandro, ano naman sa’yo? Dette is the owner and manager for a reason. She knows how to play her games. At isa pa, you can benefit from it, right?
Nang maghiwalay ang kanilang mga palad ay saka pa lang ako tila nakahinga. I shifted in my seat. I suddenly felt uncomfortable. Ignore them!
I hung my head low and focused my attention to the pile of papers in front of me. I still have to sort them out.
“This way, please.” Dette spoke as she led the way. Nairita ako sa pagiging extra friendly niya. She wasn’t like this to other clients. She sounds quite businesslike whenever she talks with her client. Her stance always gives away strong vibe and professionalism.
Pero ngayon…baka guni-guni ko lang. O kung ganun nga, hindi dapat ako naapektuhan. They can hook up if they want and I won’t give a damn. I swear.
I grabbed a handful of papers to cover my face dahil alam kong dadaan sila sa mesa ko. All I could hear is the sound of their footsteps passed by my table.
Humugot ako ng hininga nang sa palagay ko ay nakalagpas na sila. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto ng board room kaya tiyak akong nakapasok na silang lahat. Ako na lamang ang wala doon.
Nilapag ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa ngunit ganun na lang ang singhap ko nang tumambad sa akin ang pigura ni Alejandro na nakahalukipkip sa aking harapan at tila aliw na aliw sa pagmamasid sa akin.
Mabilis kong hinablot ulit ang mga papel at nagtago doon. Alam kong para akong tanga sa ginagawa ko pero, s**t, pulang pula kasi ang mukha ko!
I tilted my head to the table next to mine para sana humingi ng saklolo kay Alyana but her jaw was on the floor. She’s a hopeless case.
Alejandro faked a cough.
Wala akong choice kundi ang ibaba ang papel sa mesa at tingalain ito. “Wa—what can I do for you, Mr. Salvatore?” I stuttered.
He heaved a sigh. Hinugot nito ang handkerchief sa kanyang bulsa at dumukwang sa akin. I leaned back against my seat, totally unprepared of what he was about to do.
“You have ketchup here.” He uttered as he wiped the side of my mouth. “You still eat like a hungry child. Cute.” He chuckled.
I gulped. Gumapang ang init sa buo kong katawan. Sobrang nakakahiya.
“Thank…you.” I replied quietly. Tumayo ako at kukunin na sana ang notepad ko sa drawer nang bumukas ang pinto ng board room at iniluwa doon si Dette na hawak-hawak ang cellphone ko.
“Bea, you left you phone inside. It’s ringing, by the way. Your boyfriend is calling you.” She smiled teasingly at me.
“Boyfriend?” Alejandro spoke in a darker tone. Pinanindigan ako ng balahibo. That kind of tone was so familiar to me.
“Yes, Mr. Salvatore. In fact, they’re planning to get married soon.” Imporma ni Dette.
Alexandro’s’ eyes turned into slits. Kumalabog ang puso ko.
“Sagutin mo nalang ang tawag ni Tyler, Bea. You don’t have to go inside. I can manage.” Dette smiled and faced Alejandro. “Shall we go inside, Mr. Salvatore?”
Tumalikod ako at hindi nagpaalam sa kanilang dalawa. I decided to answer the call outside the agency. Nang makalabas ako, saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. It is always hard to breathe every time Alejandro is just within reach.
I expelled a deep breath and answered the call. “Hello?”
“Hi beh. How are you?”
“I’m okay, Ty. Sorry for answering late. Kailangan ko pa kasing lumabas, e.” Kumagat-labi ako at yumuko.
He laughed. “They are teasing you again, huh. When are you going to get used to it, beh?’
Ngumuso ako. “How are you? Madaling-araw na diyan sa Dubai.”
“Night shift po ako, nakalimutan mo? I sent my schedule to you. nakakapagtampo ha. You didn’t reply to my messages these past few days.”
Bakas ng tampo ang boses nito. Napapikit ako. “I’m sorry. Medyo busy lang talaga. Maraming research kaming ginagawa. We need to find perfect settings and venues for some specific projects.” Again, I lied. I absentmindedly bit my thumbnail.
“Oh. I understand, beh. I just missed you, kaya napatawag ako. Patapos na rin breaktime ko.”
“I see. Kumain ka na niyan?”
“Yes, beh. Ikaw ba?”
“Kakatapos lang din.” Tipid kong sagot.
“I have to go now. I need to log in early kasi may meeting sa engineering department. I’ll call you again, okay?”
Hindi ako nakasagot agad dahil sa pagbukas ng main door na nasa gilid ko lamang. Alejandro’s vacant eyes met mine. His unreadable expression hit me hard in the gut.
“Bea? I have to go. I love you and I missed you so much.” I heard Tyler speak again but my attention has been occupied by Alejandro who stood there, few steps away from me.
“Beh?”
I swallowed, my eyes not leaving him. Alejandro’s breathing became heavy. His shoulders slumped and his arms hung limply at both sides.
I breathe in and looked at him straight to the eye. “I love you. And I missed you so much it hurts…” My voice faltered and a tear rolled down my cheek.
May gumuhit sa mga mata ni Alejandro na hindi ko kayang pangalanan. His confused and pained expression made my heart stop from breathing. He made a step backwards. He clenched his jaw as he turned his back from me.
He went to his car, got in and drove fast away from where I was standing.
Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan. Tumingala ako sa langit at mapait na ngumiti. Para saan kaya umiiyak ang langit? Para ba sa akin o para sa taong kakaalis lang?
Why does he look so hurt when I uttered those words? Didn’t he know? For the first time in my life since that day he’d left me, I was being honest to myself. Finally.