"Tsh, bumaba ka na nga dyan! you're not a princess para pagbukasan pa kita ng pinto." Asik ni Ferdz kay Andrea matapos niyang maipasok ang kanyang sasakyan sa garahe.
"Dito ka nakatira?" Humahangang inilibot niya ang mga mata sa paligid ng tuluyan nang makababa na sa kotse nito.
"Of course!" pasupladong sagot naman ng binata.
"Sumunod ka na nga lang ang bagal-bagal mo!" Nagpauna na itong lumakad na para bang walang kasama.
"Tingnan mo ang lalaking ito, no'ng nagpasabog ng pagiging gentleman si Lord tulog na tulog. Grabe! pasalamat na lang siya dahil gwapo
siya, kung hindi wala na siyang maipagmamalakidahil bukod sa napaka sungit na, nuknukan pa ng sama ang ugali ng impaktong ito, haay! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng matutulugan ngayong araw hindi ako magtitiyagang sumama sa kanya." Bubulong-bulong si Andrea habang hindi magkandaugaga sa pagbuntot sa lalaki na ngayon ay papasok na sa napakalaking pinto.
"Whoah!" Napanganga siya nang sa pagbukas nito ng pinto ay sampung naka unipormadong maid ang sumalubong dito.
"Huh! Ano siya prinsipe? Grabe!" Hindi siya makapaniwala na ubod ng yaman pala ang masungit na ito.
"Where is Mom?" Agad na tanong ni Ferdz sa mga kasambahay at inilibot ang mga mata sa paligid.
"Ay, sir, nasa kitchen po nagluluto," Sagot ng isang kasambahay pero nakayuko.
"Huh! Ang weird, ha. Bakit hindi nila tinitingnan ang impaktong ito?" Nagtatakang tanong niya sa sarili dahil napansin niya nakayuko lahat ng mga kasambahay.
Nagulat na lang siya ng biglang hawakan ni Ferdz ang kanyang kamay at hatakin.
"Let's go!" Ang sabi nito na hindi parin binibitiwan ang kamay niya.
Siya naman ay hirap sa pagsabay dito dahil sa kaniyang mabigat na wedding gown na basang-basa pa hanggang ngayon.
Papunta ang dalawa sa kitchen pero nang mapadaan sila sa sala ay natigilan itong si Ferdz ng may makapangyarihang boses na bigla na lang nagsalita.
"Finally! This is the very first time that you brought a girl in this house. Aren't you going to introduce me to your girlfriend, son?"
"F*ck!" Hindi mapigilan ni Ferdz na mapamura ng mahina ngunit, hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Andrea.
"Dad! It's not what you think it is and why are you here? Akala ko ba nasa business conference ka?" Hindi siya makapaniwalang narito ang kaniyang ama ngayon at higit sa lahat napagkamalan pa nitong girlfriend niya ang impaktang kasama.
Pinanlakihan ng mga mata ni Francis Lemsworth ang anak.
"At ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa akin." Tumayo ito sa couch at lumakad palapit sa dalawa napa-higpit naman ang kapit ni Andrea sa braso ni Ferdz at nagtago pa siya sa likuran nito dahil sa takot sa ama ng binata.
"Hey, huwag kang matakot hija. Natutuwa nga ako dahil sa wakas may dinala ng babae rito ang anak ko, ang ibig sabihin lang no'n ay seryoso siya sa'yo."
Napamaang siya sa sinabi nito.
Gustong magprotesta ng isip niya pero ayaw naman bumuka ng bibig niya para sabihin ditong maling-mali ang iniisip nito. Nanatiling tahimik lang siya, hindi niya kayang salubungin ang tingin ng matandang Lemsworth. Mukhang napakataas nitong tao at masyado siyang nanliliit sa kanyang sarili lalo pa at ang dungis-dungis niya ngayon at basang basa pa.
"Dad, hindi pa ako nababaliw! Tingnan mo nga ang itsura ng babaeng ito!
She's not my kind of girl for pity's sake, napaka-weird kaya niya." Pikon na napahilamos pa ito sa sariling mukha matapos hatakin ang sariling kamay sa mahigpit na pagkakakapit ni Andrea.
Hmp! Ang sarap talagang kutusan ng bwisit na impaktong 'to! Maka panlait wagas! Sakalin ko kaya para ma-tegi na! Ipinilig-pilig niya ang kanyang ulo. Sorry na po, Lord! Hindi po ako
gano'n kasama para gawin iyon.
"Tsh.. I won't believe you, pagbihisin mo muna yang girlfriend mo at saka tayo mag usap. Sa'n nga ba kayo galing at ganyan ang itsura ninyo?"
"Ah__ eh...." Nagiisip ng isasagot si Ferdz.
"Um-attend po kami ng costume party." Salo ni Andrea dito, iyon ang unang pumasok sa isipan niya.
"Oo tama! Dad, sa costume party nga kami galing. Siya 'yong ghost bride ako naman si prince charming. Ha! ha! ha!" Halos mamilipit ito sa kakatawa.
"Aysus! Napakasaya niya oh!"
Makailang irap ang ginawa niya rito.
"Ano bang nakakatawa at ang saya-saya
mo?" Seryosong tanong ni Francis sa anak, nangunot pa ang noo niya dahil sa ginawi nito.
Napatigil naman itong si Ferdz sa pagtawa.
"Ah, Wala po Dad." Ang bilis mag-switch ng ekspresyon ng mukha niya, sa kaninang pulang-pula dahil sa sobrang kasiyahan, ngayon naman ay seryosong-seryoso na.
Nasa gano'n silang sitwasyon nang biglang dumating si Mina Lemsworth.
"Oh my Gosh! Bakit basang-basa kayo? Kawawa naman 'tong girlfriend mo anak, mukhang nilalamig na." Pinasadahan nito nang tingin si Andrea. Medyo nadismaya siya sa itsura nito ngunit hindi naman ipinahalata sa dalaga. Kahit ano pa ang itsura o katayuan sa buhay basta mahal ng anak niya ay tatanggapin niya ng buong puso. Natutuwa naman siya at mukhang lalagay na ito sa tahimik dahil nag uwi na ng babae sa kanilang bahay, sa tingin niya ay seryoso na ang anak sa babaeng kasama.
Napasabunot na si Ferdz sa sariling buhok dahil sa sobrang asar. "Here we go again, hindi ko nga siya girlfriend! Ang kulit nyo naman, eh!" mariing tanggi nito.
Siniko niya ang babae sa kanyang tabi. "Come on, tell them kung sino ka at hindi kita girlfriend," inis na utos niya dito.
Napaisip naman si Andrea.
Kapag sinabi niya ang totoo sa mga ito ay isang araw lang talaga siya pwedeng makitira dito pero, kung magpanggap siyang girlfriend nga ng impakto, pwedeng ma-extend pa ang pagtira niya sa mansion ng mga Lemsworth. Matatagalan pa bago niya makuha ang mga gamit niya sa pad ni Dylan. Ni hindi nga niya sigurado kung magkikita pa sila ng dating nobyo at sa ngayon ay wala pa sa isip niya ang posibilidad na magkita silang muli.
"Ah... Ako po si Andrea. O- opo ako po ang girlfriend ng anak ninyo," kiming pagpapakilala niya sa mga magulang ng binata.
"Whaaaaat....?! Baliw ka ba? Paanong magiging girlfriend kita, mahiya ka nga sa balat mo, napaka-weird mo. Mom- Dad! Nababaliw na ang babaeng 'yan! Hindi ko siya girlfriend, nakiusap lang siya sa akin na makitira rito kahit isang araw lang." Pilit niyang pinipigilan ang galit hindi niya akalaing masasabi ng babaeng ito ang mga kasinungalingang iyon sa harapan ng kanyang mga magulang.
"Ferdz, watch your language! Hindi magandang biro na sabihan mo ng hindi maganda ang girlfriend mo, " ani Mina.
"Pe..!" mangangatwiran pa sana siya.
"Enough of it, Ferdz! Pagbihisin mo muna si Andrea at nilalamig na, mamaya na natin pag usapan ang mga bagay na 'yan," pagalit sa sabi ni Mina sa anak.
Pinukol ng masamang tingin nitong si Ferdz si Andrea na inismiran lang naman siya.
Gustong-gusto niyang kaladkarin ang babaeng impakta palabas ngunit, hindi niya magawa dahil sa takot sa kanyang mga magulang.
"Tsh, humanda ka sa akin mamaya!" nakangiting bulong niya rito. Pero ang totoo parang gusto na niyang sakalin ito sa sobrang inis.
"I love you too!" pilyang sagot naman ni Andrea na inilakas pa ang boses para marinig ng mga magulang ng binata. Alam niyang nagpipigil lang ito ng galit at natutuwa siyang naasar ito kaya lalo pa niyang inasar.
"I hate you, I swear!" nakangiting bulong na naman ni Ferdz. Naaakit na talaga siyang hawakan ang leeg nito at pilipitin.
Matamis na ngiti naman ang tugon ni Andrea sa sinabi nito sabay tingkayad at ginawaran nang halik sa pisngi ang binata na gulat na gulat. Hindi niya inaasahan ang ginawa nitong pagnanakaw ng halik sa kanya.
"Yuck! Nakakadiri ka! " Suyang pinahidan nito ang pisngi na dinapuan ng labi ng dalaga.