Andrea
Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang pinamamasdan ang wedding gown na nakatakda kong suutin ngayong araw.
Nakapagdesisyon na ako at hindi na magbabago iyon.
Kagabi lang ay gumawa ako ng sulat para kay Dylan, sulat na magpapaliwanag kung bakit gagawin ko ang mga bagay na ito.
____
"Ms. Andrea we're done on your make up, pwede na po nating isuot ang wedding gown sa inyo," ang sabi ng stylist ko na si Maru.
"Oh, okay please do!"
Inumpisahan ko na ang tumayo at tatlong alalay ng fashion designer na si Demi ang nagtulong- tulong upang mai-fit sa akin ang aking damit pangkasal na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.
Siguro nga ay iisipin ng mga tao na makakakita sa akin ngayon na ako ang pinakasuwerteng babae sa mundo dahil mapapangasawa ko ang pinaka gwapong lalaki sa bansa, galing sa prominenteng pamilya, mayaman at makapangyarihan.
Si Dylan Monteclaro ang lalaking pinangarap kong makasama sa habang buhay. Ang unang lalaki na nagpatibok ng aking puso. Sinikap kong magpakatatag at mabuhay para sa kanya. Hindi biro ang pinagdaanan kong hirap ng dahil sa aksidenteng iyon nang sadyang tanggalin ng kapatid nitong si Georgina ang preno ng aking sasakyan. Katakot takot na operasyon at ilang therapy ang aking pinagdaanan para lamang mabuhay at ngayon nga ay haharap ako sa altar. Mas pinili kong dito gawin ang aking desisyon upang hindi si Dylan ang maging masama sa harap ng mga tao kung hindi ako, magsasakripisyo na rin lang ako ay lulubusin ko na.
"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Dylan sa akin dahil hindi na ako tumigil sa pag iyak simula pa nang maglakad ako sa aisle at makalapit dito para sa aming panunumpa.
"Yes, I'm okay," pagsisinungaling ko. Ngunit, ang totoo ay hindi ako okay. Sino ba naman ang magiging okay sa sitwasyon ko ngayon? Abo't kamay ko na ang aking pangarap na makasama ang lalaking pinakamamahal ko ngunit, nagsusumigaw ang katotohanan na ang lalaking pakakasalan ko ngayon ay may mahal ng iba. Ano ba ang laban ko sa babaeng iyon lalo pa at may anak si Dylan dito?
Ayokong ikulong siya sa panghabang buhay na relasyon na ako lang ang nagmamahal. Hindi rin naman ako magiging masaya ng gano'n.
"Whatever happens today, just always remember that I love you so much and I'm doing all of these because all I want is for you to be happy," malungkot na sabi ko.
Patuloy lamang ang pagdaloy ng aking mga luha na para bang hindi siya nauubos.
Makahulugan na tumingin ito sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya at may kasamang pagaalala.
"Could you please tell me what's wrong and ____." Magsasalita pa sana ito pero inutusan na kami ng pari na tumayo sampu ng aming mga bisita sa napakagandang simbahang iyon.
Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni Father Carlos, abala ang isip ko sa maraming bagay at narinig ko na lang nang magtanong ito.
"Dylan Monteclaro, do you accept Andrea Montecillo to be your lawful wife for richer and for poorer in sickness and in health, till death do you part?"
Agad kong ibinaling ang tingin kay Dylan. Alam ko buo na sa loob niyang pakasalan ako. Gano'n siya ka-responsable na tao at iyon ang nag-pursige sa akin para mas lalo ko pang ipagpatuloy ang aking plano. Labis ang pagmamahal ko sa kanya, ang gusto ko lang ay maging maligaya siya at hindi ako ang babaeng makapagpapaligaya sa kanya.
"Yes, I do," walang gatol na sagot niya habang titig na titig na nakangiti sa'kin.
Napapikit ako at hindi ko na naman naiwasan na malaglag ang mga luha sa aking mga mata.
Mahal na mahal kita at tanggap ko ng hindi tayo ang para sa isa't-isa. Dalangin ko lang ay maging masaya ka.
Napakislot ako ng ako naman ang tanungin ni Father.
"Andrea Montecillo, do you accept Dylan Monteclaro to be your lawful husband for richer and for poorer in sickness and in health till death do you part?"
Nanatili akong nakayuko desidido na ako sa aking gagawin.
"I'm so sorry Dylan... I'm sorry!"
Hindi ko na pinagaksayahang tingnan pa ito. Ayokong makita ang mukha niya dahil natatakot akong baka magbago ang isip ko. Kaya naman agad akong nagtatakbo palabas ng simbahan.
Alam kong masama ang naging dating ng ginawa ko sa mga taong nakasaksi sa aming sana'y kasal ngunit, wala na akong pakialam sa iisipin nila ang mahalaga ay malaya na siya at hangad ko ang kaligayahan niya.
_
Tumakbo ako sa gitna ng ulan na walang eksaktong patutunguhan. Until, I almost bumped into someone's car when I tried to cross the street. My eyes were too blurry because of the tears and the rain that keeps on falling into it that I can't see nothing.
I was so lucky na hindi ako napuruhan, nakapag preno agad ang driver bago pa ako tuluyan na mabangga.
"F*ck! Are you trying to kill yourself?!" sigaw ng lalake na sakay ng kotse at galit na lumabas ng sasakyan para harapin ako na hindi inalintana ang malakas na ulan.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at agad kong tinungo ang pintuan ng kotse nito na sa tuwa ko ay bukas naman. Sa back seat, dali-dali akong pumasok sa loob at naupo.
"Hey! What do you think you're doing?" Asar na tanong na naman niya na pumasok uli ng kotse at buhat sa pagkakaupo sa driver's seat ay pumihit ito paharap sa akin.
Saglit akong natigilan.
"You almost hit me, so you're the one who's responsible with me now." Kung magpapadala ako sa takot sa lalaking ito ay walang mangyayari sa akin, I need a shelter and I have no money. Siya lang ang naiisip kong makakatulong sa akin.
"Are you damn crazy? Budol-budol ka siguro ano at modus operandi ninyo ang mambiktima ng mga sasakyan at mang-carnap? Now tell me nasaan ang mga kasabwat mo?"
Napabuga ako sa hangin.
"Eh, sira ka pala pagkatapos mo akong muntikan nang banggain ngayon naman pagbibintangan mo ako na isang car napper, you jerk!" Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mainis dito.
"Hey, look at you, luma na 'yang style na 'yan na magpapanggap na run away bride para makapang biktima."
"Totoong runaway bride ako at hindi ako isang car napper, wala akong pakialam sa sasakyan mo, noh! I can buy plenty of that if I want too."
Naasar na ako sa kaantipatikuhan ng lalaking ito pero wala akong choice kung hindi ang humingi ng tulong dito.
"Tsh, really! You can buy plenty of this, then why I saw you walking?"
"Hello! Runaway bride nga ang peg ko 'diba? Wala naman akong nakitang runaway bride na sumakay sa kotse, meron siguro 'yong kay Julia Roberts dahil sumakay siya ng kabayo," mahabang paliwanag ko.
"Hmp.. Runaway bride ka nga ba o hindi ka lang sinipot ng groom mo?" pang aasar nito sa akin.
"At bakit mo naman nasabi yan?" asar naman na tanong ko.
Tiningnan muna ako nito from head to toe.
"Tingnan mo naman kasi 'yang itsura mo. Kahit ako ang groom mo hindi kita sisiputin, para kang bangkay na kakaahon lang sa hukay!"
Pinandilatan ko ito ng mga mata.
"Excuse me ang ganda ko kaya, noh!" mataas ang kumpiyansa at nakapamaywang pang sabi ko.
"Nasaan ang ganda? Tumingin ka kaya muna sa salamin at pagkatapos saka mo sabihin sa aking maganda ka."
Wow! Ang yabang din talaga ng isang ito.
Walang ka kurap-kurap na tumingin ako sa dashboard mirror at ako mismo ay natakot sa sarili ko nang makita ko ang mukha ko sa salamin. Dinaig ko pa ang zombie, nahulas na ng husto ang make up ko.
"Huh! Maganda naman talaga
ako eh." Medyo mababa na ang tono ng boses ko.
Napangiti naman ito sa ginawi ko.
Ngayon ko lang napansin kung gaano ito kagwapo nang lumabas ang mga dimples niya sa magkabilang pisngi.
Tsh.. Gwapo nga ang yabang naman at napaka arogante pa.
"Okay, para wala nalang away sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira at ihahatid na lang kita."
Magsasalita na sana ako nang maalala ko na naibenta ko na nga pala ang condo ko at ang wallet ko nanaglalaman ng credit cards, atm cards at cash money ko ay nasa penthouse ni Dylan, pagkatapos sana ng kasal ay diretso na kami para sa aming European honeymoon at nasa maleta ko lahat ng iyon, paano pa ako babalik doon?
Now I'm homeless and broke.
What should I do?
"Wa--- wala pala akong bahay. Wala akong mapupuntahan kaya kung pwede ampunin mo na lang ako!" nanlulumong pakiusap ko rito.
"What a heck! Kung mamalasin ka nga naman, oh!" Kakamot-kamot ng ulo ito.
"Sige na mahina lang naman akong
kumain," mahinahong sabi ko, nag puppy eyes pa ako para mas convincing.
"Tsh, itigil mo nga yan nakakasuya! Hindi ka
cute."
Inirapan ko lang ito ng paulit-ulit.
"Dad will gonna kill me kapag nakita niyang nag uwi ako ng babae sa bahay."
"Sige na kahit isang araw lang," pakiusap ko naman.
He heaved a long sigh.
"Okay, sige pero isang araw lang, ha? Tamang- tama naka business trip si Dad ngayon, si Mom at ang sister ko lang ang nasa bahay."
"Ayeeeiii... Talaga thank you!"
Tuwang tuwang at napa-palakpak pang sabi ko.
"Tsh! You owe me big time for this, hindi ito
libre," nakangising sabi niya at pagkatapos ay umayos na nang upo at ini-start ang engine.
Halos kalahating oras na kaming bumibyahe at talaga namang lamig na lamig na ako dahil sa basang-basa kong damit at ang walang pusong lalaking ito ay mas lalo pang nilakasan ang aircon ng kotse niya.
"What's your name nga pala?" ang tanong nito.
"Andrea... Andrea Montecillo," sagot ko.
"Nice name, but it's not suits to your freaking face," nakangising sabi.
Waaah...
Ang yabang talaga!
Ang lakas din talagang mang asar ng isang ito, eh!
Pukpukin ko kaya ng sapatos ko para bumaon 'yong takong sa bunbunan niya?
Pag ako talaga nakaligo at nakapagbihis humanda ka sa aking impakto ka!
"Ako nga pala si Ferdz... Ferdz Lemsworth." Hindi ko inasahan na ipakikilala nito ang sarili sa akin.
Huh! Ewan ko sayo at wala akong pake!