Andrea Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nagwawala ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na busina sa labas at tama nga ako ng hinala ang sasakyan ni Ferdz ang papasok ng gate. Oh my gosh! Bakit ba para akong tuliro? Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Sobrang excited nako na makita siya but at the same time natatakot naman akong harapin siya. Natatakot akong ipagkanulo ng puso ko ang magiging kilos ko sa harapan niya. Kaya naman bago pa ito makapasok ng mansion ay nagtatakbo na ako paakyat sa aking kuwarto. "Hey, Ate Andrea, napa'no ka?" habol tawag sa akin ni Samara. Naglalaro kami ng Jengga sa sala at buhat doon ay nasilip ko sa bintana ang pa-park ng kotse ni Ferdz. Ayokong abutan niya ako duon kaya naman minabuti ko na lang na umakyat at magtago sa aking kuwar