Episode 2

1611 Words
"Ante, ano naman ba yang itsura mo at mukha ka namang hindi nakatulog ng magdamag? Huwag mong sabihing may mga umakyat ng ligaw sayo kaya ganyan kalaki ang itim na bilog sa paligid sa mga mata mo? Gaano ka nakakasiguro na mga tao yan at hindi mga mga lumang lupa, ha, Joy? Baka mga engkanto yan na mga nagpapanggan na gwapong tao?" pambubuska na naman sa akin ng isa sa mga matalik kong kaibigan dito sa kompanya kung saan ilang taon na rin akong naglilingkod ng buong puso at isipan isama na pati atay ko at balun-balunan. Itinirik ko ang mga mata ko sa narinig kay Erika na atat na atat magka lovelife ako gayong mas matanda siya sa akin pero wala rin naman siyang jowa. "Halata ba?" untag ko at saka tumingin sa maliit na bilog na salamin na nakapatong sa aking working table. Nangingitim nga ang paligid ng mga mata ko at halata ang mga eyebags ko. "Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo sa gabi at mukha kang puyat na puyat? Naku, naku, naku, Joemarie Guinto, huwag mong sabihin na sumasideline ka na pagsapit ng gabi? Paano mo naatim na ipagbili ang kaluluwa mo sa mga hayok sa laman?" nanlalaking mga mata na tanong ni Erika na pinagkrus ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Loka-loka! At sa palagay mo ba ay papansin sa akin kung sakaling magsideline ako at magbenta ng laman? Kahit kailan napaka over ng reaction mo, ano? Apektado na talaga yang utak mo kakapanood mo ng mga korean drama! Kung literal na laman loob ng katawan ko ang ibenta ko ay baka nga magkaroon ako ng iphone!" palatak ko pa. Maaga pa naman kaya kahit magkwentuhan pa kami ni Erika ay walang problema. Mamaya pa naman darating ang mga boss namin. Nakakamiss na rin si Alexis na dati ay kasa-kasama namin dito sa building. Sino ba naman ang mag-aakala na may nakaraan ang aming matalik din na kaibigan at ang bagong nagmamay-ari nitong Pateros Company. Napakaganda naman kasi ni Alexis at hindi talaga pwedeng hindi mapansin ang taglay na kagandahan idagdag pa ang nakaka intimidate na aura ng babaitang yon. Wala na talagang dapat ipagtaka kung bakita hindi na talaga siya pinakawalan ni Sir Dark Lee. Kung iisipin mo nga naman ang buhay, ano? Pagkatapos ng masalimuot na mga pinagdaanan ni Alexis ay heto na ang napakagandang kapalit ng lahat ng mga paghihirap niya. Mapapa sana all ka na lang talaga sa mga naging ganap sa buhay ng isa sa matalik kong kaibigan. Deserved na deserved ni Alexis ang maging masaya at mahalin ng mga taong nasa paligid niya. Nakakainggit ngunit masaya rin ako para sa kaibigan kong nagsumikap na buhayin ang nag-iisang anak kahit pa nagkaroon ng kapansanan matapos siyang maaksidente noong kasalukuyan pa niyang dinadala si Light. "Huy! Daydreaming agad?" tanong ni Erika na pumitik-pitik pa sa harap ng mukha ko. "Namimiss ko lang si Alexis," saad ko. "Ako rin naman, ano? Mabuti pa tawagan na lang natin siya mamaya. Iba kasi ang oras sa bansa kung nasaan sila ngayon kaysa dito sa atin," wika ni Erika na naglampaso na naman ng sahig kahit kakalampaso niya lang naman. "Madalas lang akong mag-chat sa kanya. Hindi ako tumatawag at baka busy sa buhay may pamilya. Nakakahiya rin kasi kay Sir Dark," tapat kong sabi. "Kahit din naman ako, Joy. Ayoko rin kasi na maabala si Alexis at iba na ang buhay nila ngayon. Panalangin ko lang talaga ay maging maayos na ang lahat para makauwi na sila ng bansa. Bakit ba kasi hindi mapuksa-puksa ang organisasyon na nais patayin si Sir Dark." Kaya umalis ng bansa ang pamilya ni Alexis ay dahil sa pagbabanta sa kanilang buhay ng mga kalaban ni Sir Dark Lee na kanyang asawa. Kahit din naman ako kung nasa kalagayan nila ay talagang maghahanap ako ng ligtas na lugar lalo pa at may mga anak ako na dapat kong protektahan. "Sana nga mapuksa na ang mga kalaban ni Sir Dark. Kaya mahirap din talaga ang mayaman, ano? Marami kang kaaway lalo na sa ngalan ng kapangyarihan. Ano pa ang nais nila? May mga pera sila, kaya nilang magpasunod ng tao gamit ang kapangyarihan nila. Bakit ba kasi kailangan na hangarin na patayin ang alam nilang katunggali nila kahit hindi naman nakikipagtunggali?" Mapapaisip ka na lang talaga. Ang mga mahihirap pangarap ang magkaroon ng maraming pera para mabili ang lahat. Ngunit ang maraming pera na gaya nga nina Alexis ay pangarap lang na magkaroon ng tahimik at ligtas na pamumuhay. Ganun kasimple pero ang ilap sa kanila kung saan kailangan pa nilang magtago sa ibang bansa. "Kailan kaya dadalaw si Agaton kung saan naroon sina Alexis? Ano kaya kong padalhan natin ng kung anu-anong pasalubong ang ante natin? Baka magpadala rin siya ng pasalubong nating longganisa. Miss na miss ko na rin ang homemade longganisa ng baklang yon. Kaya dapat na malaman natin kung kailan dadalaw si Agaton sa nila." Maganda naman ang naisip ni Erika. Tamang-tama at malapit na rin naman ang sahod. Pero kailangan na muna naming alamin kung kailan dadalaw si Agaton sa ibang bansa. "Sagutin kaya tayo ni Agaton? Alam mo naman ang isang yon, hindi magsasalita kahit pilipitin pa natin ang dila," komento ko. Masyadong tapat ang lalaking yon kay Sir Dark Lee kaya kahit mukha na kaming tanga na tanong ng tanong ni Erika ay wala siyang sinasabi na kahit ano. Pasalamat siya at siya ang kasalukuyan na may hawak ng kumpanya pero sa oras na bumalik na sa pagiging personal julalay na naman ni Sir Dark ay humanda talaga ang lalaking yan sa amin ni Erika. Pa-heart to get pa ang peg na akala mo naman ay kung sinong kagwapuhan gayong nakapamada naman ang kanyang buhok. Kulang na lang ay magsuot siya ng makapal na salamin para magmukhang siyang nerd. "Paano kaya natin susuhulan si Agaton para magsalita ano? Baka makuhang ma expired ng mga bibilhin natin para kay Alexis at sa mga bata kung hindi magsasalita si Agaton. Ano kayang gagawin natin sa isang yon?" nag-iisip ako ng paraan para magsalita si Agaton. Daig pa ang tuod ng isang yon. Akala mo naman ay napaka inosente gayong alam naman namin na may bahid na ng iba't-ibang dugo ang kanyang maruming palad. "Ano kaya kong akitin mo siya, Joy? Siguro walang love life ang isang yon kaya ganun siya kapait? At wala rin siyang s*x life kaya ganun siya parang tuod na walang pakiramdam. Kaya naman ang solusyon in pakitaan mo na nga tinatago mong alindog." Literal na nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig mula kay Erika. "Pinagsasabi mo? Anong akitin at pakitaan ng alindog? Hindi ako interesado sa lalaking mukhang maraming nagpapanggap na banal. At saka, wala ako ng mga sinasabi mo at wala akong pakialam kong mas tigang pa sa safari desert si Agaton!" bulalas ko dahil nakakawindang ang mga suhestiyon nitong kaibigan kong walang filter ang bibig. Isang malakas na pagtikhim ang umagaw ng aming atensyon at sabay pa kaming napatingin ni Erika sa pinto ng departamento kung saan ako naka asign. Si Agaton! "Bumuka sana ang lupa!" sigaw ko sa isip ko ng mataman ng nakatingin sa aming dalawa ni Erika ang lalaking pinag-uusapan lang namin. "Good morning, Sir, " halos mautal pa naming sabay na pagbati ng pahamak kong kaibigan. Narinig kaya ni Agaton ang mga sinabi ko? Joskoh! naman! Gusto ko talagang magpapadyak at lamunin pailalim kung saan ako nakatayo ngayon. Bakit ba kasi pinakalakas ko ang boses ko? "Kayo pa lang dalawa ang tao rito? Buong akala ko ay present na ang lahat dahil hanggang sa kabilang departamento ay naririnig ang boses niyong dalawa. Ang ingay niyo." Patay na! Nagkatinginan pa kami ni Erika sa narinig. Pasimuno talaga tong dalahira kong kaibigan kung bakit kami nasesermunan ng ganito kaaga ng mismo pa naming amo. Alam na alam talaga ni Erika kung paano pataasin ang dugo ko sa mga nakakalokang mga pananalita niya. "Pasensya na po, Sir at napalakas po pala ang kwentuhan namin ni Erika." Ako na ang siyang humingi ng pasensya dahil baka kapag si Erika ang hinayaan kong magsalita ay hindi malayo na kung anu-ano pa ang sabihin niya. Tumango-tango naman si Agaton na mukhang wala namang alam na siya ang topic namin. Ngunit may nababasa ako kung ano sa kanyang pagtingin sa akin. Gusto ko tuloy mag-antanda. Magdasal ng sampung Ama Namin at pitong Abe Maria. Sabagay, matalino to si Agaton kaso nga ay wala siyang pakialam sa ibang bagay kaya malamang na hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi namin ni Erika. "Hindi ko akalain na mukha pala akong tao na nagpapanggap na banal sa paningin mo, Miss Joy? At ano naman ang kinalaman ng safari desert sa akin? Maaari mo bang ipaliwanag, Miss Joy?" walang kakurap-kurap na sambit ni Agaton. Narinig pala talaga ang naging pag-uusap namin ni Erika. Wala tuloy akong maisagot. Gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lamesa o kaya naman ay tumakbo ng tumakbo para makalayo kay Agaton. Hiyang-hiya talaga ako sa pangyayaring ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa akin kung narinig nila kung paano ko magsalita ng may pagkabaluhura? "Bueno, oras na trabaho kaya wala na munang kwentuhan. Back to work, ladies," utos na ni Agaton at saka na kami iniwan ni Erika. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba ako na hindi humihinga. "Oops! Back to work na raw sabi ni Sir, Babu!" at saka na nagmamadaling lumabas si Erika. "Humanda ka talagang babae ka kapag nasabunutan kita ka!" inis na inis kong banta kay Erika. Kasalanan niya kung bakit ako nakapagbitaw ng mga ganung salita at higit sa lahat at narinig pa ako ni Agaton!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD