"Hays! Bakit naman kung kailan wala akong dalang payong ay doon naman bumagsak ang malakas na ulan?" naiinis kong reklamo dahil hindi tuloy ako makauwi-uwi kahit alas siete na ng gabi.
Gutom na gutom na rin ako at paniguradong pag-uwi ko sa bahay ay mauuwi na naman sa cup noddles ang hapunan ko dahil nga wala na rin akong oras para magluto pa ng matinong pagkain.
Kailangan kong magtipid at baka hindi umabot sa sahod ang allowance na tama lang sa pang-araw-araw kong gastos.
Panay lunok ko na lang habang nakatingin sa mga fast food na punong-puno ng mga customer sa tapat kalsada nitong kumpanya.
Kahit malayo at umuulan ay para bang natatanaw ako ang masasarap na pagkain na hinahanapag sa kanya-kanyang mga lamesa.
Pare-pareho kaming hindi maluluho sa pagkain nina Erika at Alexis. Tama na kami sa fishball, kikiam, barbecue at mumurahin na mga tokoyaki at mga palamig.
Madalas pa nga ay mas nais na lang namin na magluto at salu-salo kaming kakain kaysa ang kumain sa labas.
Ang mahal naman kasi sobra ng mga bilihin. Iyong presyo ng kapirasong manok, isang kanin, french fries na may kasamang burger o spaghetti ay pwede kong pagkasyahin sa isang linggo kung budget.
Hirap kaya na wala kang malapitan kapag walang-wala ka. Danas ko ang ganun na pakiramdam kaya ayoko ng maulit pa. Hindi rin naman mayayaman ang mga kaibigan ko maliban na nga lang kay Alexis pero syempre hindi siya dapat abusih.
Pero iba talaga kapag maraming pera. Naranasan namin ang bonggang tanghalia, hapunan o kahit meryenda lang noong nagpupunta kami ni Erika sa bahay nina Alexis.
Naalala ko pa iyong litson na pinaghatian namin kasama pa ni Xiao.
Noon lang ako nakakain ng litson na sobra akong nagsawa dahil maliban kay Erika ay wala na akong kaagaw sa malutong na balat.
Kaya ko namang bumili ng mga masasarap na pagkain kung tutuusin pero mas pinipili ko ang kontrolin ang sarili ko sa paggastos.
Alas siete y media na pero ganun pa rin kalakas ang pagpatak ng ulan. Ayoko naman na bumalik pa sa loob ng building dahil lalo akong lalamigin sa lakas ng aircon.
Mabuti pa si Erika kanina pa nakauwi. Malamang na busong na busong na ang babaeng iyon at nakahiga na habang pa scroll-scroll na sa kanyang cellphone.
Samantalang ako ay naririto pa rin at mistulang basang sisiw na hindi makauwi sa bahay at gutom na gutom na.
"Miss Joy, bakit narito ka pa?"
Natigil ang tangka ko sanang pagpalad sa ere para damahin ang mga patak ng ulan at tantiyahin kung kaya ko na bang sumugod.
Si Agaton na alam kong kanina pa umalis dito sa kumpanya pero bakit bumalik pa.
Suot niya pa rin ang kanyang corporate attire na medyo may bahid ng mga patak ng ulan.
"Sir, good evening. Nag-overtime kasi ko at paglabas ko nga ay malakas pala ang ulan. Kamalas-malasan pa na hindi ko pala nadala ang payong ko." tugon ko habang pilit na ngumiti.
Tumango lang naman si Agaton at saka na ako iniwan. Pumasok siyang muli sa kumpanya.
Baka may nakalimutan kaya bumalik.
Naiilang na tuloy akong kaharap si Agaton dahil sa nangyari noong isang araw.
Kasi namang itong Erika na ito ay kung anu-anong mga pinapasok sa inosente kong utak.
Dapat talaga sa kaibigan kong iyon ay palangutin ko ng isang plabong ostya at pagmumugin ng holy water.
Sana ma lang may magmagandang loob na may bitbit ng payong na lalapit sa akin at sasabihin na ihahatid na ako sa sakayan para makauwi na ako.
Kaso, wala.
Wala ng ganun.
Wala na nga yatang lalaki na maginoo dahil halos yata ng mga kalalakihan ay mga bastos at ang habol lang sa babae ay ang magandang mukha at magandang katawan.
Kaya nga siguro umabot na ako sa ganitong edad na wala man lang naging jowa dahil wala akong magandang mukha lalo na ng magandang katawan.
Kung bakit naman kasi hindi ako biniyayaan ng maumbok na didib?
Sabay tingin ko sa aking hindi kalakihang hinaharap at sako ko inilagay ang aking dalawang palad at sinakop ang magkabilang foam ng aking bra.
Napabuntong-hininga pa ako sa paghihimutok pero bigla kong naalis ang mga palad ko sa aking dibdib ng malingunan si Agaton na mataman na nakatingin sa akin.
Linalamig ang buo kong katawan dahil sa lamig na dulot ng hangin at tubig ulan pero biglang nag-init ang mukha ko.
"Miss Joy, anong ginagawa mo?" usisa pa ng bastos na lalaki na tinititigan na pala ako.
"Ha? Ano, Sir? Ano kasi, nilalamig na po ako kaya niyakap ko na ang sarili ko," alinlangan kong paliwanag.
"Nagbago na pala ang style ng pagyakap sa sarili ngayon?" patuloy pang usisa ni Agaton na kung bakit pati ang pagyakap ko sa aking sarili ay tinatanong pa.
"Ganun ang sarili kong style, Sir. Alam mo na, hindi kasi ako gaya-gaya. May originality kasi ko," basta kung ano na lang ang maisip kong paliwanag ay iyon na lamang ang sinasabi ko.
"Ang unique naman ng sarili mong style."
Ewan ko kung pinupuri ba akong ng lalaking ito o inaasar talaga ko.
Ngumiti na lang ako na alam kong kinalabasan ay para akong nakangisi na gaya ng sa aso.
"Mabuti pa ay sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita."
Nagulat ako.
Kaswal lang naman ang pagkakasabi ni Agaton pero bakit biglang kumalabog ang dibdib ko?
Oo, kahit wala akong dibdib naramdaman kong kumalabog.
"Naku, Sir, okay naman po ako. Hihintayin ko na lang talaga na tumila ang ulan. Huwag niyo na po akong intindihin at gomora na po kayo," agad ko ng pagtanggi at saka
ko ikinaway-kaway ang kamay ko habang panay ang pag-iling ko.
"Miss Joy, baka kung ano pang kakaibang pagyakap sa sarili mo ang gawin mo kapag nagtagal ka pa dito sa labas ng kumpanya. Kaya ako na ang nakikiusap sayo para makauwi ka na." Walang gatol na paliwanag ng lalaking feeling banal-banalan.
Nabasa na ng ulan ang buhok niya maayos na maayos pa rin ang hawi na para bang nakadikit na talaga nag bawat hibla ng buhok niya kaya kahit mabasa at mahanginan ay hindi na nagugulo.
"Tara na, Miss Joy," pagyakag niyang muli at saka na naglakad patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan.
"Hindi na po talaga, Sir. Salamat na lang po. Balak ko po talagang maligi sa ulan pero tinatantiya ko pa ang lamig," pagtanggi ko pa.
Hindi na rin naman ako nilingon ni Agaton at tuloy-tuloy na sa loob ng kanyang sasakyan.
Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit na isakay ako ihatid.
Pangarap ko naman na maranasan na maihatid ng isang lalaki pero hindi si Agaton.
Huwag si Agaton, please.
Ngunit muntik pa akong mapatalon ng marinig ang malakas na busina ng sasakyan na hindi ko namalayan na nakaparada na pala sa aking harap.
Takang-taka ko kung bakit nakatigil ang sasakyan sa harap konna hindi ko naman nakikita kung sino ang nasa loob dahil tinted.
"Miss Joy, hindi ka ba marunong magbukas ng pinto ng sasakyan?" si Agaton na nagmamadali pa na buksan ang pinto ng sasakyan.
"Sakay na, Miss Joy bago pa ako tuluyang mabasa ng ulan." Utos ng lalaki na tumatayo bilang pansamantala naming amo sa kompanya.
Natataranta man ay madali naman akong pumasok sa sasakyan lalo pa at parang naiinis na sa akin si Agaton. Mahirap na at baka bigla na lang niya akong sapakin.
Halos hindi ako makatingin sa gawi ni Agaton ng sumakay na siya sa driverseat.
Bigla yata akong nagkaroon ng stiffneck.
Pero biglang natigil ang paghinga ko ng dukwangin ako ni Agaton.
Napapikit na lang ang mga mata ko ng madiin dahil sa bilis ng pangyayari.
"Hahalikan niya ba ako? Manyak pala itong lalaking ito!" sigaw ko sa utak ko.
"Lagi mong tandaan na magsuot ng seatbelt," narinig kong sabi niya kaya bigla ko na lang namulat ang aking mga mata.
Para akong napahiya sa sarili ko sa kung anu-anong iniisip ko.
Kasalanan talaga ito ni Erika!
"Thank you, Sir," nangingime kong pagpapasalamat dahil nga nag-isip ako agad ng masama kung bakit niya ako dinukwang na parang yakap-yakap niya na ako.
Pero bakit ang bango?
Ang bango pala ni Agaton?
Naiwan na nga yata ang samyo ng pabango niya ng bahagya siyang madikit sa akin kanina.
Afford niya naman na talaga na bumili ng mamahaling pabangong panlalaki dahil sigurado akong mayaman na rin itong si Agaton.
Pero hindi rin, baka naman nakakita lang siya ng free sample ng mga pabango sa mall at iwinisik sa damit niya.
"Miss Joy, okay lang ba kung huwag na muna tayong dumiretso sa bahay mo?" untag ni Agaton na nagpapanting na naman sa tainga ko.
Anong ibig niyang sabihin na huwag na muna kaming dumiretso sa bahay ko?
Huwag kang magkakamali talaga itong lalaking ito dahil kahit magaling pang assasin ay hindi ako makakapayag na gawan niya ako ng hindi kanais-nais!
"Bakit, sir? Saan muna ba tayo pupunta?" hindi ako humihinga sa naging tanong ko.
"Hindi pa ako naghahapunan at sigurado ako na ikaw rin kaya kumain na muna tayo, Miss Joy."
Laglag ang panga ko sa narinig.
Niyaya ba ako ni Agaton sa isang date?
Pero ayoko.
Ayoko kay Agaton.
Hindi ko siya type!
"Naku, sir, kung pwede po ay pakibaba niyo na lang ako diyan sa malapit na sakayan ng jeep. Hindi po kasi ako kumakain sa mga fast food lalo na sa mga fine dine restaurant at pang turo-turo lang ang budget ko. Balak ko nga na mag cup noodle na lang dahil pagod na rin ako at wala na akong panahon na magluto pa," tuloy-tuloy kong saad.
"Masama sa katawan ang cup noodles lalo pa at kung palagian mong kinakain. Huwag kang sa mag-alala pambayad at ililibre naman kita. Ako ang nagyaya at isa pa, lalaki ako kaya hindi kita pagbabayarin, Miss Joy."
Gustuhin ko man na kiligin sa mga kataga na binitiwan ni Agaton ay wala namang ka emosyon-emosyon kung paano niya ito sinabi.
Napatango na lamang ako.
Maya-maya nga ay tumigil na kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant na nagseserved ng chinese food.
"Ayos lang ba kung dito na tayo sa chinese restaurant maghapunan, Miss Joy?" tanong ni Agaton.
Gutom na gutom na talaga ako tapos biglang dito pa ako kakain ng hapunan ay gusto kong magsaya. Pero syempre, hindi ko pinapahalata.
Kailangan kong magpaka demure at baka isipin nitong si Agaton ay isa akong timawa.
Excited na akong bumaba ng walang anu-ano ay bigla na lang naghubad ng damit si Agaton.
"Sir! Ano ba yan! Bakit bigla-bigla ka na lang naghuhubad!" pagtili ko at saka pa ako agad pumikit at tinakpan ng mga palad ko ang mga mata kong makasalanan.
Oo, makasalan ang mga mata ko dahil kitang-kita ko ang walang saplot na katawan ni Agaton na walang bilbil na tinatago.
"Miss Joy, magpapalit lang kasi ako ng damit dahil nabasa ako ng ulan kanina. Pasensya ka na at masyado yata kitang nagulat dahil sa reaksyon mo. Sa ginawa mong pagsigaw ay para ba akong masamang tao na may balak na gawin sayo."
Nakakainis!
Bakit ba kasi agad akong nag-iisip ng masama?
Masyado naman yata akong naging judgemental gayong kung tutuusin ay napaka maginoo ni Agaton mula kanina ng yayain niya akong sumabay sa kanya at ihahatid niya na ako pauwi.
"Pasensya na rin, sir. Hindi kasi ako sanay na may kasamang lalaki lalo pa at bigla na lang naghuhubad." Tapat ko namang mga salita.
"Hindi ko akalain na conservative ka pala, Miss Joy?"
At ano naman ang ibig sabihin ni Agaton sa kanyang tinuran?
"Kapag aksidente ko kasing naririmig ang usapan niyo ni Miss Erika ay ibang-iba kung paano ka umakto ngayon."
Kung ganun ay naririnig niya talaga kami kapag nag-uusap kami ng dalahirang si Erika?
"Alam mo sir, sinasadya man, aksidente man o hindi ay hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng may usapan lalo na at kung mga babae ang nag-uusap." Depensa ko at saka nagsungit-sungitan.
So, iniisip ba ni Agaton na gaya kami ng ibang mga babae diyan na easy to get lalo na kung gwapo, may kotse at pakitaan niya ng hubad na katawan?
"Miss Joy, ayaw ko man na marinig ang usapan niyo ay kung hindi niyo naman hinihinaan ang mga boses niyo ay talagang maririnig ko at ng iba pa. Lagi niyo pa ngang nababanggit ang pangalan ko kaya huwag ka ng magtaka kung isang araw ay isipin ko ng crush mo na ako."
Magsasalita pa sana ako ng mabilis ng bumaba ng sasakyan si Agaton.
Grabeh!
Wala talagang kagatol-gatol niyang sinabi sa mukha ko na baka isang araw ay magiging crush ko na siya?
"Anong klaseng lalaki ang nagsasalita ng ganun sa isang dalagang Pilipina na gaya ko?" ang hindi ko makapaniwalang tanong at bulong sa aking isip.