Episode 4

1714 Words
Matapos nga na makapagpalit ng bagong damit si Agaton ay mabilis na siyang umibis ng sasakyan. Buong akala ko nga mauuna na siya sa loob ng sasakyan ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na inaalalayan ng isang lalaki na wala sa hinagap kong makakasama sa mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Mga pangayayari na unang beses ko talagang maranasan. Ang yakagin na ihatid pauwi sa bahay ko ng isang lalaki. Ang makasakay sa isang magarang sasakyan ng isang lalaki. Ang yakagin na kumain sa mamahaling restaurant ng isang lalaki. Pinaghila pa ako ni Agaton ng upuan para makaupo na ako. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko kung paano ako tratuhim nitong si Agaton. Siguradong kung naririto si Erika ay walang tigil na sa panunukso ng kung anu-ano kahit namamagandang loob lang naman ang aming boss. "Pili ka na ng gusto mong pagkain, Miss Joy," aniya sa akin at saka ko na nga nangingimi na kinuha ang menu na sadya ng nakalapag sa lamesa. "Ano bang masarap na pagkain sa ganitong kainan?" bulong kong tanong sa sarili ko at saka panay ang lipat ng page sa hawak ko. Nahihiya naman akong magtanong kay Agaton at baka isipin niya na napaka ignorante ko naman. "Miss Joy, nakapili ka na ba?" maya-maya ay untag niya na sa akin. "Sir, pwede bang fried chicken na lang ang orderin ko?" mahina kong bulong at nakatakip pa sa mukha ko ang menu na binuklat-buklat ko lamang. Iniiwasan ko na marinig ako ng mga katabi namin na busy na rin sa paghihintay ng kanilang mga pagkain. Akala ko nga ay matatawa sa akin si Agaton ngunit tumango lamang siya at saka na tinawag ang waiter. Hindi ko na pinagkaabalahan na pakinggan pa ang mga pagkain na inorder niya. Basta kung anong ihapag na pagkain sa harap ko sa mga oras na ito ay hindi ko na talaga tatanggihan pa dahil sa sobrang gutom ko na. Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming maghihintay sa mga pagkain kaya ginaya ko na lang si Agaton na naging abala sa kung anong mga binabasa sa kanyang hawak na cellphone. Siguro may girlfriend na si Agaton? Alangan naman na lalaki ang ka chat niya sa mga oras na ito o kaya ay tungkol pa rin sa trabaho? Pero kung may girlfriend man ang lalaking nasa harap ko ay bigla akong na curious kong anong klase ng babae ang gusto niya. Iyong tipo ba na gaya niya na parang walang pakiramdam? Iyong nakakatawa na ang joke pero wala man lang siyang reaksyon? Ang boring siguro niyang kasama at baka maingayan siya sa amin ni Erika kapag kami ang naging barkada niya. Sinubukan kong hanapin sa social media kung may account ba si Agaton pero wala akong matagpuan. Sa sobrang gutom ko ay kung anu-ano na ang mga iniisip ko patungkol kay Agaton na pati na kung may love life ba siya ay pinoproblema ko. Gustong manlaki ng mga mata ko ng isa-isa ng dumating ang mga pagkain na inorder ni Agaton. "Sir, ang dami mo namang inorder? Sinasabin ko sayo, wala akong pambayad sa mga yan kapag na short ka sa pera." Pagpapauna ko na talaga. Hindi naman sumagot si Agaton na inayos lamang ng mabuti ang mga pagkain sa aming lamesa. Dahil nga sa kumakalam na ng todo ang tiyan ko kaya tuloy-tuloy na akong kumuha ng kanin at ulam. Natakam ako sa hipon na nakahapag mismo sa harap ko kaya naman hindi na ako nakapagpigil. Ngunit ng tangka na akong susubo, "Let us pray," ani Agaton na nakapikit na nga ang mga mata. Madali ko ng itinikom ang nakakanganga ko ng bibig at ibinaba ko ang ang kubyertosa na tangka ko ng isusubo. Hindi ko akalain na ang isang tagasunod ng isang mafia boss ay nagdarasal muna bago kumain at narito pa sa public place. "Sorry naman, Lord, thank you po sa pagkain," panalangin ko na rin naman. Kung bakit naman kasi hindi ako makapaghintay at agad ng kumuha ng mga pagkain. Sinisilip ng isang mata kong kung tapos na bang magdasal si Agaton at ng makita ko siyang kumilos ay nagkunwari akong hindi pa tapos umusal ng panalangin. "Miss Joy, kumain ka ng kumain at huwag kang mahihiya. Tayo lang din ang uubos ng lahat ng mga ito, " bigkas pa ni Agaton. Kahit naman gaano ako kagutom ay hindi ko naman kayang ubusin ang lahat ng mga pagkaing nakahain. Anong akala ni Agaton? Timawa talaga ako? Tahimik na rin naman kaming kumain ng lalaking kaharap ko. At nakapagtataka na pati sa paraan ng pagkain ni Agaton ay para ba akong walang maipintas. Nahiya tuloy akong sumubo ng sumubo ng pagkain dahil napakahinhin kumain ng kasama ko. Pero hindi ako mabubusog kung paiiralin ko ang katiting kong hiya kaya kumain ako sa paraan kung paano talaga ako sumubo gaya ng kapag magkakasama kami ng mga kaibigan ko. Lahat yata ng pagkain na nakahapag ay tinikman ko. Baka hindi na maulit ang pagkakataon ito kaya dapat ko ng sulitin. Ngunit marami naman akong kinain ay marami pa rin ang natirang pagkain. "Sir Agaton, thank you sa napakasarap na hapunan," saad ko habang inuubos na ang dessert. "Walang anuman, Miss Joy. Natutuwa nga ako na nagustuhan mo ang lahat ng inorder ko," tugon naman ni Agaton na bahagyang nakangiti. "Pero sayang lang at dalawa lang tayo kaya naman ang dami pang natirang pagkain." Panghihinayang ko pa at saka tiningnan ang mga masasarap na pagkain na hindi namin naubos. Nagpaalam na muna ako na gagamit ako ng comfort room. Mahirap na at baka salita ako salita ay hindi ko alan na madungis ako o kaya ay may tinga ako sa pagitan ng aking mga ngipin. Pagbalik ko sa lamesa namin ay malinis na at tumayo na si Agaton at saka na ako niyaya na lumabas na. "Sir, sobrang thank you ulit sa treat mong hapunan." Pag-ulit ko na naman na pasasalamat. "Alam mo, Sir Agaton, napakaswerte mo na nayayaya mo akong sumakay dito sa sasakyan mo at kumain pa sa labas. Hindi kasi talaga ako basta-basta sumasama kung kanino lalo pa sa isang lalaki dahil babae ako. Alam mo naman sa panahon ngayon. Napakaraming masasamang tao. Napakaraming nang aabuso sa kahinaan ng iba." Mga kwento ko. "Miss Joy, alam ko naman na kilala mo ako at pati na pagkatao ka. Hindi mo na ako dapat paringgan dahil hindi naman kita gagawan ng masama." Napagtanto ko naman ang aking mga sinabi pero wala naman akong intensyon na paringgan si Agaton sa kung ano nag pagkakakilala ko sa kanya. "Sir, wala naman akong intensyon na paringgan ka. Pero baka may masama ka ngang balak sa akin kaya tinamaan ako? Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit," komento ko. Hindi na rin naman kumibo si Agaton at nagtanong na lang kung saan ang daan patungo sa bahay ko. "Diyan na lang ako sa tabi, Sir," wika ko ng makita ko na ang kanto kung saan lalakad pa ako ng medyo malayo para makarating sa bahay ko. Pwede namang sumakay ng de padyak na sasakyan o kaya ay tricycle pero mas pinipili ko talaga ang maglakad para tipid pamasahe. Huminto naman ang sasakyan. "Maraming salamat ulit, Sir," ulit ko na naman at saka na inalis ang seat belt sa katawan ko. "Miss Joy, dalhin mo na ito. Ilagay mo na lamang sa ref para hindi mapanis." Kunot ang noo ko habang nakatingin sa dalawang malaking paper bag na hawak ni Agaton at ibinibigay sa akin. "Ito ang natira nating pagkain kanina sa restaurant. Pinabalot ko para ma iuwi mo." Pumalakpak ang mga tainga ko sa narinig. Nilibre na ako ng hapunan, hinatid na ako hanggang dito sa amin ay may pa pamosang pa sharon pa ang ankol Agaton. "Grabe, Sir, salamat. Dapat hindi talaga tayo nagsasayang ng mga pagkain dahil marami ang mga nagugutom. Kaya tama lang itong pinabalot mo ang mga natira nating pagkain." Pahayag ko pa at saka na tinanggap ang mga pa sharon. Binusinahan pa ako ni Agaton bago pa niya pinaandar ang kanyang sasakyan. "Joy, ang yaman naman pala ng boyfriend mo? Abay! de kotse pa!" bulalas ni Aling Okya ng malingunan ko. Si Aling Okya isa lamang sa mga kaibigan ko na mas pinili ang tumira sa lansangan kaysa ang umuwi sa mga anak na nagtuturuan daw kung sino ang dapat na mag-alaga sa kanya. "Naku po! Hindi ko po boyfriend ang nakasakay sa kotse na yo, Aling Okya. Boss ko po yon sa trabaho," pagtama ko agad sa sapantaha ng masayahing matanda. "Sayang at hindi ko nakita ang mukha ng boss mo at ng mahusgahan kung gwapo ba." Natawa na lang ako at saka na lumapit sa matandang babae. "Tamang-tama po pala at nagkita tayo. May mga dala po akong pagkain!" masaya kong sambit sabay taas ko sa mga dala-dala ko. Marami pa ang mga katulad ni Aling Okya na nakatira sa lansangan na mga kaibigan ko rin kaya naman niyaya ko siya na hanapin pa ang iba pa niyang mga kasamahan para nga pagsaluhan nila ang mga pagkain na aking dala-dala. Salamat kay Agaton at hindi lang ako nabusog dahil marami ang nakatikim ng biyaya na bigay niya. Iniwan ko na sina Aling Okya at ang iba pa na masayang pinagsaluhan ang mga dala ko. Hinahanap na talaga ng katawan ko ang higaan kaya kailangan ko na talagang makauwi. "Ito ba ang bahay mo?" Napasigaw pa ako at napahawak sa aking dibdib ng biglang nagsalita sa aking likuran. "Sir, naman! Muntik naman akong atakihin sa bigla-bigla mong pagsasalita. At saka bakit narito ka pa? Hindi ba ay umalis ka na kanina pa? May nakalimutan ka ba kaya ka bumalik?" usisa ko. Umiling si Agaton. "Naisip ko na hindi kita dapat pabayaan na basta na lang maglakad sa daan ng ganitong oras kaya binalikan kita. At lihim na nga kitang sinundan hanggang makarating ka na ng ligtas dito sa mismong bahay mo." Paliwanag pa ng lalaki sa harap ko na pinagmamasdan ang maliit kong tinutuluyan. "Salamat, Sir. Hindi ko akalain na gentleman ka pala," tapat kong sabi. "At hindi ko rin akalain na makikita kitang nagpapakain ng mga taong nakatira sa lansangan. Bye, Miss Joy. Good night," sabay talikod na ni Agaton at iniwan akong nakaawang ang bibig dahil hindi ko lubos akalain na ganun siya mag-aalala sa aking kaligtasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD