Buong akala ko naman ay sasamahan ako ni Erika na umuwi sa amin pero siyempre naiintindihan ko naman kung bakit kahit sa huling mga oras ay naghihintay ako na sasabihin niyang sasama siya.
Isang itim katamtaman sa laki ang maleta na dala ko pauwi ng probinsya dahil akala ko ay makakasakay ako ng eroplano pero fully booked na pala. Kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang bumiyahe sa kapatagan sakay ng bus.
Inadya na siguro ng panahon na sa bus ako makasakay para ma feel ko naman ang biyahe ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang bawat naming madaanan.
May mga pasalubong akong dala-dala pero mga damit at sapatos at hindi lata ng biskwit na gaya ng suhestiyon ni Erika.
Ibinigay ko na nga sa kanya ang regalo ko dahil hindi ko naman maibibigay sa kanya sa pasko.
Malayo-layo ang biyahe kaya dapat na magsuot ako ng jacket dahil malamig kapag madaling araw idagdag pa ang malamig na buga ng aircon na iniwas ko nga sa akin.
Medyo wala pang tao ang loob ng bus na sinakyan ko kaya malaya pa akong makapamili kung saan ako dapat na umupo at dito nga sa likod ang pwesto ko.
May mga dala naman akong pagkain dahil kilala ko ang sarili ko na napaka gutumin lalo pa kapag naiinip ako. Baka ng isipin ng makakakita sa akin ay sa picnic ang punta ko sa mga dala kong mga kutkutin na kay Erika galing ang iba at sadyang binili niya para nga baunin ko dahil malayo ang biyahe ko.
Sana lang ay mapuno na ang bus at ng makaalis na. Excited na akong bumiyahe.
Pagtingin ko sa labas bintana ay nag-aagawan sa kung saan ako dapat na bumaling ang mga umiilawa na parol na tanda na ilang araw na lang ay sasapit na ang kapaskuhan.
May kirot sa aking dibdib na naging sanhi kung bakit ako nakaramdam n lungkot sa kabila ng pagkasabik na sa wakas ay makakauwi na ako sa lupang aking sinilangan at madadalaw ko na ang puntod ng aking mga magulang.
Binili ko pa nga ang pinakamagandang kandila sa paningin ko upang sindihan sa pagdalaw ko kay Nanay at Tatay.
Kinuha ko sa bulsa ng jacket na suot ako maliit na manika na huling nililom ni tatay at saka ko pinagmasdan.
"Nay, Tay, uuwi na po ang anak niyo. Magkikita-kita na po ulit tayo," bulong ko sa maliit na laruan na gawa sa kahoy.
"Iyon nga lang po ay hindi ko pa natutupad ang hiling niyo na ibigay ko sa magiging anak ko na apo niyo itong laruan na huling nililok mo, tay. Hindi ko alam kung matutupad ko pa ang kahilingan niyo lalo pa at ilang taon na lamang ay lalampas na sa kalendaryo ang edad ko. Ewan ko ba at ayaw po yata sa akin ng mga lalaki." Kunwari ay sumbong ko habang nakangiti ko pa rin na pinagmamasdan ang laruan na hawak ko.
Sa pagmuni-muni at pag-alala sa mga magulang ko ay hindi ko napansin na napuno na pala ang bus dahil nalaman ko lamang ng may makiupo na sa tabi ko.
Muli ko ng ibinalik sa bulsa ng jacket ko ang manikang gawa sa kahoy dahil maya-maya lamang ay malamang na aalis na ang bus.
Inayos ko na lamang ang sarili ko at muling tumanaw sa labas ng bintana.
Kung sana ay buhay lamang ang mga magulang ko ay mas doble o triple ang pagkasabik na nararamdaman ko sa aking pag-uwi ngayong kapaskuhan.
Masaya siguro kami na nagdiriwang kahit simple lamang ang aming handa sa payak naming tahanan.
Sa kabila ng marami naman akong mga alaala na binabalikan kasama ang sina nanay at tatay ay hindi talaga maiiwasan na manghinayang sa mga taon na lumipas na wala na sila sa tabi ko.
Nakita ko sa repleksyon sa bintana na inabot ng katabi ko ang aircon sa uluhan namin. Hindi ko alam kung nilalamig din ba siya o itinutok niyang lahat sa pwesto niya. Wala naman akong pakialam dahil nilalamig na ako kanina pa.
Nakaramdam ako ng gusto kong ngumata kaya naman kinuha sa dala ko pang backpack ang pabaon sa akin ni Erika. Isang mamahalin at malaking sitsirya.
Galante yata ang Ninang Joy?
Baka nanalo ng malaki sa online casino?
Malaman ko lang talaga at babasagin ko ang cellphone niya. Payo ko sa kanya ay iwasan ng todo ang pagsusugal dahil wala naman siyang ikapananalo.
Pagkabukas ko ng sitsirya ay inalok ko ang katabi ko pero ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng mamukhaan ko kung sino ang lalaking nasa tabi ko.
Si Agaton lang naman.
"Sir? Ikaw nga ba yan, Sir?" hindi ako makapaniwala na tanong dahil sa lahat naman ng pwede kong makatabi sa upuan ay si Agaton pa talaga?
Ano ito tadhana?
Naku! Kung malalaman na naman ito ni Erika ay todo kantiyaw na naman ang babaeng yon sa akin.
Inalis ni Agaton ang hood ng kanyang jacket na nakasuot na a kanyang ulo. Takot na malamigan ang bunbunan ng lalaking kung makaasta ay akala mo ba ay kung sinong banal.
"Miss Joy? Anong ginagawa mo rito?" untag ni Agaton na kung makatanong ay para bang siya lang ang may karapatan at may kakayahan na sumakay ng bus. Alam kong mahal ang bayad sa bus na ito pero kaya ko nga ring mag-eroplano ang kaso lang ay fully booked na.
Kaya huwag siyang feeling dahil sa pagkakataon na ito ay pantay lang ang buhay namin.
"Sir, kayo ba? Anong ginagawa niyo sa bus na ito?" pamimilosopo ko pa.
"Uuwi ako sa probinsya namin." Direkto namang sagot ni Agaton.
Tagasaan kaya siya at iisa lang ang daan patungo sa aming probinsya. At bakit naman siya sasakay ng pampublikong sasakyan gayong alam kong marami rin siyang sasakyan.
"Mabuti narito ka, Sir? Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi ka sakay ng sarili mong sasakyan?"
Kahit sini naman ay magtataka hindi ba?
"Miss Joy, ayong dumagdag pa sa sanhi ng trapiko at pulusyon sa hangin. At isa pa, nakakapagod bumiyahe ng mag-isa. Paano kung antukin ako sa haba ng biyahe? Kaya mas maigi na ang sumakay na lang ako ng bus." Paliwanag ni Agaton na may punto naman.
Akala ko ay magkapareho kami ng probinsya ngunit mas mauuna pa akong bumaba sa kanya. Mas malayo pa ang biyahe niya kaysa akin.
Mabuti nga na may kakilala ako sa mahabang paglalakbay na ito at nakakainip rin naman talaga.
"Taon-taon ka bang umuuwi sa inyo, Miss Joy? Natanong ko lang dahil ngayon lang kita natiyempuhan na nakasakay pa sa iisang bus," tanong ni Agaton.
Umiling ako.
"Ang totoo ay ngayon lang ako uuwi sa probinsya pagkatapos ng fifteen years, Sir." Tapat kong sagot.
"Anong nangyari? Bakit umabot sa limang taon na lang ay dalawang dekada na ang hindi mo pag-uwi? Hindi mo na miss ang mga magulang at mga kapatid mo, Miss Joy?"
Napatingin ako kay Agaton na bakit ang gwapo naman pala kung naka simpleng damit at hindi naka business attire? Ganun pa rin naman ang style ng buhok niya pero parang mag nag-iba kaya pinakatitigan ko siya.
"Miss Joy, alam mo ba na isang kabastusan na pag-uugali ang tumitig sa mukha ng isang tao lalo pa at magkaiba kayo ng kasarian?" agad na basag sa akin ni Agaton at saka na tumingin sa harap ng bus.
"Pasensya ka na, Sir at hindi kasi ako sanay na makita ka nakasuot lamang ng simpleng damit at hindi nakadamit pang opisina. Minsan nga ay gusto ko ng tanungin kong hindi ka ba nasasakal sa kurabata mo. Kung may mahuhulog ba na butiki sa harap mo ay yuyuko ka ba? Daig mo pa kami ni Erika sa pagka prima and proper kung kumilos." Tuloy-tuloy kong mga kwento.
"At masama rin na tumitig sa kasuotan ng lalaki, Miss Joy. Iwasan mo o ninyo ni Miss Erika ang mga ganyan na gawain dahil hindi magandang tingnan sa isang babae.babae" Sermon na naman ni Agaton.
"Sir, siguro sa past life mo, isa kang pari, ano?" tanong ko pa.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Ang hilig mo kasing manermon. Maraming bawal sayo na hindi naman bagay dahil kilala naman namin kung ano ka at kung sino ka." Sagot ko nang walang alinlangan.
"Hindi ka nakakasiguro, Miss Joy. Kilala mo lang ako bilang kanang kamay ng tunay na boss nating dalawa. Pero ang totoong ako ay hindi mo pa kilala." Matalinghaga na sabi ni Agaton.
"Bakit, Sir? May iba ka pa bang katauhan maliban sa pagiging magaling makipaglaban sa mga kaaway? Balita ko ng asintado ka raw at isang magaling na action star kung ikukumpara doon sa bida sa batang Maynila nga ba iyon? Iyong palabas tuwing gabi na pinagbibidahan ng mga action star?"
Wari naman na walang alam si Agaton sa kung anong tinutukoy ko.
Syempre wala naman talaga siyang alam dahil marami siyang trabaho.
"Sir, tungkol nga pala sa tanong mo kanina. Wala na akong mga magulang at wala rin akong kapatid. Kung gaano ako katagal na hindi nakauwi sa amin ay ganun din katagal na wala ang mga magulang ko. At ngayon nga, pagkatapos ng mga taon ay babalik na ako sa lugar na matagal ko na rin na hindu nasilayan."