Episode 7

1523 Words
Walang ginawa si Erika kung hindi ang kantiyawan ako buong araw. Kahit sa chat ay panay ang pang-aasar niya sa akin. Kung bakit naman kasi nabanggit-banggit pa ni Agaton ang tungkol sa pagyakap ko sa kanya. Kinailangan kong mag ovetime na naman dahil nga nalalapit ang long weekend. Maraming trabaho ang dapat na tapusin para wala na rin akong masyadong iisipin kapag nasa bakasyon ako. "Miss Joy, uuwi ka na ba? Hatid na ulit kita." Si Sir Agaton hindi ko alam kung saan nagmula. Bakit basta na lang siyang lumilitaw sa harapan ko. "Ay! Hindi na po, Sir!" tigas kong pagtanggit sabay kaway din ng dalawa kong kamay na inaawat talaga siya na ihatid ako. Matapos niya ako pagbintangan na may gusto ako sa kanya ay isinawalat pa sa harap ni Erika ay hindi na ako magdidikit sa kanya. Hindi ako umabot sa edad na ito para lamang madungisan ang pangalan ko at pagbintangan na may gusto ako sa kung sino kaya na lang basta ako nangyayakap. "Bakit sobra naman yata ang pagtanggi mo, Miss Joy? Huwag mong sabihin na talaganga may gusto ka sa akin kaya ganyan mo na lamang akong iwasan?" Gusto na yatang pumutok ng ugat ko sa ulo sa narinig. Bakit parang wala lang sa lalaking ito ang kanyang mga binibitawang mga salita?. Bakit wala lang sa kanya na magbato ng pagbibintang na may gusto ako sa kanya? "Sir, alam mo sumusobra ka na. Bakit pinagpipilitan mong may gusto ako sayo gayong isang daan porsyento na alam kong wala akong gusto sayo," naiinis ko ng sambit. Pero kahit ipinapahalata ko ng naiinis ako ay parang hindi man lang apektado ang boss ko. Hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Para ba siyang isang robot na wala namang pakiramdam pero mapagbintang. "Kung ganun ay bakit ayaw mong ihatid kita? Bakit parang nararamdaman kong iniiwasan mo ako?" mga usisa niya pa. Talaga lang ba? May nararamdaman siya gayong robot siya? "Sir, masyado ka naman pa lang nagpapaniwala sa kung anong nararamdaman mo. Ganyan ka na ba ka desperado sa isang babae kaya pinagpipilitan mong may gusto ako sayo? Excuse me, Sir. Kahit NBSB ako ay wala akong nararamdaman sayo o kahit konting pagtingin. Oo, mabango ka pero hindi ibig sabihin ay may gusto na ako sayo." Tuloy-tuloy kong paliwanag. "Nababanguhan ka pala sa akin kahit wala naman akong ginagamit na pabango." Ha? Ibig bang sabihin ay mabango lang talaga ang singaw ng katawan niya kaya ng naaamoy ko siya ay inakala ko na may mamamahalin siyang gamot na gamit? "Sige na, Sir! Ikaw na ang mabango na walang halong kemikal pero hindi ako magkakagusto sayo!" paninindigan ko. Ngunit mataman akong tinitigan ni Agaton at maya-maya nga ay unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya naman unti-unti rin akong napaatras. "Sir, bakit lumalapit ka?" pag-aalala kong tanong. Itinaas ni Agato ang kanyang kanang kamay. Napapikit na lang ako ng buong akala ko ay kakabigin niya ang batok ko at saka ako hahalikan. "Kinuha ko lang itong dumi sa buhok mo, Miss Joy. Huwag kang mag-alala at hindi rin naman ako magkakagusto sayo kahit lantaran mong sinabi sa mukha ko na NBSB ka pa." Walang gatol ng wika ni Agaton at saka nga ako nagmulat ng mga mata at nakita ko nga ang dumi na kanyang tinutukoy na nasa buhok ko. "Sir, wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko sayo, ano? Sinabi ko lang yon para liwanagin na hindi ako aabot sa edad kong ito kung basta lang ako nagkakagusto sa mga kabaro mo." Giit ko pa. "Hindi pa pala ako basta-basta sa paningin mo?" Napalunok ako sa naging tanong na naman ng lalaking kaharap ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nais niyang ipahiwatig sa mga binibitawan niyang mga tanong. "Hindi mo na naman ako kailangan sagutin, Miss Joy. Lalo pa at hindi naman ako manliligaw sayo dahil ang totoo ay hindi naman ako nanliligaw." Ang hangin talaga ng lalaking kaharap ko kaya napayakap ako sa sarili ko. "Ang lamig. Bakit ang alinsangan naman ng panahon pero biglang may hangin na dumaan, ano, sir?" pang-aasar ko pa. "Alam ko ang ibig mong sabihin, Miss Joy. Alam kong nayayabangan ka sa akin ngunit nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kaya halika na at sumabay ka na sa akin dahil alam naman natin na hindi tayo magkakagusto sa isa't-isa." Sabay agaw pa ni Agaton sa shoulder bag ko. Hindi naman talaga kami magkakagusto sa isa't-isa. Isa siyang robot at ako naman ay gawa sa nililok na kahoy. Pareho kaming walang pakiramdam pero mas walang pakiramdam si Agaton. Kahit yata masabugan siya ng granada ay hindi niya iindahin ang sugat niya sa katawan. "Sir, ang totoo kasi ay may dadaanan pa ako kaya ayokong sumabay sayo," katwiran ko pa. "Daanan natin. Wala na rin naman akong ibang gagawin pa. Pag-uwi ko sa bahay ay matutulog na lang din ako." Napasimangot na lang talaga ako. Ayoko nga na makasabay pa itong si Agaton kung bakit ba pinipilit niyang sumabay ako sa kanya! "Miss Joy, hinihintay mo pa ba akong buhatin ka para sumakay sa sasakyan ko?" Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na nga sa sasakyan. Gusto ko pa ngang magpapadyak at magmaktol pero baka buhatin nga ako ni Agaton. Ngunit pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay may naaninag akong nakatayong tao sa hindi kalayuan. Hindi ko masyadong nakita ang mukha dahil nasa parte siya na madilim pero bigla akong kinabahan na hindi ko mawari dahil alam kong nakatingin siya sa akin. "Miss Joy, bakit bigla ka yatang natahimik? Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" "Hindi, Sir! Gusto ko nga na ihatid mo na ako!" agad kong sabi at saka muling sumulyap sa bintana ng sasakyan para tingnan muli ang taong nakatayo at nakatingin sa akin. "Sir, napansin mo ba na may nakatayong tao sa banda doon? Napansin mo ba kung saan siya nakatingin?" untag ko. "Nakatayong tao? Maraming tao sa paligid natin, Miss Joy." Tugon ni Agaton. Tama naman. Marami talagang tao ang nasa paligid namin kanina pero ng makita ko ang taong iyon ay bigla na lang akong kinabahan at kinilabutan. Parang naramdaman ko doon sa stalker na sumusunod sa akin. "Miss Joy, pahiram ng cellphone mo." Naguguluhan sa sinabi ni Agaton ay kusa naman na kumilos ang mga kamay ko at inabot sa kanya ang cellphone na hawak ko. Kinuha naman ni Agaton at saka siya mabilis na nagpipindot sa touch screen kong cellphone. "Cellphone number ko yan at i-saved mo," sabi niya at saka na inabot ang gamit ko. Syempre lalo akong naguluhan bakit niya pinapasaved sa cellphone ko ang number niya. "Para kapag kailangan mo ng tulong ay may contact ka sa akin." Lalo yatang lumalaylay ang panga ko sa narinig. Anong ibig sabihin ni Agaton at nais niya pang tawagan ko siya kapag nasa panganib ako. "Sir, baka magsisisi ka. Kasi tatawagan talaga kita kapag kailangan ko ng tulong tulad ng kapag paubos na ang budget ko sa pagkain." Pagbibiro ko naman. "Okay lang hindi naman mauubos ang pera ko kahit may kalakasan kang kumain para sa isang babae. Ang mga magagandang babae na nakakasalamuha ko ay napakatamilmil kumain at kulang na lamang ay isang kutsara na lang ang kainin. Pero ikaw ay talagang gusto pa na i-take out ang mga natirang pagkain." Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Napansin pala ni Agaton na malakas akong kumain at na gets niya na gusto ko talagang iuwi ang mga natira namin. "Sir, marami ang mga nagugutom kaya dapat lang na hindi tayo magsayang ng mga pagkain. At saka bayad mo naman ang lahat ng mga iyon kaya karapatan na iuwi. Kung ako lang nga ang nagbayad ng mga iyon ay pati ang mga buto at mga tinik ay iuuwi ko para sa mga aso at mga pusa na pagalagala sa kalye." Pagtatapat ko. "May balak ka bang humabol bilang konsehala o kapitan sa lugar niyo at ganyan ka nagmamalasakit maging sa mga pagalagalang mga hayop?" Umiling ako. "Sir, hindi ba ako pwedeng magmalasakit sa iba o sa mga hayop kahit simpleng tao lang ako? At saka hindi ka plastikan ang ginagawa kong pagmamalasakit ano!" pagtatanggol ko sa sarili ko. Pero biglang sumagi sa isip ko ang binitawang salita ni Agaton. Sabi niya kanina, ang mga magagandang babaeng nakakasalamuha niya ay tamilmil kumain. Ano naman ang ibig sabihin ni Agaton sa mga magagandang babae? Ibig sabihin ba ay nabibilang ako sa mga magagandang babae na yon? Ano ba talaga itong lalaki na ito? Hindi ko talaga siya maintindihan? "Bihira lang kasi ang mga taong nagmamalasakit ng totoo sa kapwa ng walang hinihingin kapalit, Miss Joy." Totoo. Lahat ngayon ay may katumbas na. Kaya nga mahirap ng tukuyin kung ano ba ang bukal ba sa kalooban o may kapalit ang pagtulong na ibinibigay ng iba. "Sir, lumaki ako na tumutulong sa kapwa ko. Kahit ano na kaya kong ibigay basta kaya ko ay tumutulong ako. Wala akong hinihinging kapalit. Kahi ikaw kapag nanghingi ng tulong sa akin ay hindi kita sisingilin kahit alam kong marami ka namang pambayad," wika ko pa kay Agaton. Ganun naman talaga ang pagtulong. Dapat lang na totoo at walang hinihinging kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD