Episode 6

1606 Words
Simula ng maramdaman ko na parang laging may taong nakasubaybay sa akin ay hindi na rin natahimik ang kalooban ko. Lagi na rin akong balisa at laging nag-aalala. "Joy, saan ka magbabakasyon ngayong darating na kapaskuhan? Huwag mong sabihin sa akin na mag-isa ka na lang magdiriwang kasama ng sarili mo?" usisa ni Erika. "Hindi, Erika. Uuwi ako ngayon ng probinsya. Kaya nga panay ang pagtitipid ko kasi gusto kong maraming pasalubong sa mga mangilan-ngilan na lang na mga kamag-anak ko. Hindi ko na nga kilala ang iba pero uuwian ko iyong tiyuhin ko na kapatid ng nanay ko sa unang asawa ng Lola ko." Oo, nakapag desisyon na akong umuwi na ng probinsya para makamusta na ang ilan sa mga kamag-anak ko. At syempre, gusto ko ng makita at puntod ng mga magulang ko na sa paglipas ng mga taon ay hindi ko talaga nagawang dalawin. Lagi lamang akong nagbibilin nga sa tiyuhin ko na sila na muna ang bahala sa himlayan ng aking mga magulang. Ayaw na ayaw rin ng mga kamag-anak ko na umuwi ako para na rin sa kaligtasan ko at naming lahat. Gaya pa rin ng dati, wala ng balita pa si Tiyo sa naging kaso ng pagpatay sa mga magulang ko. Sa totoo lang noong nakilala ko si Sir Dark Lee ay nais kong humingi sa kanya ng tulong. Tulong na nag-alangan talaga akong hingin dahil hindi naman noong isang buwan o noong isang taon lang nangyari ang pagkamatay ng mga magulang ko kung hindi labinlimang taon na ang nakakalipad. Naisip kong pwede akong matulungan ng asawa ng kaibigan kong si Alexis dahil maraming koneksyon si Sir Dark. Pero tulad din ng dati ay mas pinili ko na lang ang manahimik at huwag ng mang abala pa ng ibang tao tungkol sa sarili kong problema. "Mabuti naman pala at uuwi ka na sa inyo, Joy. Matutuwa mga kamag-anak mo niyan. Ano nakabili ka na ng biskwit na nakalagay sa lata o timba?" Nangunot ang noo ko sa tanong ni Erika. "Anong biskwit na nakatimba? Hindi naman lamay ang pupuntahan ko." Reklamo ko. "Sira! Hindi ba at ang uso na pasalubong sa probinsya ay mga biskwit na nakalulan sa lata o kaya ay nakalagay sa timba? Iyong pinipili ko nga iyong wafer o kaya iyong parang oreo cookies." Paliwanag pa ng kaibigan ko. "Hindi na uso ang ganun na pasalubong sa panahon ngayon. Baka nga mamaya ay magalit pa mga kamag-anakan ko sa oras na pasalubungan ko sila ng biskwit," saad ko. At saka magpapasko kaya ang dapat na dala ako ay mga regalo sa kanila lalo na sa pamilya ng tiyo ko. "Maganda nga na umuwi ka na, Joy. Dalawin mo na ang puntod ng mga magulang mo dahil nakakatiyak akong miss na miss ka na nila. Baka nga sa sobrang tagal na hindi ka nagpakita sa kanila ay ikaw ang mapagkamalan nilang multo kahit sila naman itong mga patay na." Pagbibiro pa ni Erika na maaga na naman sigurong natapos sa kanyang paglalampaso kaya maaga pa lang ay narito na naman sa department ko. "Erika, palagay mo ba ay kaya pang malutas ang isang krimen kahit matagal ng panahon ang nangyari?" naging tanong ko dahil nga nananatiling walang malinaw na paliwanag ang nangyari sa mga magulang ko. "Oo naman, Joy. Hindi ba nga at may kasabihan tayo, walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya walang krimen ang hindi pagbabayaran ng mga kriminal. Bakit mo nga pala naitanong? Sino ang nagawan ng krimen. At saka nga pala, paano ka ba naulila agad? Namatay ba sila sa sakit, na aksidente?" usisa pa ng kaibigan ko. Wala kasi akong sinasabi tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko. Ang alam nila ay ulila na ako pero wala silang alam kung paano ako naulila ng sabay sa mga magulang ko. Wari naman akong nabuhayan ng loob sa sinagot sa akin ni Erika. Tama, wala namang lihim na hindi nabubunyag kaya naman patuloy pa rin ako aasa na mabibigyan ng kasagutan lalo na ng katarungan ang karumal dumal na krimen na ginawa sa mga magulang ko. Sana kapag dumating ang mga panahon na iyon ay makilala ko kung sino sila at masampal ko man sila kahit tig-isang beses lang. Kapag nagawa ko siguro na saktan sila ay pwede na rin akong mamatay at sumunod sa mga magulang ko. "Joy, natulala ka naman diyan? Alam mo ikaw parang nararamdaman ko may tinatago ka talaga. Sabihin mo nga, ikaw ba ay mangkukulam na pinaalis sa lugar niyo kaya hindi ka makabalik-balik? Pwede rin na runaway bride ka na tumakas sa araw ng kasal niyo ng kung sinong pinagkasundo sayo kaya natiis mong hindi talaga umuwi?" Natatawa na lang ako sa mga tanong ni Erika. Kahit kailan talaga ay out of this world ang mga pinagsasabi niya. "Totoo, ano? Natatawa ka, eh?" untag niya pa. "Paanong hindi ako matatawa sa mga pinagsasabi mo? Kung mangkukulam ako ay matagal na kitang kinulam. Tinahi ko ang bibig mo para hindi ka na makapagsalita pa. At anong runaway bride? Kakapanood mo na naman ng korean drama series yan!" bulalas ko pa. "Grabe ka naman sa akin, ante. Kung mangkukulam ka nga sana ay ipapakulam ko sayo lahat ng mga crush kong oppa para magpunta dito sa bansa at hanapina ang magandang-dilag na gaya ko. Kahit isa lang, Joy." Nabaliw na naman si Erika sa mga oppa niya. Gusto ko rin naman ang mga korean kaso ay talagang malabo naman nilang magustuhan ang babaeng gaya ko. "Erika, mabuti pa mag-almusal na muna tayo. Bagong sahod ka hindi ba? Libre mo naman ako." Pagyaya ko na sa kaibigan kong baka hindi pa nag-aalmusal kaya kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi. "Wow! Hiyang-hiya naman ako sa pagtitipid mo, Manang Joy? Bagong sahod ka rin at mas malaki ang sinasahod kaysa sa akin kaya ikaw ang manlibre sa akin sa canteen." At saka na kami sabay na bumaba ni Erika para bumili ng makakain. Sa lahat talaga ng pwedeng makasalubong ay si Sir Agaton pa na mukhang may mga sinasabi sa lahat ng building staff. "Good morning, Sir," sabay namin na pagbati ni Erika sa boss namin na ngayon ko lang yata nakita na narito sa kumpanya. "Good morning, Miss Erika, Miss Joy," pormal na sagot ni Sir Agaton na gaya ng dati ay ganun pa rin ang itsura. "Sir, parang may iba sayo ngayon? Bakit ang gwapo mo yata?" pagbibiro ni Erika kaya naman lihim ko siyang nakurot sa tagiliran niya. "What do you mean, Miss Erika? Ibig mo bang sabihin ay hindi ako gwapo sa mga nakalipas na araw?" walang emosyon na tanong ng aming boss. "Hindi naman sa ganun, Sir. Iba kasi ang dating niyo ngayon. Para bang blooming kayo? In love ka siguro, Sir?" patuloy na tudyo ni Erika kaya naman hinila ko na siya at ako na ang humarap kay Sir Agaton. "Sir, huwag mo na lang pinagpapansin itong si Erika. Gutom lang po siya. Kaya nga kami bumaba ay para bumili ng pagkain," paliwanag ko na lang at saka pilit na ngumingiti. "So, hindi talaga ako gwapo sa paningin mo, Miss Joy? Buong akala ko nga ay may gusto ka sa akin kaya ganun ka na lang kasabik ng makita mo ako sa daan." Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko at gustong umusok ng tainga ko sa sobrang inis sa dire-diretsong sinabi ni Agaton na naririnig ni Erika. "Anong sabi mo, Sir? Pakilinawa nga po ang kanina lang ay pagkakasabi niyo? Anong akala niyo ay may gusto sayo itong kaibigan ko?" mga tanong na ni Erika na mula sa likod ko ay napunta na naman sa harap ko "Nasalubong ko si Miss Joy sa labas at kulang na lang ay halikan niya na ako ng lumapit siya sa akin." Patuloy na pa na kwento ni Agaton. Hindi ko akalain na napakadaldal naman ng lalaking banal-banalan na ito. Paano niyang naaatim na paulit-ulit niyang pinaparinig sa akin na kulang na lang ay halikan ko siya gayong nasa delikado akong sitwasyon kaya nagawa ko ang bagay na yon sa kanya. "Talaga, Sir? Ginawa ba talaga ni Joy ang ganun sa inyo?" patuloy pang usisa ni Erika. Tumango na lang si Agaton habang nakatingin sa akin at saka na nagpaalam dahil marami pa raw siyang gagawin Nakuyom ko na lang ang kamay ko dahil sa lahat naman ng dapat makarinig ay bakit si Erika pa. "Grabe! Baklang to, anong dapat mong sabihin sa akin, ha? Ano iyong pinagsasabi tungkol sayo ni Sir Agaton? Bakit bigla ka na lang nangyayakap ng ganun, Joy? Naiintindihan ko naman na nasasabik tayo sa bisig ng mga kalalakihan ngunit huwag naman ganun, ante!" sermon ni Erika. "Sira! Over lang ang pagkakasabi ni Sir Agaton. Hindi ko naman siya muntik ng halikan dahil hinawakan ko lang naman siya sa braso ng mahigpit." May kasama pang aksyon at panlalaki ng mga mata ko ang paraan kong paano ako nagpapaliwanag kay Erika. Sobra lang talaga ang kwento ng Agaton na yan. At grabe rin talaga ang lalaking yon, ano? Akala mo robot na de susi pero may pagkamahangin din pala. Gwapong-gwapo rin pala sa sarili niya. "Inaamin mo talaga na ginawa mo ang mga paratang sayo ni Sir? Joy, anong nangyari sayo? Hindi mo na ba kayang ikalma yang ano mo at basta mo na lang sinunggaban si Sir Agaton ng makita mo sa daan? Nasaan na ang pagkadalang Pilipina mo? Basta mo na lang bang itinapon ng makita mo ang sobrang ayos na buhok ng boss natin?" Bigla kong tinakpan ang bibig ng dalahira kong kaibigan at baka kung ano pa ang masabi niya at maraming nakakarinig. Kahit kailan talaga si Erika! Ang dumi ng bibig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD