January 01 at exactly ten O'clock in the morning. Sa isang silid ay nakaupo sa gitna ang apat na participants habang nahaharap sa tatlong Doctor na kilalang kilala na nila. Nabubuo ang tensyon sa pagitan ng mga mapangakusang tingin at matatapang na mga mata na nagkukubli nang pangamba. Hanggang saan sila dadalin ng kanilang pagpapanggap? Hanggang kailan nila maitatago ang totoo? "You four are the closest participants to Robin, especially this past few days..." malamig, puno ng diin at mapanganib ang boses na iyon na animo'y hindi maaari ang maling pagsagot. "I want you to tell me everything you know... everything that you noticed from her." Tinapos ng isang nangaakusang boses ang sinimulan ng kasama. Sa oras na iyon ay walang lugar ang takot, dapat ay mapanindigan nila ang ang pag