Lakad takbo ang aming ginawa. Ang mga tahol ng aso, mga yabag ng paa nang mga humahabol sa amin ang mas nakapagpapanginig ng bawat kong kalamnan. Ganitong ganito rin noong unang beses ko. A sinubukan tumakas sa kanila at hindi ako nagtagumpay. Ngunit ngayon maaring may pag-asa, hindi ba? Hindi na ako nagiisa. Mabilis akong lumingon sa aking kasama at ibinalik rin agad ang mata sa harapan. Humigpit ang kapit nang aking kamay sa kaniya, takot na mabitawan iyon at tuluyan akong bumagsak sa lupa katulad ng dati, pagkatapos ay muling magigising na nakakulong pa rin sa impyernong ilang beses kong sinubukan na takasan. Ayoko nang isipin na wala na akong pag-asa pang maging malaya. Kung kaya naman nagtitiwala ako sa kaniya. "Faster!" Galit at dumadagundong ang boses na iyon na kahit malayo na k