Unti unti kong idinilat ang aking mga mata, pinapakiramdaman ko ang paligid. Dahan dahan akong tumayo at ang mga mata ay naglandas sa pinto. Nakaharang pa rin doon ang Cabinet na nilagay ko. Sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ng gabi. Dinampot ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. It's past eleven, probably they are asleep. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan, tanda ng gutom.
Ilang sandali ang aking pinalipas, pinakiramdaman kung may tao pa ba sa ibaba. Nang makasigurong wala na ay saka ako tumayo at dahan dahan naglakad. Hirap kong pinilit alisin ang Cabinet na nakaharang sa pintuan; mabigat ito hindi ko alam kung paano ko nakayanan na ilagay doon kanina.
Tahimik ang aking naging bawat hakbang, takot na gumawa ng kaluskos o ingay man lamang. Nang marating ko ang kusina ay nagtungo ako agad sa refrigerator para tumingin ng makakain doon at ng makita ang Adobong baboy na nakalagay sa mangkok at may cling wrap ay agad ko iyong kinuha. Isinara ko ang pintuan ng ref at saka tumalikod na. Nagtungo agad ako sa kinaroroonan ng maliit na microwave at ipinasok doon ang ipapainit na ulam. Muli kong naramdaman ang pagkulo ng aking tiyan.
Napakatahimik ng gabi at ang aking tanging naririnig ay ang mga huni ng kuliglig at kulisap. Marahil ay kanina pa tulog sila Mommy. I wonder, nakita kaya nila ang lalaki na iyon? O baka naman guni guni ko lang iyon? Dahil sobrang stress ako sa Activity ay bumuo ng kung ano imahinasyon ang aking utak? Tumango tango sa naisip, pinipilit pagaanin ang aking kalooban. Tumunog ang microwave tanda na tapos na ang minuto na dapat ipainit iyon.
Hawak hawak ko ang pot holder upang hindi mapaso. Maingat ko iyong binuhat upang hindi dumulas sa aking kamay. Napahinga ako ng maluwag ng mailapag iyon sa lamesa. I was about to sit and start eating when I noticed someone standing in front of me. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng matanto kung sino ang aking kaharap.
"Magandang gabi," sambit niya.
Nabitawan ko ang pot holder na hawak ko sa kaliwang kamay at ang kutsarang hawak ng aking kanang kamay. Pakiramdam ko ay namutla ako at bumaba ang dugo ko sa nakita. Nanginig ang aking mga kamay, hindi ako makapaniwala na siya ay nasa aking harapan. Ang lalaking pinipilit kong isipin na isang imahinasyon at guni guni lang ay nakatayo ngayon sa aking harapan.
Ang gutom na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng takot. Tumama sa marmol na lamesa ang kutsarang aking nabitawan kung kaya lumikha iyon ng tunog. Tumagos ang mata ko mula sa kaniya patungo sa hagdan sa pag-aalalang biglang magising isa man kay Mommy o kay Oscar Lee at maisipang bumaba; makikita nila dito ang lalaking kaharap ko na hindi naman namin kilala.
"Ang iyong pagkain ay maaring lumamig kung ito ay hindi mo pa kakainin," muli ay sabi niya.
Ang kaninang pagkatigalgal ko ay nauwi sa iling.
"S-sino ka ba talaga at b-bakit ka nandito?" Nahihintakutan kong tanong.
Walang nagbabago sa kaniyang ekspresyon, malamig ito at hindi kababakasan ng anumang emosyon na kabaligtaran ko ngayon dahil batid kong nakabalatay ang takot sa aking mukha.
"Ako ang lalaking iyong binigyang buhay. Naririto ako sa kadahilanang ang iyong ina at ama ay nagmabuting loob at ako ay pinatuloy matapos malaman na ako ay walang mauuwian," mahaba niyang paliwanag.
Napigil ko ang aking hininga sa narinig. Kung ganoon, Mommy already knew about him and so as Oscar Lee. Sigurado akong bukas, hindi na nila ako tatantanan. Itinulak ko ang upuan na gamit ko at mabilis na tumakbo paakyat. Sa takot na maabutan niya ako ay inisang hakbang ko ang tatlong baitang ng hagdan para lamang mabilis na marating ang aking kwarto. Isinara ko pabalya ang pinto at ni-lock iyon. Hingal na hingal ako at hinahabol ang hininga dahil sa pinaghalong pagod at kaba na nararamdaman.
"What should I do now? Should I scape?" I absentmindedly asked myself.
What the hell am I supposed to do? Akala ko ay bukas o sa makalawa ko pa ito magiging problema subalit mahal na mahal nga yata ako ng kamalasan dahil kahit saan ako pumunta ay sinusundan ako nito.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pag-iisip. Kinabukasan nagising na lamang ako sa mga katok ni Mommy.
"Robin, breakfast is ready. Sabayan mo kami," she said calmly, parang hindi ako kakastiguhin paglabas ko.
Umiling iling ako. Hindi ako lalabas. No way!
"I'm busy... I don't want to go out and see anyone... Mom," humina ang mga huling salita na aking sinambit. I heard her sigh.
"Okay. I'm going to bring you a food," she said before I heard her footsteps.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na niya ako pinilit pa. Ilang minuto ng nakalipas ay muli siyang kumatok.
"Robin, ito na ang pagkain. Open your door." Kalmado pa rin ang boses niya.
Tumikhim ako saka medyo nilakasan ang boses. " Leave it at the door. I'm going to get it once you leave," I said.
Hindi ako nakarinig ng tugon ilang sandali bago ko sabihin iyon.
"Mom? Still there?" I asked. Walang sumagot doon kaya naman dahan dahan ko binuksan ang pinto, sumilip muna ako upang makasigurado na wala na siya.
Tahimik ang kabilang kwarto at sa ibaba lamang ako nakaririnig ng ingay. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Yumukod ako at kinuha ang pagkain sa lapag. May gatas, tubig, sinangag na kanin, itlog, bacon at hotdog. Typical filipino breakfast. Ipinasok ko iyon at inilapag sa lamesa sa loob ng aking kwarto tapos ay binalikan ang pintuan para i-lock muli iyon.
Binuksan ko ang TV at saka nagsimulang kumain. Sinubukan ko namnamin ang ganda ng umaga kasabay ng masarap na pagkain at magandang palabas subalit ang aking isipan ay naglalayag sa kung ano ang mangyayari ngayon? Sigurado ako na nasa ibaba ang lalaking iyon dahil siya ay kinupkop ni Mommy. If only I can tell them that he's a dead one pero sigurado ako na alam na nila iyon at haharapin ko na ang consequences ng nagawa kong pagkakamali. What's worst is that, maybe there would be plenty of Doctors who will investigate me because of what I've done.
Nakalipas ang tanghali na hindi ako lumalabas. Tahimik lamang ako sa kwarto na nakahiga na nag-iisip o 'di kaya ay nanonood pero naglalayag pa rin ang kaisipan. I heard Mommy and Oscar when they are talking while they are on their way to their job. Maaring ako at ang lalaki lamang ang nandito. Or at least that's what I thought.
"Robin, anong gusto mong meryenda?" Dinig ko ang pagkakalmado ng boses ni Mommy na aking ipinagtataka. Is she trying to get me through this?
"I don't want anything..." I coldly said.
"Rob, is there a problem? Aren't you going to your School to enjoy your last day as a student?" She asked worriedly which worried me too.
"I just want to stay here, Mom." I said.
Nakarinig ako ng paghinga na tila pagod siya. Wala akong nagawa kundi lumabi.
"Basta lumabas ka kapag okay ka na. I want you to meet someone," sambit niya bago tuluyang umalis.
Nakahinga ako ng maluwag pero nang maalala ang huli niyang sinabi, muli akong kinabahan. She want to introduce that man and I don't want to see him. What the hell?
Lumipas ang araw at naging linggo, hindi ako lumalabas. Kahit magpaalam kay Clarissa ay hindi ko na nagawa. Paano ko mag-aapply ng trabaho kung takot akong lumabas dito? Buryong buryo na ako at gusto man lang makalanghap ng sariwang hangin subalit naiisip ko pa lamang ang mangyayari sa sandaling makaharap ko silang tatlo ay pinanghihinaan na agad ako ng loob. I didn't expect this. I don't want that to happen.
Mommy keep on putting up with me this week. Alam kong nagtataka at naiinis na siya sa inaasal ko but she can't blame me. Ang kaso naisip ko, kung magtatago ako sa kwartong ito, hanggang kailan? Should I kill that man instead? Hindi ba at patay na rin naman siya kaya that's not illegal?
Huminga ako at napalabi. "But I'll use this ability again and I'm sure Mommy will bring me to the Hospital because of this," bulong ko. Nangako ako na hindi na gagamitin pa ang kung ano mang kaya kong gawin subalit hindi ko iyon natupad.
Nagpapadyak ako sa inis at prustrasyon. Sa paanong paraan ko ito mareresolba? Isang katok mula sa pinto ang nagpatinag sa akin.
"Robin? Can I come in now?"
As usual Mommy on her calm but still worried tone. Is this the time? Hindi na ba nila makayanan na hindi ako tanungin. I sighed. Maybe I should tell Mom and answer whatever she asks and then I'll do my best even beg for her so she won't let me get back to that hell.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang may nag-aalalang mga mata. Sinalubong niya ako ng ngiti ngunit alam kong hindi iyon totoo. Niluwagan ko ang bukas ng pinto at pumasok siya mula roon. Diretso sa kama ay umupo siya at hinintay ako.
Tinitigan ko muna siya bago ako nagtungo sa may harap niya at umupo. Nakasilip sa mukha niya ang kaunting kakuntentuhan dahil siguro hinayaan ko siyang makausap ako. Umiwas ako ng tingin at napalunok. This is it. I can do it!
"What's the problem, Robin?" Pag-uumpisa niya.
"Is there anything wrong? May kakaiba ka bang nararamdaman?" Bumakas na ang pag-aalalang kanina niya pa itinatago.
Umiling ako, ilang beses dahil gusto kong pawiin ang pag-aalala niya.
"Then why are you shutting us down again, honey?" I don't know if it is what I heard but I can sense pain on her voice. Lumunok ako sa bumuka ang bibig ngunit wala namang lumabas na salita doon.
What am I supposed to tell her?
I heard her sigh and scanned my room. She smiled when she saw our pictures together hanging on my wall.
"Look how innocent you are there, Robin." she said. Tinignan ko ang itinuro niya. The picture we took when I was ten years old and I brought her to a mother and daughter day.
"Do you want the old me?" I said. I don't know why I asked that. Maging ako ay nagulat sa sariling kong tanong.
She looked at me worriedly.
"I want you now even back then, Robin. Mommy loves you more than anyone else in this world," she said.
Umiwas ako ng tingin, nakakaramdam ng pagkapahiya. I defied her and even get mad at her even though I knew it was not her intention to make me experience those things.
"Do you feel sick, honey?" Kinapa niya ang leeg ko para tinignan kung may lagnat nga ba ako o kung ano.
I took her hand and hold it tight.
"Mommy, what if I committed a mistake, what will you do?" I asked nervously. She look at me intently and smile.
"I will try my best to understand you, Robin. Whatever it is."
"What if the mistake I did is same as what I did to daddy? What if it's all about life and death again?"
She shooked her head, still keeping her smile. "Whatever it is, Robin. Mommy will forgive you whatever it is."
Tumulo ang luha ko sa aking kaliwang mata. Nasasaktan sa naririnig.
"Aren't you going to give me to them?" My voice is shaking as I asked her that question. Kumunot ang noo niya.
"Give you to whom?" She asked.
"To the Doctors. Aren't you going to surrender me?"
She sighed after her my question.
"Robin... I know how much you loathed me for that and up until now I can feel it. Kaya naman pinilit kong maialis ka doon. Pinipilit kong palitan ang masasakit na alaala mo doon, anak," hinaplos niya ang aking pisngi, itinabing ang kumawalang buhok sa aking tainga.
"I won't give you to them anymore. Oscar and I already agreed to this so you don't have to worry about that." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang kaniyang sinabi.
Iisa na lamang ang katanungan na nasa aking isipan ngayon. What about the man outside. Hindi niya ba alam na ako ang dahilan kung bakit nabuhay ang lalaking iyon? Did he keep it as a secret?
I look at Mommy, tinatantiya kung ayos lamang na maitanong iyon.
"Mom?" I hesitately asked.
"Hmmm?" She hummed.
"What... what about the guy..." Hindi ko na natapos ang aking sinabi ng suminghap siya.
"Oh my God! You met him? Did you got scared that's why you locked yourself here?" She extremely asked.
Nangunot ang noo ko? Kung ganoon, hindi niya nga alam na may kinalaman ako sa lalaki sa ibaba. Ang mabigat na tila nadagan sa dibdib ko ay parang biglang nawala. Mabuti na lamang at hindi sinabi ng lalaking iyon kay Mommy ang totoo. Ngunit ang labis kong ipinagtataka ay kung bakit? Hindi kaya may iba siyang binabalak?
"Honey, did you? Tell me, you got scared by him?" Hindi ko na namalayan na kanina pa ako tinatawag ni Mommy at nang mapansin na wala sa kaniya ang aking atensyon ay agad niya akong hinawakan sa mga balikat ko. Umiling ako ng ilang beses, ang utak ko ay nasa katanungan pa rin.
"A-ayos lang ako, Mommy. N-nagulat lang ako kasi... may iba tayong k-kasama," utal utal kong sambit.
Napahinga siya ng marahas.
"He's a man we found outside. Walang saplot o kahit na ano at ng tanungin namin sinabi niya na wala siyang mauuwian kaya pinatuloy muna namin," paliwanag niya.
"Mommy, what if... what if he's a bad guy pala at nagp-pretend lang na walang mauwian—" pinutol ni Mommy ang aking sinabi.
"He doesn't remember his name, anak. He said nagising na lamang siya ng ihagis siya ng dalawang tao sa ilog at mabilis daw na umalis ang sasakyan na ginamit para madala siya sa bayan natin."
Natahimik ako sa sinabi ni Mommy. So he made a lie about himself. Hindi niya ako nilaglag.
"You want to meet him now?" She asked.
Wala sa sarili akong tumango. I need to talk to him so I can sort things out. Sa ngayon aalamin ko muna kung wala nga siyang sinabi kay Mommy or Oscar Lee about the truth. It's not that I want him to lie but I had no choice. I'm still not sure kung ano ang mangyayari once na sabihin niya ang katotohanan.
Bumaba kami ni Mommy dahil napagkasunduan na ipakilala siya sa akin. I saw Oscar Lee on the living room, nanonood ng isang Science fiction na palabas. Pumasok mula sa labas ang lalaking iyon. Nanlaki ang mata ko, hindi pa rin sanay sa kaniyang presensya. Hindi ko siya nakitaan ng emosyon sa mukha. Hindi man lamang natatakot o 'di kaya ay nababahala. This is so unfair!
"Oh, here you are," Mommy interfere when she noticed how intense we are.
"This is Robin my daughter," Mommy looked at me and then continued, "and this is the man we saw that night, Rob. He doesn't remember anything so as his name, so..." Mommy laughed awkwardly.
"Magandang araw sa iyo," tulad ng dati tila makata ang kaniyang pagsasabi. Tagalog na tagalog.
Tinignan ako ni Mommy, tila nagsasabing bumati ako pabalik.
"G-good... afternoon," nangingiming sambit ko. Mukha namang naging dahilan iyon ng pagkapanatag ni Mommy.
"Don't worry. Kapag nakaalala na siya ay ibabalik natin siya sa pamilya niya. For now, I think we should keep him since base sa kuwento niya, someone wants him dead," paliwanag pa ni Mommy trying to make me understand why that man will stay here.
No, Mommy he's not telling the truth.! He's already dead. Although I want to voice that out but I can't since I'll be in trouble too. Tumikhim ako at tumingin kay Mommy.
"Can I talk to him for a minute, Mom?" Tanong ko. Nanlaki ang mata ni Mommy pagkalipag ng ilang sandali ay tumango. Mukha siyang natutuwa dahil sa aking sinabi.
Lumakad ako at pumunta sa labas, dama ko namang nakasunod siya sa akin. Diretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang gitna ng tulay kung saan aksidente ko siyang nabuhay.
Huminga ako ng malalim at hinintay siya na tuluyang makalapit. Tinitigan ko siya. Wala naman sa mukha niya na gagawa ng masama ngunit wala rin sa mukha na gagawa ng mabuti. Kumbaga, hindi pa rin mapagkakatiwalaan.
"Bakit hindi mo sinabi kay Mommy at sa lalaking iyon ang totoo?" Tanong ko. Hindi ako nakakuha sa kaniya ng sagot kahit ilang sandali na ang lumipas.
"Naiintindihan mo ba ako? Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo? Na ako ang may gawa sa iyo niya—" natigil ako ng bigla siyang magsalita.
"Sapagkat alam ko na hindi mo ito gusto pang malaman nila. Kung may nararapat na sa kanila ay magsabi, nakasisiguro akong ikaw iyon," sambit niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa narinig. Ang kaniyang uri ng pananalita ay isang dahilan kung bakit hindi ko siya mapagkatiwalaan.
"Kung ganoon, sino ka talaga? Anong pangalan mo?" Tanong ko.
Mataman niya akong tinitigan bago sumagot.
"Ikinalulungkot kong sabihin na hindi ko maaring ibahagi sa iyo ang aking pagkakakilanlan subalit maari mo akong bigyan ano man ang gusto mong ngalan." Ang boses niya ay matatag, para bang walang makakatibag ng ginusto niya.
Sabagay, I have no rights to force him. An idea came into my mind.
"Paano kung alipin ang itawag ko sa iyo?" I smirked after I said that but it totally vanished when he nod his head.
"Kung iyon ang iyong kagustuhan ay akin itong igagalang," mahinahon niyang sambit. Umani sa akin iyon ng pagak na tawa at ngiwi.
"Tsk. Even your way of talking is annoying," I murmured.
Ilang sandali kaming tahimik. Hindi ko alam ano ang kaniyang iniisip habang ako ay nagaalala kung paano ko siya pakikisamahan sa magdaraang araw at higit pa dahil alam kong kailanman hindi siya makaaalala.
Mommy called us para ipatikim ang kung ano mang niluto niya. She seemed so excited. Hindi ko iyon balak sirain. Nauna akong lumakad pabalik. Mommy asked me where's the man.
"That slave will be here in any minute, Mom," I said harshly. Nanlaki ang mata ni Mommy at nilingon at pintuan bago sa akin muling bumaling.
"Robin, your mouth. Don't call him that way!" She hissed.
"What way?" I asked innocently.
"Stop calling him a slave," she added.
Ngumuso ako, "sabi ko Sleav hindi slave," pagtatakip ko sa sinabi. Who knows that Sleav will be his name just because I used that as my way out.