Weeks had passed and I encounter difficulties in terms of the subjects and my fellow students. Clarissa and I got close and has more interaction. She also introduced me to her friends. May ilan akong nakakausap at ilan naman ay malayo ang loob sa akin but that's fine with me becase Clarissa always makes me feel comfortable.
Mommy is happy to know that, bukod doon natutulungan din ako ni Clarissa sa mga subject na hindi ko maunawaan ng maayos. Kahit magkahiwalay kami ng Schedule at tatlong beses lang magkasama, maituturing kong unang kaibigan si Clarissa. Nakakausap ko na rin paminsan minsan ang boyfriend niya. Kahit papaano ay nagkaroon ng kulay ang buhay estudyante ko. In terms of subject naman, I can really tell that engineering is really a difficult course, I mean ang matatalino yata talaga ang dapat doon. Frustrated na ako sa kaiisip ng isasagot sa mga tanong, tulad na lang ngayon na hindi malaman kung paano nakuha ang sukat ng mga ito. Inis kong ginulo ang buhok ko.
"Why the hell this is so hard?" I murmured.
Bumaling baling ako matapos magpakawala ng ilang mararahas na buntong hininga. Mommy doesn't know anything about this at kahit pa may alam si Oscar Lee ay hinding hindi ako hihingi ng tulong. But what the hell should I do with this?
Lumipas ang ilang araw na puro walang nagagawa at naiintindihan. Mukhang mali ako ng desisyon. Minsan sa lahat ng tanong, Google ang sumasagot at kahit ganoon ang nangyayari, wala talagang pumasok sa utak ko.
"Robin, how's your days going?" Oscar Lee broke the silence one night we are having a dinner. Tipid akong ngumibit.
"It's a bit fine and a bit frustrating..." I answered.
"Why? Nahihirapan ka ba sa course, anak?" Mommy asked.
Tinignan ko muna siya ng matagal bago dahan dahang tumango.
"I don't think I can survive," sagot ko. I heard Oscar Lee snickered.
"Use your ability, Rob. Hindi naman kalabisan iyon. Besides, that's how life works," sambit niya na hindi ko nagustuhan.
"I want to live a normal life kaya bakit ko gagamitin ang abilidad ko?" May inis sa tono ng boses ko.
"You can live a normal life even after doing and using that, Robin. Iyon ay kung ayaw mo lang naman ma-frustrate ng sobra dahil sa pag-aaral mo. "
Binitiwan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko bago sa kaniya tumingin.
"Do you really think it's that easy? Kapag nalaman ng lahat dito ang kakayahan ko, problema na naman iyon and I'll end up with no place to go but in that Hospital again." Sandali kong tiningnan si Mommy bago nagpatuloy.
"Maybe that's what you really want, right? Ako ang unang sumuko because in the first place, wala naman talaga sa plano niyo na pakawalan ako," may diin ang bawat kong salita na umani ng singhap kay Mommy at pagkatigalgal mula sa kaniya.
"Robin, that's too much. Don't accused him of those things. Your tito Oscar loves you as his own," Mommy dramatically said. Umirap ako dahil doon.
"Ayoko ng kumain," pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at umakyat.
Hindi ko alam kung bakit napakadali kong mainis kapag si Oscar Lee na ang kausap, para bang ang lahat ng kaniyang sasabihin ay masama para sa akin.
Ilang sandali pa lamang ay narinig ko na ang katok mula sa labas na sinundan ng boses ni Mommy.
"Robin, can I come in?" I heard hesitation on her voice.
"The door isn't lock," I said. Pumihit ang seradura nang pinto at bumukas iyon, iniluwa si Mommy na may dalang gatas sa isang kamay.
Ngumiti siya sa akin at inilapag ang gatas sa lamesa bago umupo sa kama. Nakahiga ako habang siya ay nakaupo. Kinuha niya ang kamay ko at pagod na nagpakawala ng isang buntong hininga.
"You tired?" she gently asked. Tumango ako saka muling bumaling ang tingin sa kisame.
"I'm sorry if you feel offended about your tito Oscar's idea. He just want to make everything easy for you," sambit niya. Umirap ako sa kawalan.
"It's never been easy back then—no... It will never be easy," I told her. Lumamlam ang mga mata niya.
"Do you want to change course?" She asked.
Tahimik lang ako at hindi alam ang sasabihin. Gusto ko ba? Of course lalo na at mahirap pero mapupunta ako sa pagtuturo, mas ayaw ko.
Mararahas na buntong hininga muli ang aking pinakawalan. Panibagong kurso, panibagong pera. Lahat naman ginagastusan and I'm very sure Mommy pulled some strings so I can enter that University dahil nga late na ako.
My thoughts are, I already know I won't excel on those two at kung ipagpapatuloy ko naman ang kursong ito, wala ring kahihinatnan. Sa tingin ko mas pahihirapan ko lamang si Mommy. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at binalingan siya.
"What if magtrabaho nalang ako?" sambit ko. Nanlaki ang mga mata niya matapos marinig ang aking tinuran.
"Robin? You shouldn't. Dapat mag-aral ka. Hindi mo kailangan magtrabaho dahil kaya ko pa naman tustusan ang pangangailangan natin." I heard the frustration on her voice.
"Mom, I don't think I can survive Engineering so as Education, magsasayang lang ako ng pera. Besides, hindi naman ako magtatrabaho dahil iniisip kong hindi mo na kaya. I want to work kasi normal din iyon diba?" My voice is almost pleading her to understand my point.
"Baka mas maging madali para sa akin mamuhay ng normal kung hindi ko pahihirapin ang sitwasyon. Besides hindi ko alam kung ilan taon lang ang kaya ko itagal at ayaw ko na sayangin ang pgakakataon na maging masaya sa ginagawa." Nahihirapan kong paliwanag.
"Baka ito ang best para sa akin, Mommy." Mahina kong sambit hindi tulad kanina na nagpupumilit.
Nakita ko kung paano lumaglag ang luha sa kaniyang mata. Nangunot ang noo ko sa labis na pagtataka. Pinahid ko ang luha na naglandas sa pisngi niya. One of my weakness is seeing my Mom crying. Suminghap siya at mas lalong humigpit ang hawak sa aking kamay.
"Robin, hindi mo kailangaan na isipin kung hanggang kailan ka tatagal," ipinagsalikop niya ang kamay namin, "Maraming taon ka pa mabubuhay, anak."
"Pero Mommy--" she cut me off.
"Pero tama ka, dapat hindi na maging mahirap sa iyo ito kasi sapat na ang ilang taon mong paghihirap doon. I am very sorry, Robin, if mommy made your life difficult to live with. I promise I will do my best now to make it more easier for you."
Lumipas ang gabi namin na napagkasunduan ang pag-alis ko sa School pagkatapos ng buwan na ito. Mommy said I should enjoy the last three days of me being a student. She said enjoy and how can I do that now? Tambak ang activity na ibinigay sa amin?
I did nothing to flip the pages of the photo copied example of the activities in different major and minor subject after doing that and repeatedly realized I can't do anything, I'll let out a deep breathe.
Someone laughed behind me. Nilingon ko iyon at natagpuan si Clarissa na mukhang nage-enjoy sa nakita. Hindi tulad ng nakagawian, hindi nya kasama ang boyfriend niya ngayon na si Harry.
"Stress ka na ba?" Pabiro niyang tanong habang inilalapag ang dalang mga pagkain at inumin kasama ang kaniyang bag. Tumango ako upang sumangayon sa kaniyang sinabi.
"Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko, Clarissa," mahina ang boses ko nang sinabi ko iyon. Napangiti siya.
"Ako rin, e. Minsan nga gusto ko na lamang ibalibag ang mga aklat at ilang papel na may kinalaman sa Engineering," natatawang wika niya. Ngumuso ako at tinignan siya.
"Mukha namang hindi. Ang ganda mo pa rin at parang hindi ka naman nahihirapan dahil matalino ka at mabilis ma-pick-up ang mga bagay bagay. Unlike me, " reklamo ko.
Iwinasiwas niya ang kamay na may straw sa kawalan. Inayos niya ang mga pagkain sa harapan namin. Ito ang nakasanayan niyang gawin habang ako naman ay nasanay na umupo sa bench kung saan kami unang nagkakilala.
"Alam mo, kahit ano namang reklamo natin at the end of the day, gagawin pa rin natin ang best natin para matapos ang activities kaya hindi na ako nagrereklamo. " Paliwanag niya.
Bumuntong hininga ako. "I won't answer this anymore, last week ko na rin naman," bulong ko. Natigilan siya doon.
"What do you mean?" Nakakunot na ang noo niya at kuryusong kuruso ang itim na itim na mata.
Nagkibit balikat ako,
"Hindi ko kaya ito, Clarissa. I already told my Mom that I want to quit." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ako.
"Ano ka ba! Sayang naman kung susuko ka..."
Umiling ako para ipakita ang hindi pagsang-ayon.
"Mas sayang kong ipipilit ko tapos wala ring kapupuntahan. Isa pa, hindi ako nage-enjoy sa ginagawa ko. I just want to do something that can make me happy."
Dinampot ko ang Chuckie na inihanda niya sa harapan ko; Uminom ako doon saka muling nagsalita.
"Sa ilang taon kong pamumuhay, ngayon lang ako nagkaroon ng chance magawa ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin kaya naman ayoko limitan ang sarli ko. I don't know how long my life will last kaya naman I want to take the oppurtunity to be happy," paliwanag ko sa kaniya.
Nginitian ko siya na nakatingin sa akin ang malungkot na mga mata.
She let out a deep breathe bago ilang beses na tumango tanda ng pagsang-ayon.
"Hindi ka nga pala normal tulad namin. You experienced the worst at baka mamaya bumalik ang sakit mo dahil sa stress about sa mga activities, I guess you are making the right choice."
Napangiti ako ng tipid. She knows that I am a cancer survivor nga pala.
"Tara kumain na nga tayo. Itabi mo na iyang mga iyan," tukoy niya sa mga papel na dahilan ng pagsakit ng aking ulo.
"Let's enjoy your last remaining days. Next week pa naman siguro iyan ipapasa and diba quit ka na noon, right?" Tumango ako.
"Right!" I said while looking at my paper frustratingly. I also thought next week ang pasa nito kaya akala ko ay petiks na lamang ako. Who the hell would thought na susungaw ang professor namin sa pintuan upang ipahabol na last day of these week niya iyon kukuhanin sa amin.
Ipinasag pasag ko ang paa sa tubig at agad ding tumigil ng matalsikan ng ilang patak ng tubig ang mga papel. Pinukpok ang sarili kong ulo dahil sa inis. Nakaupo ako ngayon sa gitna ng tulay at doon nakalatag ang mga papel na kailangan ko sagutan. akala ko kahit papaano makakakuha ako ng sagot dahil tahimik. Wala sila Mommy dahil may kinailangan bilhin sa bayan.
"What am I supposed to do with this s**t?" gigil kong sambit.
"Mommy doesn't know this, nagtanong na ako kanina," naiiyak kong pagkausap sa sarili na wala naman ding naitutulong.
Bakit ba ganito kahirap ang bwisit na Calculus na ito? I wonder ano ang ambag nito sa pag-gawa ng bahay?
I groaned. "What am i supposed to do now? terror pa naman si Mrs. Ligman at alam kong hindi ako makakaligtas kahit pa baguhan lang ako." Tamad at nawawalan ng pag-asa kong tinignan ang hawak kong papel about Calculus. Kung bakit ba kasi hindi ko maintindihan kahit ilang beses siya magpaliwanag. Siguro dahil matanda na ito at alam ko ay ilang taon na lamang bago mag-retire.
Oh God help me with this. "Patay ako sa biyernes once na wala akong maipasa." bulong ko. Ayoko naman na ikatwiran na aalis na rin ako sa Lunes once na simulan na niya ako pagalitan sa harapan ng klase.
Everyone in my Calculus class always talks about how strict Mrs. Ligman is. Wala raw patawad at namamahiya talaga kahit pa anak ng Teacher iyon. Ayoko namang dumating sa point na masagot ko siya at isipin ng lahat na spoiled brat ako. Isa pa, aalis na lang ako sa University, ayoko na mag-iwan pa ng bad image.
"Why is this damned subject is hard? Mas mabilis pang bumuhay ng patay kaysa sagutin ito," pagkausap ko sarli ko ilang sandali matapos ko subukan muli intindihin ang hawak na papel.
"Can I just summon a fairy tapos ipapasagot ko ito?" Tanong ko sa sarili saka bahagyang tumawa.
"I therefore summon whoever on Earth can answer this Calcuculushit, " kunwari ay malaki ang boses ko tulad ng mga antagonist witch sa mga napapanood kong movies.
Humagikgik ako sa pinag-gagagawa.
"Serve your Queen, hurry up and arise!" ipinukpok ko sa tulay na kahoy ang ballpen ko at kunwari ay lumikha ng tunog ng tambol.
Tumawa ako ng tumawa dahil doon. hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at naisipan umarte.
"Siguro bagay sa akin mag-artista na lang," natatawa kong sambit sa aking sarili.
Ilan pang beses ako umarte doon na para bang nasa isang shooting bago inabala ang sarili sa muling pag-unawa sa activities. It's around five o'clock at nasabi ko sa sarili kong dapat na pumasok sa loob.
I was about to get up and collect my things when the water began boiling.
Nangunot ang noo ko. Nagkakaganito ba ang lawa? As far as I remember, hindi naman.
Lalong lumaki ang pagbula noon at kalaunan ay naging pabilog ito na akala mo ay ipo-ipo ang nangyayari. Dumagsa ang kaba sa aking dibdib sa takot na baka ipo-ipo nga ito at mag-isa lamang ako.
Mabilis kong dinampot ang aking mga kagamitan. Sa kamamadali ay nagkalaglag ang iba sa tubig, dala ng takot ay hindi ko na sinubukan pang kuhanin iyon at mabilis na naglakad patungo sa bahay ngunit nang matanto na napapalibutan iyon ng lawa na ngayon ay kumukulo, mabilis akong pumihit at saka tumakbo patungo sa kalsada.
Walang pagsidlan ang aking kaba. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nainis ako sa haba ng tuluy na ito. Sinikap kong maging mabilis ang aking pagtakbo. Ilang hakbang na lamang bago ako makatapak sa kalsada ay nagtalsikan sa akin ang tubig dala ng pagsabog.
Ang aking mga gamit ay basang basa ngayon. kahit na nababahala ay nilakad ko pa rin ang ilang hakbang pagitan ko mula sa kalsada. Napansin kong maging dito ay umabot ang talsik ng tubig. Nang maabot ko iyon ay unti unti kong nilingon ang tulay na pinanggalingan ko kanina.
Ang kaninang pangamba ay lalong dumagsa ng makita ang isang lalaking nakatayo doon. Kahit pa nakaharang ang iilang strands ng mahabang buhok sa kaniyang mukha, alam kong nakatingin ito sa akin. Nanginginig akong umusal dala ng pagtataka.
"Who the hell is he and how did he get there?"
Humkbang siya palapit sa aking kinaroroonan. Ikinabahala ko iyon. Kinalap ko lahat ng lakas ng loob na mayroon ako.
"Huwag kang lalapit. diyan ka lang!" sigaw ko. Tumigil sya dahil doon.
"What are you doing there, huh? Trespassing iyan." dagdag ko.
Wala siyang kasuotan, lantad na lantad sa mata ko ang kaniyang katawan. Ako ang nakaramdam ng hiya dahil doon.
"Mister, I don't know how did you get there or who are you but you can leave now before I call the police!" Nanginginig pa rin ang boses ko dahil sa kaba.
Hindi siya nagsalita kahit isang beses. Nakatingin pa rin sa akin habang nakatayo roon. For how long is he going to stand there? Isa pa, saan nga ba talaga siya galing?
Bumaling ang tingin ko sa hawak kong mga papel na basang basa. Nilingon ko ang kinalalagyan niya tapos ay ibinaba ang papel sa semento. Iisa lamang ang nabuo sa kaisipan ko ngayon, I should know who he is and why is he there, bago pa makauwi sila Mommy. Hindi ako dapat matakot because kaya kong protektahan ang sarili ko against him. Iyon ang itinataktak ko sa isip ko. Gayunpaman, kahit na iyon ang pinanghahawakan ko, nakaramdam pa rin ako ng panginginig ng tuhod ng magsimulang humakbang patungo sa kinaroroonan niya.
Ilang paglunok ng sarili kong laway ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa harap niya. Tatlong hakbang ang layo niya sa akin; hindi pa rin natitinag.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Mister, I... I think you should go now before my parents arrive," I tried relaxing my voice pero hindi ko alam kung paano lumabas iyon.
"Ahm, you're blocking the way to my house and this is actually considered as trespassing—" natigilan ako ng bigla siyang magsalita.
"Bakit?" Napipilan ako sa iisang salitang binanggit niya. Malamig ang boses niya at malaki; lalaking lalaki.
"Anong bakit? H-hindi kita naiintindihan, Mister," paliwanag ko.
Ang aking mata ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Hindi bumaba o naglalandas pa sa ibang bahagi ng katawan.
"Bakit mo ako binuhay?"
Parang napigtal ang aking hininga sa narinig. Anong ibig niyang sabihin?
"Mister... mukhang nagkakamali ka. Saan ho ba kayo nakatira? Para ho masabi ko sa police," sambit ko nang maisip na dapat na ako tumawag ng police dahil baka isa siyang lalaki na may problema sa kaniyang pag-iisip at nawawala lamang.
Nanginginig man ay sinimulan kong hanapin sa contacts ang contact number ng police ng bigla siyang magsalita.
"Wala na akong tirahan," giit niya. Tumango ako, hindi pa rin naniniwala.
"Paano ka nakapunta dito, Mister? H-hindi kita nakitang dumaan o nakasalubong ko... man lang?" tanong ko na naguguluhan.
"Ako ay iyong tinawag. Binigyan muli ng buhay kung kaya ako ngayon ay nasa iyong harapan," tila makatang paliwanag niya.
Nanlalaki ang mata ko, pinipilit intindihin at iproseso sa aking utak ang kaniyang sinabi. He just said I gave him life? That I am the one who called him? Naalala ko ang mga sinabi ko kanina sa pabirong paraan. Did I just mistakenly called a fairy?
"Isa kang diwata o engkanto?" Wala sa sariling tanong ko.
"Isa akong tao. Ikaw ang tumawag sa akin at nagbigay ng buhay sa patay kong katawan."
Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang sinasabi niya. Did he just said that I made him or... I summoned him?
"P-patay ka na ba?" Nahihintakutan kong tanong. Umaasa na baka hindi ang kaniyang sagot.
"Sa lawang ito nahihimlay ang aking katawan at ginising ako ng iyong mga salita," muli ay sambit niya.
Nalunok ko ng ilang beses ang aking laway. Hindi alam kung maniniwala sa aking naririnig mula sa lalaking bigla na lamang lumitaw sa aking harapan. Kung ganoon, ako rin ang may kagagawan ng pagbabago ng timpla ng tubig kanina. Sa hindi sinasadya, natawag ko siya?
"I brought you back to life by a mistake," I murmured.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan na papalapit. Mommy and Oscar Lee is here! I made a mistake and that means, I will be interrogated by that man again. He will bring topics that will make me lose my control. Kapag nangyari iyon, tuturukan na naman nila ako ng gamot.
Halo halong senaryo ang nabubuo sa utak ko na noon ay nakita ko na. Sa takot ko na makita ako ni Mommy sa harap ng lalaking hindi namin kilala, dali dali akong tumakbo patungo sa bahay. Isinara ko ang pinto at ni-lock iyon. Iniharang ko ang isang maliit na cabinet na hindi ko alam kung paano ko nakaya itulak patungo sa pinto.
Hinihingal akong umupo sa gilid ng kama; iniisip ang mga nangyari. Naglandas ang luha sa aking mga mata. If Mommy find out about this, sigurado ako na makakarating kay Oscar Lee at sa iba pang Doctor sa Hospital na pinanggalingan ko.
Ilang taon na ang nakakalipas ng hindi ko nagamit ang aking salita at nakagawa ng ganito. Ngayon, posibleng mabago na naman ang lahat dahil sa pagkakamali. Ang kaninang tahimik kong pag-iyak ay nagkaroon ng ilang hikbi.
Pigil na pigil ko ang aking hininga. Nakatitig ako sa pintuan, takot na bigla iyong bumukas at iluwa si Mommy.
"What should I do?" I keep murmuring. Dahil sa pagod at pag-aalala, tuluyan akong hinatak ng antok at kusang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.