"How does it taste, Honey?" Mommy asked. Ipinatikim niya sa aming tatlo ang bagong recipe ng cookies na ginawa.
Tumango ang dalawa kong kasama na mukhang hindi makapagsalita dahil ninananmnam pa ang pagkain ng cookies. I smiled a bit and nodded my head before speaking.
"It's fine, Mom. Hindi matabang at hindi rin matamis. Sakto lamang," sambit ko. Mukha namng natuwa siya doon dahil halos umabot na ang ngiti niya sa kaniyang tenga.
Dumakot ako uli ng cookies. Ilang araw na ang nakalipas at mukhang nakapag-aadjust na ang taong makaluma sa makabagong panahon. Hindi ko alam kung ilang taon na siya ngunit batid ko na siya ay mula sa dating panahon. Sa sobrang lalim ng kaniyang mga salita ay halos hindi rin namin maintindihan. Hindi ko alam kung bakit tila hindi sila kuryuso sa ganoong estilo ng pakikipagusap ni Sleav gayong nakapagtataka ito o maaring gumagawa na ng sariling imbestigasyon si Oscar Lee at hindi lang namin nalalaman.
"Go on, kain ng kain, Sleav." Mommy told him. Pinagmasdan ko silang mabuti. Mukhang palagay na palagay si Mommy sa lalaking ito kahit hindi niya alam kung saan nanggaling at kung sino ba talaga siya.
Lumipat ang tingin sa akin ni Mommy, ngumiti siya ng mahuli akong nakatingin.
"Ngayon mo ba balak humanap ng trabaho?" tanong niya. Mukhang nakuha noon ang atensyon ng dalawa at agad na nagbaling sa akin ng tanong.
"Hmm..." I hummed almost saying yes. Ayaw ko magbuka ng bibig dahilmay kinakain pa naman ako plus the fact that they will surely questioned me more if I show interest of answering my Mom's question.
Tumango si Mommy at saka muling nagsalita.
"Bring Sleav with you para hindi ka nag-iisa," sabi niya.
"Mommy-" magkokomento sana ako ngunit agad niya iyong tinutulan sa pamamagitan ng pagbaling kay Sleav at pagkausap ng nakangiti.
"Sleav, samahan mo si Robin humanap ng trabaho, ha?"
Tumingin sa akin si Sleav bago tumango. Napairap ako. Nakakainis naman na hindi ako magiging malaya. May bantay pa rin. Minsan ay sinisisi ko ang sarili ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit naririto ang lalaking iyan.
Nginitian ko si Mommy bago dumampot ng isa pang cookies at tinalikuran sila. I should get ready than minding them. Isa pa, wala naman akong magagawa kung gusto niyang pasamahin iyon.
Pinagmasdan ko lamang ang closet ko kung saan nakalagay ang iilang pirasong formal attire. May nakita akong mapagtatrabahuhan dito through online. Mommy help me finding a job vacancies. All I need to do is to apply and look for the job that will surely fit me. Iyon nga lang, kakaunti ang pagpipilian. I can't have the office job. Isa pa puro lamang beach resort meron dito at wala naman akong nakitang hiring sa mga mini arcade so I have no choice. It's either a wait staff or hotel staff.
“Mas okay na iyon kaysa naman wala," bulong ko.
Pinili ko ang isang itim na A skirt at isang blouse na may halos puff sleeve. Naglagay lamang ako ng pulbo at liptint at maliit na earrings na kitang kita dahil pagkakapusod ng buhok ko.
“I look decent kaya sana matanggap ako," sambit ko.
Nakarinig ako ng ilang katok mula sa pinto. It must be Sleav. Kahit kailan napakabilis talaga kumilos ng lalaking iyon. Nauna na ako at lahat ay nauunahan pa rin ako matapos sa kahit anong gawain. Akala ko noon ay mabilis na ako dahil hindi naman ako iyong tipo ng tao na maraming arte sa katawan subalit ngayon ay natanto kong hindi.
Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang nakapolo at nakasuot ng abong slack na si Sleav. Hindi halatang pinaghandaan niya.
"Honey, he will find a job too. Sa iisang company na lang kayo, a?"
Nagulat ako sa narinig. Akala ko ba ay sasamahan niya lamang ako humanap ng trabaho? Bakit ngayon ay kasama ko na siya sa pag-aapply ng trabaho?
Nilagpasan ko siya at saka nagmamadaling bumaba para kausapin si Mommy at magreklamo sa kaniyang desisyon. I saw her washing the things she used for baking.
"Mom," I called her. Nilingon niya ako bago bumalik sa ginagawa.
"Akala ko ba ay sasamahan niya lang ako sa trabaho? What happened now? Bakit ngayon pati siya hahanapan ko ng trabaho?" Inis na inis kong tanong.
"Your tito Oscar suggested that. Isa pa, kailangan niya nga naman mabuhay pa rin ng normal kahit pa wala siyang alaala. Maganda na rin iyon para hindi ka magisa sa trabaho." Paliwanag niya.
Inis na kinamot ko ang aking noo.
"Mommy, wala nga siyang birth certificate at kung ano ano, even resume!" I exclaimed.
Tumigil sandali si Mommy sa ginagawa at humarap sa akin.
"Don't worry, Oscar talk to the General Manager on Monteíma Beach Resort. Sinabi niya na follow up na lamang ang mga dukomento about Sleav. Your tito Oscar will take care of that," she smiled, proud of what Oscar Lee did.
Pigil ang iritasyon, nagpakawala ako ng mararahas na buntong hininga. This is what I hate the most. Pinangungunahan ako. That Oscar Lee is really getting into my nerves!
Tinitigan ko ng matalim si Mommy bago nagbawi at tumalikod at umalis. Kapag nanatili ko sa bahay na ito ng ilan pang minuto, I'm sure magkakaroon kami ng pagtatalo. I saw Sleav waiting for me outside. Hindi ko rin siya pinansin at diretso sa paglakad patungo sa sasakyan.
"Maghahanap ng trabaho my a*s!" I hissed.
Hindi normal ito! Sabi ko maghahanap ako meaning ay paghihirapan ko. Paano ko gagawin iyon kung pasok na ako hindi pa man naiinterview? Ponyemas na buhay ito!
Halos magkapanabay kami ni Sleav na nagbukas ng pinto. Sumakay ako at hindi siya pinansin. Nasa harapan na din si Oscar Lee at may kinakausap sa Cellphone niya. Umirap ako kahit hindi man nila makita. That is how I can let go of my stress.
Hindi ko maintindihan ay kung bakit tila hindi nila alam kung ano ang normal na pamumuhay para sa akin. Having Sleav beside me who does nothing but to peak on me. Goodness! How can I handle this duche bag?
"Sa SunMoon mo ako dalhin," malamig ang boses ko ng sabihin ko iyon. Sinilip ako ni Oscar Lee through the front mirror.
"Monteíma kayo magtatrabaho," sagot niya.
Lalo akong nainis.
"Ikaw na nagdesisyon sa buhay ko kahit ako naman ang nararapat. Seriously? Normal na buhay ba ang ganito sa iyo?" Halos tumaas na ang boses ko dahil sa panggigigil sa kaniya.
Hindi ko malaman kung iniinis niya lamang ako at satisfied siya tuwing mangyayari iyon o talagang concern siya sa akin!
"Mas maganda na doon ka sa ligtas ka," komento ni Sleav.
Walang pagtigil sa pagikot ang mga mata ko dahil sa inis.
Trenta minutos lamang at narating na namin ang 'di pamilyar na resort. Sinalubong kami ng grandezang gate noon na halatang inilagay roon para ma-impressed ang kung sino man bisita na darating.
Halong puti at gold ang kulay noon, gawa sa metal na Class A at nakaukit sa pinaka-gitna ang pangalan ng resort nakaukit sa magarbong paraan ng pagkakaukit.
Nakatayo sa gilid noon ang dalawang Security Guard. Sandaling lumabas si Oscar Lee at may pinirmahang papel bago pa kami tuluyang makapasok. Sumalubong ang malulusog na puno at halaman sa amin, bawat gilid ng daanan ay may puno at mga bulaklak. It makes anyone who are passing by mesmerized and feel like they are entering paradise.
"I have a membership here. This is not just a Resort, a Club sort of. Every year, members are paying or renewing their membership card so they can enter this Club without paying for entrances anymore," Oscar explained.
Hindi ako nagkibo pero nagkaroon na ako ng mga katanungan. Paano nagkaroon ng Membership dito kung halos 'di naman siya umaalis ng Hospital? Is this one of his scheme to make Mommy fall on his hands. If Mommy will, I won't!
I saw foreigners taking a walk with their families and some are with their dogs. Ilang sandali ay nai-park ang kotse sa parking lot, 'di kalayuan sa may harap ng tanggapan ng bisita.
Nang makababa si Oscar ay halatang kilala nga siya at ilang empleyado ang agarang bumati sa kaniya. nagpakawala muna ako ng marahas na panghinga bago ako bumaba na sinundan naman agad ni Sleav. Why do I feel like Sleav will be my biggest problem here? Hindi nakakaintindi ng tagalog at walang alam sa sarili. What if the employees assigned on interviewing will asked Questions to him and he can't answer it? Should I back him up?
Nauna siyang lumapit sa kiroroonan ni Oscar at ng kausap niya na sa tingin ko ay may mataas na katungkulan doon. a lot of employees are looking at their way and I am wondering why?
Dahan dahan ang ginawa kong paglakad palapit sa kanila. Narinig kong nagkakamustahan lamang naman sila pero ng lumapit ako ay nasimulan kaming ipakilala at ihabilin na para bang mga bata na iniwanan lamang ng magulang para sa sandaling meeting. I hate Oscar's father figure. it actually does not suit him!
Ilang sabdali pa silang nagusap at hinayaan ko iyon. Pinili ko na lamang na libutin ang Garden sa harap ng tanggapan at nakitang sa likod noon ay malaki at asul naswimming pool. Halatang mayaman ang naririto. Sadyaang mainis at makinang ang tubig dahil tapat na tapat sa sinag ng arw. May iilang naliligo roon at nagtatampisaw naman ang iilang bata sa mas mababaw na parte. These people here are enjoying their normal life while I am striving my best to have it. Suck!
"Nais mo bang magtampisaw at maligo tulad ng kanilang ginagawa?" Ang malamig na boses ni sleav ang narinig ko mula sa likuran ko, tanging pumukaw sa akin sa pagkaaliw sa panonood sa mga nas Swimming pool.
Umiling ako upang sagutan siya. "Natutuwa lang ako na nagagawa nilang ngumiti at sumaya," sambit ko.
Pinili kong umalis na sa pwesto na iyon at bumaliksa kinaroroonan ni Oscar dahil kung tititigan ko lamang ang mga bisita rito ay kakaawaan ko lamang ang sarili ko dahil hindi ako tulad nila na masaya.
"So, we will put her on Kitchen so is he," I heard the bald man whom facing Oscar. Nakita ko ang pagtango ni Oscar. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila. Mabilis na ngumiti sa akin ang lalaki at tumango.
"I wil be assigned in the Kitchen without knowing if we are capable of doing their tasks?" I simply asked.
"Well, Robin. Sa kitchen hindi mo kailangan na makipag-usap ng husto sa iba't ibang tao dahil ayaw mo naman kamo noon," sambit niya na nakangiti ngunit ang mata ay may nais ipahiwatig.
Interacting with people and talking to them must be really hard especially on my case, maybe that is what he is trying to imply, or his eyes are trying to say through its stare.
I nodded my head butr I simply pointed on Sleav.
"What about him?" I asked.
Oscar's eyes shifted from me to Sleav who is just looking at us with no expression.
"He will be assigned on Gardening, Miss," the man behind us spoke and Oscar nodded. My eyebrow arched, still good to know that I am not going to be guarded by him.
"What if I mess up up on the kitchen since I am not good at cooking, Oscar," I simply asked.
"That is okay, hindi ka naman ilalagay sa pagluluto kundi sa pagdi-dispatch ng mga pagkain at pagsigaw ng mga order. Kapag walang gaanong bisita, saka ka nila tuturuan sa paggawa ng iba't ibang uri ng pastries. You don't need to worry because our kitchen staff are all kind and will assist you with everything."
"Isa pa, hindi lamang ikaw ang bago kaya hindi ka gaanong maiilang. You have two company so I am sure you will get along with them dahil parehas kayong mga baguhan."
Tumango ako at hindi na nagbitaw pa ng salita. Tila planado na nila ang bawat galaw namin at hindi na mababago ang ma deisyon. tatanggapin ko naman kung ako ay maalais dito dahil sa hindi ako marunong. Marami pang ibang trabaho at mas maganda para sa akin na matry ang mga iyon.
"Okay, tomorrow you will start but for now, let Jack..." the bald man pointed the guy behind us and continued speaking, "...assist you and tour you around so you will have a little background about our Resort," he finished.
Jack guided us and that continue my not so good day.