November 30. Everything is going according to what I planned. The nurse didn't stop giving me hints. Naging malaking tulong iyon tulad ng sabi ko subalit namimili pa rin ako ng oras kung kailan ko dapat siya tanungin. Kailangan ko ng tamang timing sa kuung paano ko siya tatanungin ng hindi nahahalata o nakikita sa CCTV ang pagbuka ng bibig ko. Alam kong alam niya na na nakakapagsalita ako ayon na rin sa binigay niyang babala sa akin noon. Kailangan ko ng pruweba o sitwasyon na makapagsasabi sa akin na hindi niya ako ipagkakanulo o hindi niya ikakanta ang anumang malalaman niya sa akin. Sa mga nagdaang araw ay pinagiisipan ko kung anong magandang gawin upang malaman ko kung nararapat ko ba siyang pagkatiwalaan subalit walang sumasaksak sa utak ko. Isa pa ito sa aking pinag-aalala ng lu